Alas- singko na ng hapon nang marating ni Jhoelle at Harry ang Brgy. Rosario sa Lingayen, Pangasinan. Mas malapit ito kesa sa San Carlos City, ngunit mas remote ang lugar na yon.
Pinuntahan nila ang Brgy. Chairman para ipaalam ang kanilang pagdating. Ipinakilala niya si Harry. Nang malamang handa na ang tutuluyan nilang pansamantala ay nagpaalam na ang dalawa.
" Good thing he didn't recognize me."
Nakatuon pa rin ang atensyon ni Jhoelle sa pagdarive sa rough road na kanilang dinadaanan. " Later, you'll know why when we get there."
Kalahating oras ding nagmaneho si Jhoelle bago nila marating ang kanilang tutuluyan.
Bumaba silang dalawa sa sasakyan. Nagsisimula nang umambon.
Pinagmasdan ni Harry ang buong paligid. Walang bahay sa paligid ng kanilang tutuluyan nila. Puro fish pond ang natatanaw niya sa ibaba. Nasa taas kasi sila ng dike." Where is everybody?" tanong ni Harry.
" Down there." Saka itinuro ni Jhoelle ang gawing baba ng dike. " Tomorrow morning, they'll be here for the medical mission. Let's get inside."
Tinulungan ni Harry si Jhoelle sa pagbababa ng mga gamit mula sa sasakyan. Nang makapasok na sila sa loob ng bahay, sinalubong sila ng isang matandang lalake.
" Doktora, kumusta?"
" Mang Esteng! Naku, eto po okay naman. Kayo po?"
" Okay lang din naman doktora. Mabuti naman po at tumuloy pa kayo dito. May padating pong bagyo mamayang gabi."
" Mamayang gabi po? Akala ko ho bukas palang."
" Bumilis daw po kasi yung takbo ng bagyo sabi sa radyo."
" Naku ganun po ba?" Tinignan niya si Harry. " A storm is coming tonight."
" We should go back then." Sabi ni Harry.
Nagsimula ng lumakas ang ulan.
" Mang Esteng, palagay ko ho hindi na kami makakauwi pa. Baka mabalahaw lang po yung sasakyan sa daan sa lakas ng ulan. Dito na ho kami magpapalipas ng gabi. Di naman po kasi nasabi ni Chairman kanina na may bagyong parating."
" Baka ho akala nya, alam nyo na."
" Sige ho di bale na. Pakipagana nalang ho yung generator. Try ko nalang pong sumagap ng signal para makontak natin sila."
" Sige doktora. Syanga po pala, nakahanda na po yung pagkain nyo. Nag-ihaw po ako ng isda at manok. Naglimas po kasi kami kanina gawa nga ho ng may paparating na bagyo. Baka umapaw lang po yung mga fishpond. Sayang naman po yung laman. Saka baka gutom na rin po yung kasama nyo."
Hindi pa pala naipapakilala ni Jhoelle ang binata sa matanda. " Si Harry nga po pala, kaibigan ko. Harry, this is Mang Esteng."
" Glad to meet you Sir."
Nakipagkamay si Harry sa matandang lalake.
" Nice to meet you also. I thought, you're Dr. Mendoza's boyfriend."
" Mang Esteng..." minulagatan ng mata ni Jhoelle ang matandang lalake.
" Well don't you think we could make a really good couple?" biro ni Harry.
" Yes, of course. She's beautiful, you're handsome. Perfect pair."
" Mang Esteng, yung generator po."
" Excuse me Sir Harry, I better go before doktora here gets angry."
Nakangiting tumango si Harry.
" Mang Esteng, kapag lumakas pa po kesa dito ang ulan, lumikas na po kayo. Wag po tayong pakampante ha?"
" Oo doktora. Maiwan ko na kayo." Saka lumabas ng bahay si Mang Esteng.
BINABASA MO ANG
When Harry met Jhoelle ( A One Direction Fanfic ) COMPLETED
FanfictionJhoelle has everything. Wala na siguro siyang mahihiling pang iba. Pero sa edad nyang 27, medyo nahuhuli na siya sa biyahe ng mga SMP: Samahan ng mga Makukulay ang Pag-ibig. Di naman siya mapili, hindi pihikan. Takot lang. Takot lang na baka maulit...