Chapter 36: Finals!

5.1K 133 5
                                    

Camille's POV

Binibigyan pa rin ako ng mga balita ni bespren sa Karasei kahit hindi na ako duon nag-aaral.

Maglalaro daw ang Crows sa finals kahit hindi naglaro si Jayce kahit isang laro. Ibig sabihin lang niyan ay hindi pa rin okay ang tama ng baril sa kanyang likod.

Makakalaban nila ang team ni Kuya Sel sa Finals kaya mas lalo akong kinakabahan dahil malaki ang tsansang magkikita ulit kami.

"Camille, duon ka sa bench namin umupo ah." Napatingin ako bigla kay Kuya Sel.

"Ayoko." At pinagpatuloy maglakad sa gym. Niyaya niya akong manood ng training nila. Pumayag ako dahil makikita ko rin duon sina Kuya Pao at Kuya Je.

"Bakit naman Camille?" agad na simangot niya. Minsan talaga iniisip ko kung pinsan ko ba talaga ito.

"Ikaw muna dapat ang tanungin ko niyan kuya, bakit dapat sa bench niyo ako uupo?" Agad akong huminto sa paglalakad at humarap sa kanya ng naka cross arms.

"Para naman may kasama water girl namin na magbigay diba."

"Ah! So gagawin niyo akong water girl ganun? Wag na."

Nagsimula na ulit akong maglakad papuntang gym. Gagawin pa akong alila sa laro, ang ganda ko namang alila kung ganun.

"Hello Camille!" Agad na bati ng mga players pagdating ko dito sa gym. Lahat nandito na at mukhang ang Captain na lang nila ang wala.

"Siya yung Captain niyo diba?" Agad kong tinuro si Kuya Sel na kakarating lang rin. "Hoy Russel Chrade! Hindi porket Captain ka---"

"Alam ko na yan. Magpapalit lang ako." Agad niyang sabi sa mga ka team mate niya at tumakbo na papunta sa locker nila. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang babaeng papalapit sa akin.

"Hi M-m-miss Camille. I'm Louise the manager of Yellow Tigers. Nice to meet you." At nag-offer ng shakehands at agad ko iyong tinanggap.

"Nice to meet you. Camille na lang." Ayaw ko talaga yung tinatawag ako ng lahat ng Miss Camille, Miss Chrade na ultimo teachers ay mag-greet sa akin ng ganun sa lahat ng oras.

"I'm also the water girl of this team." Wow! Water girl ang nilalang na ito. Hindi nga dapat pinapagod ang isang katulad niya.

"Pao, Je! Hindi man lang kayo lalapit kay Camille?" Sumigaw siya mula sa kung nasaan kami ngayon at nakatingin kina Kuya Pao at Kuya Je.

"Mamaya na tayo magbatian Camille! Pawis na pawis na kami." Nagsimula na kasi sila mag training pero yung coach nila, ayun lakad lakad lang.

"Anong ginagawa mo jan Russel? Pagod ka na agad naglalakad ka lang naman." Naglakad na si Louise kaya sinundan ko na rin siya.

"Kanina pa kaya ako tumatakbo..." sabi niya ng hindi nakatingin sa gawi namin. Naka upo na kami sa may parang magiging bench nila sa Finals.

"at saan naman aber?" pagmamataray na tanong ni Louise. Nakita ko na rin ang mga tawang pinipigilan ng mga players.

"Malay mo sa isip mo diba. Kanina pa siguro ako nanjan." Hindi na napigilan ng mga players ang kanilang mga tawa kaya humagalpak na sila. Natawa na rin ako dahil sa mga tawa nila hindi sa sinabi ni Kuya Sel. Si Louise, ayun naka taas ang isang kilay.

"Mukhang baliktad Russel..." tumayo si Louise at lumapit siya kay Kuya Sel at ang tumatawang Tigers ay biglang tumigil sa pagtawa.

Inilagay ni Louise ang kanyang kamay sa batok ni Kuya Sel. "Diba dapat ako dapat ang mapapagod dahil ako itong tumatakbo jan sa isip mo." Inilapit niya ang mukha ni Kuya Sel sa kanya at bumulong pero sapat na ang lakas nito para marinig ito ng lahat.

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon