1 and a half years later........
" Sige po. Ibalik nalang ho ninyo siya sa akin after 3 days para ma-check po natin kung tumatalab po yung nireseta ko na antibiotic, ano po Misis? Basta continue lang po yung pagpapainom ng gamot sa ubo."
" Opo doktora. Salamat po ng marami." Umalis na ang pinakahuling pasyente ni Jhoelle sa araw na yun. Sinabihan niya ang sekretrya na magsara na ito ng clinic at pagkatapos ay pwede na siyang makauwi.
Nagpaalam na ang kaniyang sekretarya sa kanya. Naiwan siyang mag-isa sa kanyang clinic. Sumandal siya sa swivel chair saka niya ipinikit ang kaniyang mga mata. Nang marelax siya ng konti ay iminulat niya ang kaniyang mga mata at muli siyang humarap sa kaniyang laptop. Maya maya'y nag-ring ang cellphone ni Jhoelle. Sinagot niya ito.
" Oh, Toots, napatawag ka?"
" O ano? Kukumustahin lang kita kung nakapagready ka na para bukas." Ang tinutukoy ni Toots ay ang pagpunta nila sa Maynila bukas. Nagyaya kasi ito na pumunta ng Manila dahil may dadalawin daw itong kamag-anak. At dahil birthday ni Jhoelle bukas, pinagbigyan na niya ang kaibigan. Para makapasyal na din siya sa mga magulang niya.
" Oo. Ready na ang lahat. Teka taga-saan ba kasi yung mga kamag-anak mo?"
" Basta ituturo ko nalang sayo kung saan. Baka di mo rin kasi alam kung saan yun kasi medyo maraming papasukang kanto."
" O sige. Kapag naihatid kita bukas dun, sasaglit na muna ako sa St. Lukes ha? Dalawin ko lang sina Mommy at Daddy."
" O di unahin na nating dalawin sina Tito at Tita. Alam mo na, birthday mo bukas. Sigurado magti-treat ka. Ayaw ko namang mamiss yun noh!"
" Gaga ka talaga noh? O sige, ganoon nalang ang set up natin.Puntahan muna natin sina Daddy. Pagkatapos punta na tayo sa mga relatives mo. Para naman makilala ko din sila. Kapag may time, mamasyal muna tayo bago umuwi."
" Okay. Sunduin mo nalang ako bukas dito sa bahay?"
" Sige. Dadaan ako diyan ng mga bandang 4am ha? Ayoko kasi ng inaabutan ng traffic sa daan."
" Bestfriend, basta ikaw ang bahala. Ikaw ang magdadrive eh."
" O siya sige na. Maliligo na muna ako. Matulog ka ng maaga para maaga ka ding magising."
" Oo na sige na. Advance Happy birthday bestfriend!"
Natawa si Jhoelle. " Sipsip! Pero salamat bestfriend ha? Gift ko?"
" Bukas nalang. Surprise nga eh! Sige na, maligo ka na! Naaamoy na kita hanggang dito o!"
" Sira!"
Nang matapos ang usapan ng dalawa ay naligo na si Jhoelle. Pagkatapos ay naghapunan na siya kasama ni Nana Bebeng.
Pagkauwi ni Nana Bebeng ay pumasok na rin sya sa kaniyang kwarto. Sinindihan niya ang kaniyang T.V. saka inilipat sa news ang channel.
Naupo siya sa harap ng salamin saka nagsuklay ng buhok para agad matuyo ito. Natuon ang pansin niya sa telebisyon nang marinig ang balita.
" Excited na excited na ang mga fans nina Liam, Louis, Niall at Harry na mas kilala bilang One Direction sa kanilang concert bukas sa SM Mall of Asia Arena para sa pagtatapos ng kanilang Asian League. Inaasahan na magiging jam packed ang concert at paniguradong mage-enjoy ang lahat lalo na sa promotion ng kanilang latest album. Ito na ang pangalawang pagkakataon na magco-concert ang grupo sa bansa. Magsisimula ito sa ganap na ikaapat ng hapon."
Matagal na siyang di nakakarinig ng balita tungkol sa 1D. Sinadya niya kasi na wag makibalita sa mga ito para makalimutan na niya ang nararamdaman kay Harry. Maging naman ang binata ay di na gumawa ng paraan para maibalik ang communication nila. Bahagyang sumama ang loob niya sa naisip. Ngunit talaga yatang di na maaalis ang nararamdaman niya rito. Tinry niyang magmove on, abalahin ang sarili sa trabaho. She even tried to entertain suitors. Pero wala pa rin.
Tapos ngayon, eto at nandito sa bansa ang binata. At pupunta naman siya ng Maynila bukas. Ang pagkakataon nga naman talaga.
BINABASA MO ANG
When Harry met Jhoelle ( A One Direction Fanfic ) COMPLETED
FanficJhoelle has everything. Wala na siguro siyang mahihiling pang iba. Pero sa edad nyang 27, medyo nahuhuli na siya sa biyahe ng mga SMP: Samahan ng mga Makukulay ang Pag-ibig. Di naman siya mapili, hindi pihikan. Takot lang. Takot lang na baka maulit...