"Nalaman kong pati pala mga barkada moý Nerdie Boy ang tukso sa boyfriend mo, Kimberly," ani Mary Grace.
"I'm sorry if Jason Karl didn't come up to your standard."
"Hey, I'm sorry......"Nagbibiro lang ako. Hindi ko siya pinipintasan. Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo inaawat ang mga barkada mo sa panunukso sa boyfriend mo."
"Ikinahihiya mo ba ang boyfriend mo. Iyon ba ang dahilan kung bakit lagi kang nakadistansiya kay Jason Karl kapag nasa paligid kami?"
" I could see it in your eyes that you like him, Iniisip kong napakabata mo pa at hindi kayang dalhin ang pagkakaroon ng boyfriend kaya nakadistansiya ka sa kanya kapag kasama kami. But now....."
" Hindi ko gustong pag-usapan si Jason Karl, Ate Mary Grace,"
"Hija, bakit hindi mo igawa ng sandwich si Jason Karl. Kanina pa iyon doon sa ihawan. Baka nagugutom na iyon nahihiya lang magsalita." ani ni Mommy. "Sige na. Nakakahiya naman dun sa tao nag-iisa lang roon.
" Hi," mag-sandwich ka raw muna, sabi ni Mommy."
"Thank you, sweetheart."
"Ikaw?"
"I'm not hungry."
"Hatian mo na lang ako dito sa sandwich ko."
"Wait,"Mamumuwalan ka. Chew what you bit."
"Hey, wait up."
" Nakita mo iyong mga sinag ng araw na naglalagos sa mga dahon ng niyog? It is so because you smiled at me."
"You have the makings of a great poet, Jason Karl Santiago."
"And you are every poet's inspiration, sweetheart." You made me happy, Kimberly. Akala ko'y imposibleng mahalin mo rin ako."
"M-maraming babaing naghahangad na mapansin mo Jason Karl......"
"Yeah. For obvious reasons." Not because they are attracted to me, kundi dahil may kaya ang pamilya ko. And I'm driving an expensive sportscar. Women wouldn't like me kung hindi dahil doon. Sa mga mata ng ibang tao ay nerd ako......."
" B-bakit kasi ganyan ang suot mo? At bakit hindi mo palitan iyang eyeglasses mo ng mas modernong frame at iyang bra____?"
" Pati ikaw ay napuna iyon...."
"N-no offense meant, Jason Karl....."
"Of course. Correction ang braces ko, sweetheart, para sa teeth ko. At iyong ayos ko, I want to please my mom. Masyado siyang makaluma at ______"
"Ang Mama mo ang may gustong mag-ayos ka nang ganyan at sinusunod mo naman kahit ______"
"Don't get me wrong, Kimberly. I owe her a lot. Si Mama na lang ang meron ako mula nang umalis si Papa at bihirang umuwi. Kung wala si Mama, siguro'y baka isa na ako sa mga delingkuwenteng kabataan nakikita mo ngayon.
"Bakit hindi ka dinadalaw ng papa mo? hindi ba't nasa malapit lang naman siya?
"Hindi ko alam kung bakit hindi dumadalaw si Papa, Kimberly." May palagay akong hindi niya gugustuhing dumalaw dito."
"Eh, di ikaw ang dumalaw sa kanya. Don't you missed her?"
"Noong mga unang taon ako ang dumadalaw sa kanya lalo na kapag bakasyon. But soon I realized na mas mabuting hindi ko na lang siya dinadalaw...."
"But why? Oh, Jason Karl, I'm sorry....."
"Don't, Kimberly. Pity is the last thing I need. Especially, not from you. Pero bakit ba ang buhay ko ang pinag-uusapan natin? I'm happy with you.... I love you and I am going to marry you."
"M-marry?"
"Yes," Maaari ba tayong umalis sandali? May pupuntahan lang tayo......"
"S-saan?"
" Huwag kang mag-alala, babalik din tayo kaagad."
"Where exactly are we going, Jason Karl?"
"Hindi kalayuan dito ang bahay ng kakilala ko, Si Mark. Dati siyang supervisor ng isang mall. Doon tayo pupunta....."
"But why? Ano naman ang gagawin natin doon?"
"Malalaman mo....."
Pagkalipas ng ilang minuto nakarating kami sa aming pupuntahan. Mayroong isang di-kalakihang bahayna yari sa kahoy at kawayan. Bumusina si Jason Karl at makalipas ang ilang sandali'y lumabas ng balkonahe ang isang lalaki sa tingin ko ay nasa edad na singkuwenta. Naka-polong puti at pantalong itim. Marami nang puti sa buhok.
"Jason Karl?"
"Hello, Mark."
"Nadalaw ka, Jason Karl. Sino iyang kasama mo?"
"She's my girlfriend, Mark. At kaya kami naririto ay para hilingin sa iyong ikasal mo kami....."
"Ikasal!" Are you out of your mind?"
"He's a church minister, Kimberly. He could marry us......."
"May dala ba kayong lisensiya? Aba'y mukhang galing kayo sa outing, ah."
"Mark." ang hinihiling ko lang sa iyo ay ikasal mo kami sa paraang alam mo. Iyon lang...."
"Jason Karl....." What are you doing?"
"Sshh," Nag.....nagtanan kami, Mark......" and we want spiritual approval and blessing before.....everything else."
"Ang babata pa ninyo________"
"Well don't worry about that, Mark. Just do what I say....."
"Okay," Kailangan bang maging pormal?"
"No. Just marry us here and say what you need to say....."
" Jason Karl, What are you____"
"Sshh......"
"Sige, maghawakan kayo ng kamay....Ano na nga pala ang pangalan mo, ineng?"
"K-Kimberly."
"Hindi ko kayo babatiin dahil wala namang bisa ang kasal na ito sa legal na kahulugan. At mas gugustuhin kong ibalik mo sa kanila ang girlfriend mo, Jason Karl....."
"Thank you, Mark. I owe you."
Humakbang patungo sa puno ng mga bulaklak si Jason Karl at pumitas ng santan at rosal at ibinigay sa akin. " Your wedding bouquet....."
"Kanino ko ito ihahagis? Sino ang sasalo nito?"
"Pagdating natin sa beach, ibigay mo sa ate mo. No explanation."
"You're crazy, you know," Ano ba namang kalokohan iyan at naisip mo iyon?"
"You're my wife now." I love you, Kimberly, now and forever."
"B-baka hinahanap na tayo nila Mommy at Daddy." Agad akong umayos sa pagkakaupo sa sasakyan."
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KONG NERD
Fiksi RemajaKahit ilang beses pa akong masaktan dahil lang sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.