<----Picture ni Camille!
Camille's POV
Andito na kami sa classroom at magkatabi kami ni Tina. Wala pa yung next subject namin kaya nagkwentuhan muna kami.
Nalaman kong galing siya sa isang normal na pamilya. Pero hindi na siya masuportahan ng kanyang pamilya kaya nag-apply siya na maging scholar dito sa Karasei.
Gusto ko sana siyang patirahin sa condo ko pero baka malaman niya kung gaano ako kayaman.
Ang alam niya lang sa akin ay normal lang rin ang family ko at nagtransfer ako dito. Yun lang. Buti nga hindi niya natanong kung bakit ako dito nagtransfer.
Sino nga ba si ako?? (😂)
My name is Camille Vayne Chrade. I am now at Grade 10 in Science and Technology Engineering Program. I know I am fuckin smart. Just kidding. I am the daughter of Geffrey Chrade, the owner of every mall here in our country and also yung school na pinasukan ko before dito sa Karasei and Maria Christine Chrade, the owner of Chrade's Boutique and Jewelries. Lumaki ako na ang pumapaligid sa akin ay mga lalaki. Mostly kasi ang mga pinsan ko ay lalaki, nakikipaglaro ako nun sa kanila. Actually hindi nila alam na nandito ako sa Karasei. Mabuti na rin yun.
~|~|~
Bridget's POV
Hello Guys! My name is Bridget Velasco. I am now on Grade 10 under STEM.
Ang Karasei High School ay nahahati sa iba't ibang program.
Nanjan ang:
STEM- Science and Technology Engineering and Mathematics. Ang mga estudyante daw rito sa program na ito ay mga matatalino, nerd or GC (Grade Conscious). Pero actually mga tinatamad rin kami sa mga bagay bagay.
SPA- Special Program in Arts. Dito na pumapasok yung mga magagaling sa arts, singing, dancing and instruments. Hindi po purket SPA ay wala ng Science and Math. Meron pa rin po.
SPFL-Special Program in Foreign Language. Sila yung mga maririnig mong nagsasalita ng iba't ibang language. Sila rin yung mga pambato sa Balagtasan pero hindi naman kami nagpapatalo.
BEC- Basic Education Program. Sila yung mga undecided pa sa mga gusto nilang program or mga hindi siguro nakapasa sa entrance exam sa STEM. Tingin ng mga taong hindi taga-Karasei ay sila yung mga pala-away mga malalandi mga bad influence. Pero para sa akin hindi sila ganun. Tsaka yun daw Program difference sa STEM at BEC, hindi naman dahil sa amin yun eh. Dahil sa mga teachers yun.
Yan yung mga Programs na pwede niyong pasukan dito sa Karasei kaya halika na. Joke lang.
Wala akong masyadong kaibigan dito kundi si Camille lang at yung mga yun.
Biglang may pumasok sa room. Yun palang mga ungas na galing sa practice.
Diretso lang sila sa mga kanya kanyang upuan. Sinimulan ko silang bilangin at napansin kong kulang sila.
"Psssttt. James nasan si Captain?" Tanong ko dun sa pinakamatino kong pwede kong pagtanungan.
"Andun pa sa court. May pinaparusahan pa."
-End of Chapter 2-
Sorry Guys kung medyo maikli.
Kamsamnhida!
BINABASA MO ANG
If I Win, You're Mine [COMPLETED!]
Teen FictionSi Camille Vayne Chrade~ Isang babaeng okay na sa buhay na meron siya. Pero ang ayaw niya ay itrato siya bilang prinsesa sa eskwelahan ng mga magulang niya. Gusto niyang maranasan yung buhay ng isang simpleng estudyante. Yung nahihirapan sa exam, na...