CHAPTER 13

16 3 0
                                    

Alas-syete ng umaga nang lumabas ng kwarto si Harry. Nakagayak na ito. Pinuntahan niya sa kusina si Nana Bebeng. Tinanong nya sa matanda kung nagbukas na si Jhoelle ng pintuan. Malungkot na umiling si Nana Bebeng.

Maya-maya pa'y dumating si Toots. Dala dala nito ang kaniyang mga collection para ipapirma kay Harry. Nalungkot siya nang malamang ngayon na pala ang alis ng binata at hindi man lang sila nakapag-bonding ng matagal.

Pinirmahan ni Harry lahat ng dala ni Toots. Saka din siya nagpaunlak na magpalitrato dito.

" Please take care of my girlfriend Christina."

" Your girlfriend? You mean...."
Gustuhin mang magsaya ni Toots ay hindi nya magawa. Naikwento kasi ni Nana Bebeng na hanggang ngayon ay di pa rin lumalabas ng clinic si Jhoelle.

Mga bandang maga-alas otso ay dumating ang isang sasakyan. Lumabas mula sa driver's seat si Steve. Saka nagtuloy sa bahay ni Jhoelle.

Sinalubong siya ni Harry saka nya ito kinamayan at niyakap. " Nice to see you buddy."

" You too Harry. Thank God you're okay."

" Where's everybody? How are they?" tinutukoy nito ang kaniyang mga staff.

" They are all fine. They flew back to London last night."

" I see."

" Shall we go?"

" Okay. Just wait for me outside."

Nagpasalamat si Steve kina Nana Bebeng at Toots saka ito nagpaalam at lumabas ng bahay.

Kumatok si Harry sa pintuan ng klinika ni Jhoelle. " I'm leaving Jhoelle. I just wish we had some more time to talk. I'll keep in touch, I promise." Saka idinikit ni Harry ang noo sa pintuan. " I love you so much, remember that. Thank you for everything." Huminga ng malalim si Harry para pigilan ang kaniyang mga luha. Saka niya binalingan sina Nana Bebeng at Toots na naiyak na din dahil sa nadurog ang kanilang kalooban sa mga kaganapan.
"Nana, thank you so, so much!" Niyakap niya ang matanda.

" You take care of yourself okay?"

"Okay." Sunod na niyakap ni Harry si Toots.

" Christina, take care of Jhoelle for me, please. I already saved my personal phone number and accounts to her net book , in case she wants to get in touch with me."

" I will Harry."

Kinuha ni Harry ang paperbag saka lumabas ng bahay kasama sina Nana Bebeng at Toots. Kinawayan nya ang mga ito. Pagkatapos ay tinignan muna niya ang kabuuan ng bahay ni Jhoelle bago pumasok ng sasakyan.

" Let's go Steve." Mabigat ang kalooban ni Harry na pumasok sa loob ng sasakyan.

Ini-start ni Steve ang kotse saka pinaandar. Hindi pa man nakakalayo ang kotse ay lumabas na si Jhoelle at walang nagawa kundi ihatid ng tanaw ang sasakyan ni Harry.

" Harry...." Hindi na napigilang umiyak ni Jhoelle. " I'm so sorry......."
Maging sina Nana at Toots na nasa likuran niya ay naiyak na din.

Mula sa side mirror ng kotse ay nakita ni Harry si Jhoelle. " Please stop the car Steve."

Inihinto ni Steve ang kotse. Dali-daling bumaba ng kotse si Harry at tumakbo papunta kay Jhoelle.

" Jhoelle, si Harry!" sigaw ni Toots.

Nakita ni Jhoelle si Harry na papunta sa kaniya. Tumakbo na din sya para salubungin ito. Nang magtagpo sila ay nagyakap sila ng mahigpit.

" I'm so sorry Harry. I'm sorry." Patuloy sa pag-iyak si Jhoelle sa dibdib ni Harry.

When Harry met Jhoelle ( A One Direction Fanfic ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon