CHAPTER 8

15 3 0
                                    

Umalis si Jhoelle bago mag-alas singko ng madaling araw. Ngunit bago niya iwan si Harry ay inihanda na niya lahat ng kailangan ng binata. Ipinahiram din nya dito ang kaniyang netbook para kung may gusto man syang tawagan through skype, ay makausap nya ito. Binilinan na din nya si Nana Bebeng sa mga gamot ni Harry at sa mga sugat nito.

Naisipan din ni Harry na tawagan si Steve upang ipaalam dito na okay lang siya. Pero hindi nya sinabi rito kung nasaan siya. Nakibalita na din sya sa ginagawang imbestigasyon patungkol sa mga natatanggap nyang death threats. Tatawagan nalang daw sya nito sa numerong gamit nya kapag maayos na ang lahat.
Buong araw nakakulong si Harry sa kwarto. Kada ilang minuto ay pinupuntahan siya ni Nana Bebeng para tanungin ito kung may kailangan sya.

Bandang tanghali ay ipinaghatid sya ng pagkain ng matanda.

" Hm, I'm stuffed. Thank you Nana. If I go back to London, I'm going to miss your cooking. Can I take you with me?" Biro ni Harry sa matanda.

Tumawa si Nana Bebeng.

" Nana, I wanna ask you something."

" What is it?"

" Jhoelle keeps telling me the word 'gwapo'. What does that mean? She's always hiding behind your language."

Kinilig si Nana Bebeng. " That means your handsome, good-looking."

"Oh..." ngumiti si Harry.

" Nana Bebeng!!" May tumatawag mula sa labas ng bahay.
Nagulat si Nana Bebeng nang marinig yon. Si Toots ang tumatawag.
" Stay here. Don't go outside." Lumabas si Nana Bebeng saka isinara ang pinto.

Nakiramdam si Harry sa mga nangyayari sa labas ng kwarto. Naririnig nya ang pag-uusap ni Nana Bebeng at ng isang babae. Marahil ay hinahanap nito si Jhoelle. Malamang pasyente ito na nangangailangan ng medical attention.

Saglit na tumahimik sa labas. Palagay ni Harry ay nakaalis na ang babae. Maya-maya'y nagbukas ang pinto ng kwarto." Nana Bebeng, kukunin ko lang ho yung hiniram ni Jhoelle sa akin na libro. Andito po ba sa kwarto nya?" nagulat si Toots ng makita kung sino ang nasa kwarto ni Jhoelle.

" Wag kang papasok dyan!" nakasunod si Nana Bebeng kay Toots. Pero huli na para mapigil nya ito sa pagpasok sa kwarto ni Jhoelle. Si Harry man ay nagulat sa nangyari.
" Is that you Harry?" di pa din makapaniwala si Toots.

"Ah, yeah. Hi." Bati ni Harry.

Sumigaw si Toots saka nilapitan si Harry. " Oh my God Harry Styles!!!!" Niyakap niya ang binata ng mahigpit. Ngunit hinila siya agad ni Nana Bebeng.

" Santisima Toots! May sugat yong tao! Kumalma ka nga!"

Umalis sa pagkakayakap si Toots saka tinitigan si Harry. Bakas sa mukha ng binata ang pagkagulat.

" Nana, ano hong ginagawa ni Harry dito? CD lang po na may autopgraph nya ang hiniling ko kay Jhoelle. Di ko sinabing dalhin niya ng buo dito si Harry."

" Hay, kayo nalang ang mag-usap ng kaibigan mo." Kinuha ni Nana Bebeng ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng daster nya. Saka tinawagan si Jhoelle.

" Ano ho? Nana Bebeng, bakit nyo hinayaang pumasok ng kwarto yang babaeng yan?" halatang irritable ang boses ni Jhoelle sa kabilang linya.

" Eh paano'y tinignan ko lang yung pinalalambot kong baka sa kusina, baka masunog. Di ko naman alam na bigla bigla siyang papasok sa kwarto mo ng ganun."

" Hay! Ibigay nyo nga ho sa kaniya yung cellphone Nana."

Ibinigay ni Nana Bebeng ang cellphone kay Toots.

When Harry met Jhoelle ( A One Direction Fanfic ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon