Kasalukuyan kaming nagkaklase nang may mag-abot sa akin ng tatlong stem ng red roses. Sanhi upang magtuksuhan ang mga kaklasmate ko. Pati ang professor ko'y nangingiti.
"Galing kay Mikho," tila nagyayabang na sabi ng estudyante sa buong klase, isa sa mga barkada ni Mikho.
Pabagsak kong ibinaba sa sahig ang mga bulaklak kasama ng backpack ko. Kung malapit lang ang basurahan ay itinapon ko na iyon doon.
"Smile, Kimberly. Nasisira ang beauty mo. Aba, kung sa akin iyan ibinigay siguro nangangarap na ko." sabi ni Collete.
"Sa iyo na!"
Paglabas ko ng klase andun na si Mikho at nakaabang sa akin. Humiwalay si Collete sa akin bago ko pa napigilan. Sinabayan na ko ni Mikho sa paglalakad.
"Hi," Nagustuhan mo ba yung mga bulaklak?"
"Thanks," Kaya lang sana sa susunod kung magpapadala ka ng bulaklak huwag sa klase. Nakakahiya sa mga professor."
"Precisely my point," I want everybody to know na type kita kaya kita pinadalhan ng mga bulaklak. Hindi ba mas gusto ninyong mga babae iyong ipinagmamayabang kayo sa mundo na gusto kayo ng mga lalaki.
"Well, not this particular, Mikho, and not definitely from you!
"Napakapakipot mo naman, Kimberly. Ikaw na nga ang sinusuyo, ikaw pa ang suplada."
"Then stop pestering me dahil hindi ako nagpapasuyo sa iyo at huwag mo akong sabayan. Ayokong natutukso.
"Naluma ka roon, Mikho!"sigaw ng isa sa barkada nito.
"BINUWISIT ka na naman ba ni Mikho?" ani Stephanie.
"Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko para tigilan na ako ng lalaking iyon," Gwapo at sikat nga pero ang lakas naman ng hangin sa katawan. Sobra ang tiwalang walang babaing tatanggi."
"Well, may mga tao talagang tulad niya....." ani Stephanie.
Kung pinapatulan mo ba naman si Jason Karl para hindi ka na iniistorbo ng lalaking iyon," suhestiyon ni Stephanie.
"Magtigil ka, ha!" napipikon kong sabi. Malakas na tumawa si Stephanie at pumasok na sa isang room para sa huling subject nito.
Sa ibaba ng hagdan ng building ay may basurahan. Pagalit kong itinapon doon ang mga bulaklak.
"I'm glad those flower didn't come from me."
"Jason Karl"
"Hi."
"Hi yourself," matabang kong sagot.
"Pwede ba kitang ihatid, Kimberly?" tanong nito.
"Salamat na lang, Jason Karl. Binilisan ko na lang lalo ang paglalakad ko.
Tatlong araw matapos akong bigyan ng bulaklak ni Mikho ay muli kaming nagkita-kitang magkakaibigan sa ilalim ng punong santol. One hour bago ang klase namin.
"Kimberly! Bakit naman ganun kailangan sa iba pa namin malaman na mag-on na kayo ni Mikho?" salubong agad ni Maja.
Änong pinagsasabi mo?"
"C'mon, friend, kunwari ka pang hate na hate ang mga bulaklak huh? Iyon pala'y boyfriend mo na kaagad," ani Collete.
"Kayo talaga," ani Stephanie.
Ibinagsak ko sa damuhan ang backpack ko at hinarap ang mga kaibigan ko. "Teka....teka, kanino ninyo nasagap ang balitang iyan, aber?" paninita ko.
"Bakit? Hindi ba totoong mag-on na kayo ni Mikho?" ani Maja.
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KONG NERD
Roman pour AdolescentsKahit ilang beses pa akong masaktan dahil lang sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.