CHAPTER 20

21 2 0
                                    

" Wow! I'm so impressed Mr. Styles." Saka umupo si Jhoelle sa upuan. Nagprepare pa pala ng dinner si Harry, dun pa mismo sa loob ng gondola na kinalalagyan nila.

Isinara ng isa sa mga staff ang pinto kung saan sila nakasakay.
Pagkatapos ay kinawayan ito ni Harry saka binalingan si Jhoelle. " I told you, I'd save the best for last." Umupo na rin si Harry sa tabi ni Jhoelle.

Unti-unti ay naramdaman nila ang pag-angat nila.

" The view is wonderful at the top." Sabi ni Harry.

" Oh I can't wait." Tumayo si Jhoelle saka pumunta sa may tabi ng salamin. Habang paakyat sila ay lumilitaw na ang magandang view na sinasabi ni Harry.

Nang marating nila ang tuktok ay biglang huminto ang pag-andar nila.

" Wow! This is......" walang masabi si Jhoelle sa nakikita. " Oh look! There's the Big Ben! And the House of Parliament!" Para siyang batang turo ng turo.

Tumayo si Harry na tuwang tuwa sa reaksyon ng dalaga. Pinuntahan niya ito saka niyakap mula sa likuran.

" So?" Hinihintay ni Harry kung ano ang masasabi ni Jhoelle.

Hinarap ni Jhoelle ang binata. " Thank you Harry. This is wonderful. You have no idea how happy I am right now."

"Anything for you Love. Anything."

" So, you'll be very busy starting tomorrow?"

Tumango si Harry.

" Hmm. I guess I have to stroll around London by myself."

" And the bodyguards....."dugtong ni Harry.

" Yeah, the bodyguards." Biglang sumimangot si Jhoelle.

Ngumiti si Harry. " You'll get used to this set up."

Tumango lang ang dalaga.

"Come here." Niyakap ni Harry si Jhoelle ng mahigpit.

Gumanti naman ng yakap si Jhoelle. Sa ngayon, sobrang kaligayahan ang nararamdaman niya. Ngunit sa isang banda ay sumidlan pa rin ang bahagyang takot sa kanya. Sa ngayon, maaaring ayos pa ang lahat sa kanila ni Harry. Ngunit paano na lamang sa mga susunod pang araw, lalo pa't magiging busy na ang binata sa kaniyang career.

Pansamantala niyang binura ang iniisip. Ngayon ay sasamantalahin muna niya na kasama ang binata.

Maga-alas dyes na ng gabi nang makabalik sa bahay ni Harry ang dalawa. Ipinark ni Harry ang kaniyang kotse. Tinignan niya si Jhoelle. Nakatulog na pala ang dalaga, dala siguro ng sobrang pagod. Bumaba siya ng kotse saka binuksan ang pinto sa front seat. Naupo muna siyang saglit habang pinagmamasdan ang dalaga sa kaniyang pagtulog. Napangiti si Harry. Tumayo ang binata at tinanggal sa pagkakaseatbelt si Jhoelle. Saka niya binuhat ang dalaga. Bahagya pang nagising si Jhoelle.

" Are we home?" Tanong dalaga.

" Yeah. Go to sleep. I got you."

Inihilig ni Jhoelle ang kaniyang ulo sa dibdib ng binata saka iniyakap ang mga kamay dito.

Tinulak ni Harry ng kaniyang tuhod ang pinto ng kotse para magsara. Saka siya naglakad papasok ng bahay.

Pumasok si Harry sa kaniyang kwarto. Saka niya inihiga si Jhoelle sa kaniyang kama. Tinanggal nito ang sapatos ng dalaga saka niya ito kinumutan. Siya naman ay nagshower at nagpalit ng pantulog. Nang matapos at napatuyo ang kaniyang buhok ay tumabi na siya sa dalaga. Iniunan niya ang ulo ni Jhoelle sa kaniyang braso. Kusa namang yumakap ang dalaga sa kaniya. Sa ganoong position, nakatulog si Harry.

When Harry met Jhoelle ( A One Direction Fanfic ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon