Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Jhoelle sa NAIA terminal 3. Pagkakuha niya ng kaniyang mga bagahe, nagtuloy tuloy na sya sa paradahan ng mga taxi. At dahil pagod na pagod siya at hating gabi na siya nakarating ng Pilipinas, nag-arkila na lamang siya ng cab pauwi ng Pangasinan. Di na muna siya tutuloy sa bahay ng mga magulang dahil ayaw niyang makaabala sa mga ito. Ang isa pa'y gusto na rin nyang magbalik sa serbisyo. Gusto nyang lunurin ang sarili sa trabaho para makalimutan ang nangyari sa kanila ni Harry.
Sa kalagitnaan ng kaniyang biyahe, biglang nag-play sa stereo ng taxi ang kanta ng One Direction. Ito yung kantang kinanta para sa kaniya ni Harry sa kanilang show: Last First Kiss. Naalala niyang bigla si Harry at ang mga masasayang nangyari sa kanila sa London. Di niya namalayan ang pag-tulo ng kanyang luha. Nang magising siya sa riyalidad, pinunasan niya ang pisngi.
" Mam, kung ano man po ang problema nyo, maaayos din po yan. Tiwala lang po sa Diyos." Nagsalita ang driver na sa tantiya ni Jhoelle ay nasa edad 50 pataas. Mukhang mabait ito.
Nginitian ni Jhoelle ang driver. " Opo Manong. Pasensya na po. May naalala lang po kasi ako sa kantang yan."
" Boyfriend mo?"
" Ex na po manong."
" Eh kung alam nyo naman sa mga sarili nyong mahal nyo pa ang isa't isa, di pa ex yan. Malamang magpapahinga lang ito." Saka tinuro ng driver ang dibdib sa may parteng puso.
" Kumplikado po kasi ang sitwasyon namin."
" Walang komplikado sa dalawang taong nagmamahalan. Alam mo kami ng misis ko, komplikado rin ang naging sitwasyon namin. May kaya ang pamilya niya. Ako, hamak na taxi driver lang. Tutol sa amin ang mga magulang niya. Ano nga naman daw kasi ang mahihita nya sa isang tulad ko. Alam kong hindi pa sya handang iwan ang pamilya nya para lang sumama sa akin. Kaya ang ginawa ko, nagsikap ako para patunayan sa pamilya niya na kaya ko syang buhayin. At hindi ko sya iniwan, kahit na ganoon ang sitwasyon namin. Lalo pang tumibay ang relasyon namin. Ngayon, 35 years na kaming kasal. Apat ang anak namin. At masaya kami."
" Eh paano ko naman ho ipaglalaban kung alam kong sarili nyang kaligayahan at pangarap ang igi-give up niya para sa akin?"
" Bakit? Ni minsan ba ay tinanong mo kung ano ang makakapagpaligaya sa kaniya?"
Di nakasagot si Jhoelle. Hindi nga niya nagawang tanungin ang binata tungkol sa bagay na yun.
" Yan tayo eh. Pinangungunahan natin ang damdamin ng iba. Kaya ang ending, pareho kayong masasaktan."
Huminga ng malalim si Jhoelle. Nagbabanta na namang bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata.
" Naku pasensya ka na ha? Pinapaiyak na naman ata kita."
Ngumiti si Jhoelle. " Okay lang ho. Totoo naman po yung mga sinabi nyo eh."
" Ika nga sa ingles, sometimes truth hurts."
" Opo."
" Pero alam mo kung mahal ka nun, handa siyang maghintay ng tamang panahon para sa inyong dalawa."
" Sana nga po Manong. Pero masyado ko na po siyang nasaktan."
" Sabi ko nga diba?Tiwala lang."
Ngumiti si Jhoelle. " Bahala na po ang tadhana."
" Harry? What are you doing here son?" Nagulat si Mrs. Twist nang makita sa pintuan ng kaniyang bahay si Harry.
" Can I stay here for a while Mom?"
" But of course. You're very much welcome."
Pumasok na nang tuluyan sa loob ng bahay. " Where's my sister?"
" She's out with friends. She'll be staying at Amy's house for tonight." Tinutukoy ng ina ang pinsan nina Harry.
" Okay. I'll just be at my room then."
" How's your wound?" Nasabi na kasi ng binata ang nangyari sa bahay niya nung isang gabi. Tinawagan niya ito at ikinuwento ang lahat. Ngunit di pa rin niya masabi ang nangyari sa kanila ni Jhoelle.
" It's okay Mom. I'll just take a nap."
" Okay. I'll prepare us some dinner."
Pumasok si Harry sa kaniyang kwarto saka nahiga sa kaniyang kama. Ang totoo ay wala pa syang tulog simula nang umalis si Jhoelle.
Kahit anong gawin niya ay talagang di siya makatulog. Wala siyang ginawa kundi tignan ang picture nilang dalawa ni Jhoelle na hanggang ngayon ay screen saver pa rin ng bagong bili na cellphone niya.Maga-alas syete ng gabi ng kumatok si Mrs. Twist sa kwarto ni Harry. Nang walang tugon mula sa binata ay binuksan nito ang pintuan. Madilim ang buong kwarto. Nakita niya si Harry na nakahiga pa rin habang tangan nito ang cellphone at yakap ang isang unan.
" I thought you're still asleep." Lumapit siya sa kama ng binata saka sinindihan ang lamp shade sa tabi nito. " Come, dinner is ready."
" I'm not hungry Mom."
Tumabi si Anne sa anak. Umupo ito at sumandal sa headboard ng kama ng binata. " When you were about 5 years old, I remember. You told me I was a psychic because I can always tell what's on your mind. While in fact, I am your Mom and I know you so very well. But now it's different son. I don't know what's on your mind, in your heart. All I know is you're lonely. I can see it in your eyes. Care to tell me about it?"
Binalingan ni Harry ang kanyang ina.
" Mom......." sumiksik si Harry sa kaniyang ina na parang bata saka ito niyakap ng mahigpit. Hindi na napigilan pa ni Harry ang maiyak.
" Jhoelle is a nice girl. And I know she has a good reason." Niyakap ni Anne ang anak saka hinalikan ang ulo nito.
Umiiyak pa rin si Harry.
" You really love her, don't you?"
" So much Mom....."
Niyakap ng mahigpit ni Mrs. Twist ang binata saka hinagod ang likod nito. " Everything will be okay Harry. You'll get through this."
Tumango lang si Harry saka lalo pang hinigpitan ang yakap sa ina.
BINABASA MO ANG
When Harry met Jhoelle ( A One Direction Fanfic ) COMPLETED
ФанфикJhoelle has everything. Wala na siguro siyang mahihiling pang iba. Pero sa edad nyang 27, medyo nahuhuli na siya sa biyahe ng mga SMP: Samahan ng mga Makukulay ang Pag-ibig. Di naman siya mapili, hindi pihikan. Takot lang. Takot lang na baka maulit...