CHAPTER 4

21 2 0
                                    

Katatapos lang ng pinanood na pelikula ni Jhoelle. Nagretouch muna siya ng make-up sa ladies room. Pagkatapos ay dali dali nyang tinungo ang event's center ng mall. Nang marating niya ang event's center ay punong puno ito ng tao. Sumingit siya at nakipagsiksikan para makarating sa may gawing harapan. Nagbabakasakali siyang makita si Edward doon. Nang marating niya ang harapan, bumungad sa kaniya ang malaking tarpaulin na nakadisplay sa stage. Larawan yon ni Edward. Nagulat siya ng mabasa ito: SM Mall of Asia Welcomes Harry Styles on his Album Tour. Saka lumipat ang paningin nya sa lalaking pumipirma sa harapan. Si Edward!

Bahagya siyang napaatras sa kinatatayuan. Si Edward at Harry Styles ay iisa. Ang excitement na kaniyang nararamdaman kanina sa muling pagkikita nila ng kaniyang bagong kaibigan ay napalitan ng disappointment at inis. Pakiramdam nya ay pinagtripan siya nito. Sa sobrang sama ng loob, tumalikod siya saka umalis sa venue. Saktong pagtalikod niya ay siya namang pagtingin ni Harry sa crowd na nasa kaniyang harapan. Napansin nya ang dalagang paalis na ng venue. Napatayo si Harry mula sa kinauupuan.

" Is there a problem Sir?" bulong ni Steve sa kaniya.

" Remember the girl at the hotel? I saw her leave just now and I wanted to give her something."

" I'll accompany you then."

" Okay. Just wait here, I'll get my stuff." Nag-excuse si Harry sa mga fans at nangakong babalik din. Pumunta siya sa backstage at kinuha ang isang bag na maliit. Kinuha niya ang shades at isang cap saka niya isiningit ang mahabang buhok sa loob ng sumbrero. Busy ang PA nya at ang iba pa nyang mga kasama. Ang alam ng mga ito ay nasa may stage sya at pumipirma. Si Steve lamang ang kasama nyang nagtungo sa restroom. Nang marating nila ang Men's Room na iniukol para sa kaniya, pumasok sa loob ang binata. Si Steve ay nanatili sa labas at naghintay.

Habang nasa loob ng restroom, nag-ring ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ito. " Hello?"

" Is this Mr. Styles?"

" Yes. Who's this?"

" I told you, I'm gonna follow you wherever you will go." Tumawa ang lalake sa kabilang linya. "I want something from you."

Nabosesan ni Harry ang lalakeng kausap. Ito rin ang taong tumawag nung isang araw sa kaniya na nagbabanta sa kaniya. Akala niya ay prank caller lang ito. Bahagya siyang nakaramdam ng takot. " What do you want?"

" Money Mr. Styles. A million dollars."

" I'm sorry but I can't give you what you're asking."

" 1 million dollars is just a penny for you Mr. Styles. Now, if you won't give me what I want, I will be forced to kill you and your whole staff and you'll never see London ever again. I got my men around the mall so don't you dare."

" My money's in London. I need to go back there to get some."

" Okay, I'll give you time. Call your Mother, tell her to deposit 1 million dollars on the account that I will send you. Is that clear?"

" Leave my Mom alone!"

" Mr. Styles, focus! All I need is the money."

" As long as you promise nothing will happen to my crew, and to my family."

" I'm a man of my word. 1 million dollars, and all your crew will be safe."

" Okay."

" It's a closed deal then. I'll call you after a few minutes. Don't you dare report this to the police, or you're all be dead." Yun lang at ibinaba na ng kabilang linya ang kaniyang telepono.

Di pa rin rumirehistro kay Harry ang nangyari. Sino nga ba ang tumawag sa kaniya? At bakit kailangan nitong pumatay para sa ngalan ng pera.
Tinawag ni Harry si Steve. Saka niya ito kinausap.

When Harry met Jhoelle ( A One Direction Fanfic ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon