CHAPTER 12

17 2 0
                                    

Nang sumunod na araw ay binalitaan sila ng Chairman na naging mabilis ang clearing operations sa mga daan. Humupa na din ang baha, kaya maaari na daw silang makauwi. Pagkasabi palang ng balitang yon ay unti-unti ng inayos nina Harry at Jhoelle ang kanilang mga gamit.

Pagkatapos nilang kumain ng pananghalian na inihanda ng mga taga-Rosario, nagpaalam na sina Jhoelle at Harry sa mga tao.

" Tutuloy na ho kami. Babalik ho ako, pangako po." Sabi ni Jhoelle. Saka nito binalingan si Chairman. " Chairman, salamat po sa pag-aalaga sa amin habang andito kami."

" Naku doktora, kami nga ang dapat na magpasalamat sa inyo eh. Napakalaki ng naitulong nyo sa amin dito."

" Wala ho yun Chairman. Paano ho, tutuloy na ho kami. Maraming salamat ho uli." Kinamayan ni Jhoelle ang Chairman.

" Sige po doktora." Kinamayan naman ni Chairman si Harry. " Harry, thank you."

"It's a pleasure meeting you all. I'll be back for these guys." Tinutukoy ng binata ang mga bata.

Sinugod ng mga bata si Harry. Ang iba ay nagpakarga sa kaniya. Nakipag-apir sya sa mga ito.

" Hey guys, thank you for the advice." Saka niya inakbayan si Jhoelle at hinalikan sa ulo para ipakita sa mga ito na effective ang mga itinuro nila sa kaniya.

Kinilig naman ang mga bata, pati ang mga matatanda.
Kinurot ni Jhoelle sa tagiliran si Harry. Nagtawanan silang lahat.

Bago umalis ay kinuha ni Jhoelle ang kaniyang netbook saka sila nagpakuha ng pictures kasama ang mga taga-roon. Pati ang mga bata ay nagpapicture kasama si Harry. Nag-request pa ang mga tao doon na magpapicture sila ni Harry nang sila lang.

Nang matapos ay sumakay na sa sasakyan ang dalawa. Saka tuluyan nang umalis.

" Naku Jhoelle, Harry! Welcome back!" sinalubong sila ni Nana Bebeng. " Akala ko napano na kayo. Di ko makontak ang cellphone mo hija."

" Diba nga ho, ala pong signal ang cellphone at internet dun Nana. Tapos sa lakas ng bagyo, na-stranded kami dun. O dito ho, kumusta naman?"

" Dito, may mga nagtumbahan ding puno pero kaunti lang. Simula nung manalasa yung bagyo, nawalan na rin ng kuryente dito. Kanina lang umaga naibalik."

" Mabuti naman po kung ganun."

" Hello Nana. How are you?" bati ni Harry. Galing ito sa likurang bahagi ng sasakyan para kunin ang mga gamit nila ni Jhoelle.

" Hi Harry. Im okay. Let me help you with your baggages." Kinukuha ni Nana bebeng ang mga gamit na dala ni Harry.

" It's okay, I can handle this."

" I know your tired." Kinuha ni Nana Bebeng ang mga karga. Hindi na nakatanggi si Harry. " Just get inside and take a rest."

" Okay Nana." Hinawakan ni Harry ang kamay ni Jhoelle saka sila sabay na pumasok sa loob. Nagulat naman ang matanda sa ikinilos ng dalawa kaya hanggang sa makapasok sila sa loob ay nakatingin pa din ang matanda sa mga kamay nila. Saka niya pinagpalitan ang mga tingin sa dalawa na waring nagtatanong.
Bumukha ang bibig ni Jhoelle na wari may sinasabi pero walang lumalabas na boses galing dito.
Sa una, ay hindi naintindihan ng matanda ang sinasabi ni Jhoelle. Nang ulitin nya ito at itinuro si Harry, nahulaan na din nya ang ibig sabihin ng dalaga.

Napatili si Nana Bebeng. " Ay! Talaga? Kayo na nga ba?"

Napakamot ng ulo si Jhoelle. " Nana Bebeng, wag ho masyadong maingay."

Napayakap ang matanda sa dalawa. Nahalikan nya pa ang mga ito. Nagtataka naman si Harry sa mga pangyayari.

" I just told her that we're officially in a relationship."

When Harry met Jhoelle ( A One Direction Fanfic ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon