<---- Picture ni Jayce! Mahal ko yan😂
Katiel's POV
Hello Guys! Marc Katiel here.
Bale nandito ako ngayon sa gym at tinatanggap lahat ng parusang ibibigay ni Captain.
"Joules! Shoot the ball from half of the court!"
WTF! Sa buong team ang may pinaka mataas na percentage na makaka-shoot ng ganun ay si Captain. Hindi man niya laging napapasok pero kadalasan pasok.
"Yes Captain."
Wala na akong magagawa. Pumunta na ako sa half court sinimulang idribble ang bola.
1---2---3
Shit! Hindi pumasok. Tiningnan ko si Captain pero buti na lang at naka-poker face pa rin siya.
Pheeww! Kaya ko pang mabuhay.
"For every shot na hindi papasok, 100 laps around the campus. And shirtless."
Holy moly! Pagkakaguluhan nanaman ako! Hindi joke lang.
Gusto niyo malaman kung bakit ako pinaparusahan? May gago kasing nagsabi sa akin na hintayin ko siya sa harap ng school at naghintay ako dun pero walang dumating! Kaya ako na-late sa practice! Gagong Beech talaga yun! Humanda yun sa akin mamaya!
Ito na ang second shot ko! 1---2---3
Pasok! YES! Sinimulan ko ng tumakbo sa buong campus kahit hindi pa sinasabi ni Captain na simulan ko na.
Kahit ganyan yang si Captain. Kapatid ang turing niya sa amin.
~|~|~
Bridget's POV
Habang nasa gitna kami ng klase, biglang nag vibrate yung phone ko.
From: Unggoy Khyel
Practice daw after classes sabi ni Captain.
Hindi ko na siya nireplyan. Hindi worth it yung piso at effort kong mag text sa kanya.
Natapos ang classes namin. Palabas na ng room yung mga ungas kaya kinuha ko ang atensyon nila.
"Hoy! Saan kayo pupunta?"-tanong ko sa kanila.
"Sa Gym! May problema ka dun Bridget?"- sabi ni Rhode sa akin. Ah! Okay. Mukhang alam nila na may practice.
"Mauna na pala kayo dun! Susunod na lang ang maganda niyong Manager."- Oo. Nagbuhat ako ng sarili kong sala set.
"Aba Pota!" Sabay sabay nilang sabi at nagsitawanan.
"Bago kami pumunta sa gym, ipakilala mo muna kami jan sa bago nating classmate."
Tiningnan ko naman si Camille at nakita ko ang ngiti niya.
"Guys si Camille. Camille ang basketball team ng Karasei."
~|~|~
Camille's POV"Guys si Camille. Camille ang basketball team ng Karasei."
Nag-alok ako ng shakehands sa bawat isa sa kanila. Buti na lang at sanay na akong makipaghalubilo sa mga lalaki.
Matapos magpakilala ang buong basketball team, pumunta na sila sa gym.
Naikwento na ni Bridget yung pagiging working student niya. Malapit lang yung pinagtatrabahuhan niya dito sa Karasei.
Alam ko na rin yung pagiging Manager ni Bridget sa basketball team. At naikwento niya na rin yung mga players.
Nacurious ako dun sa captain ng team. Masyadong tago ang mga tungkol sa kanya.
"Punta na ako Camille ah! Ingat ka sa pag-uwi."
"Ingat din Bridget."
Naghiwalay na kami at dire-diretso akong pumunta sa gate. Habang naglalakad sa hallway, nakita ko ang poster ng volleyball club.
Nangangailangan sila ng isa pang member! Bukas na rin ang try-out. Ang ganda naman ng timing.
Malaking ngiti ang gumuhit sa aking mga labi.
-End of Chapter 4-
Phew. Tapos Chapter 4. Nirarush ko na siya dahil malapit na mag periodical exams.
Gomawo!
BINABASA MO ANG
If I Win, You're Mine [COMPLETED!]
Teen FictionSi Camille Vayne Chrade~ Isang babaeng okay na sa buhay na meron siya. Pero ang ayaw niya ay itrato siya bilang prinsesa sa eskwelahan ng mga magulang niya. Gusto niyang maranasan yung buhay ng isang simpleng estudyante. Yung nahihirapan sa exam, na...