This chapter is dedicated sa taong napakasipag mag vote sa story ko. Ang kaisa-isang fan ng Kerwin x Jayce. Ito na yung request mo.
A/N: Para po sa mga ibang readers, hindi po ito connected sa story.
******
Kerwin's POV"No!! Bakit nangyari pa ito?" Yakap yakap ko pa rin ang picture ni Jane. Hindi ko matanggap ang mga nangyari.
"Kuya tama na!" Kanina pa rin umiiyak si Jayce. Kanina pa niya ako pinapatahan.
"Bakit ganun Jayce? Hindi naman ako nagkulang sa Diyos pero ano ito?" Napaharap na ako sa kanya at bigla niya akong niyakap. Hinahagod niya rin ang likod ko. Nakakagulat mang niyakap niya ako pero wala na akong pakialam.
"Huwag mong sisihin ang panginoon. Ginawa niya iyan dahil siguro gusto niyang tumingin ka sa iba." Bigla akong nagulat sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wow! Grabe Kuya! All this time!" Napasabunot siya sa buhok niya habang naglalakad papalayo sa akin.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Hinihintay ko ang mga susunod niya pang sasabihin.
"Hindi mo man lang pala napansin. Ganun ka pala kamanhid." Naglakad ulit siya papalapit sa akin at niyakap ako.
"Jayce, hindi kita maintindihan." Tinutulak ko pa rin siya palayo pero hindi pa rin ito kumakalas sa pagkakayakap.
"Kuya, gusto kita. Hindi ko alam kung paano at kailan pero gusto kita. Alam ko ang bakla pero gusto talaga kita." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindj ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya.
"Jayce, hindi tama ito." Patuloy ko pa rin siyang ikinakalas sa pagkakayakap niya sa akin hanggang sa tuluyan na nga siyang kumalas.
Pinunasan ko ang mga luha niya at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Kerwin, ako na lang. Kaya kong iwan si Camille para sa pagmamahalan nating dalawa." Ayokong may makitang taong nasasaktan dahil sa akin. Ayoko rin ang ideyang may gusto rin pala siya sa akin, ayokong husgahan kaming dalawa ng mga taong judgemental.
Pinagdikit ko ang mga noo namin."Jayce, you don't have to do this. Hindi tayo magiging masaya sa isa't isa."
Umiling siya bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. "Hindi Kerwin, kung mahal talaga natin ang isa't isa magiging masaya tayo. Mahal mo rin naman ako diba?"
Dun na ako nagulat sa mga sumunod na nangyari. Bigla niya na lamang akong hinalikan. Hindi ko inaasahan ng pangyayaring ito. Ayoko ang mga nangyayari pero may parte sa akin na gusto ko ito.
"I can't believe this is happening." Natigil kaming dalawa ng marinig namin ang boses ni Camille. Nakita namin siyang tumakbo sa labas at agad ko naman siyang sinundan.
-End of Super Special Chapter-
Tongue ***! Hindi ako makapaniwala sa sarili kong magagawa ko ito. Masyado akong kinilig sa story na nabasa ko kaya nagawa ko ito. Patawarin niyo po ako, special request talaga ito.
BINABASA MO ANG
If I Win, You're Mine [COMPLETED!]
Teen FictionSi Camille Vayne Chrade~ Isang babaeng okay na sa buhay na meron siya. Pero ang ayaw niya ay itrato siya bilang prinsesa sa eskwelahan ng mga magulang niya. Gusto niyang maranasan yung buhay ng isang simpleng estudyante. Yung nahihirapan sa exam, na...