Chapter 29: "Blind Date"

5.6K 142 1
                                    

Camille's POV

"Huy! Okay na ba yung pari natin? Yung singsing at mga kung ano ano pa?" Tanong ko sa mga kaklase ko. Natetense na ako at hindi ko alam kung bakit.

"Okay na lahat Camille! Wala ng problema."

"Wooh! Salamat!" Napaupo na lang ako sa isang mono block duon habang minamasahe ko ang noo ko.

"Oh!" Tinignan ko kung sino iyon. Si Kyle na binibigyan ako ng tubig. Malugod ko namang tinanggap iyon. "Salamat."

"Hellllooo 9-1 STE! Pahiram muna si Camille ah!" Agad nila akong nilapitan. "Hi Camille. Ilalagay muna namin ito ah." Piniringan nila ako. Masyado na akong kinakabahan dahil sa mga taong ito na hindi ko kilala.

"Huwag kang kabahan, tsaka sasaya ka rin mamaya." Tumahimik na lang ako. Naramdaman kong pumasok kami sa isang room.

"Upo ka muna dito. Hintayin mo yung ano mo." Tumango na lang ako sa kanya. Marami sigurong tao dito dahil may mga nag-uusap at may mga kung ano ano ingay na parang nagpipigil ng kilig.

Narinig kong bumukas ang pinto at naririnig ko rin mula rito ang mga sigaw ng mga babae.

"Dito ka lang ah! Wag kang magsasalita para hindi ka madiscover ng blind date mo." sabi ng babaeng kasama ko kanina. Siguro'y nasa harapan ko na ang "blind date" ko.

"Hello to the both of you."

"He--"

"Oops! Wag kang magsasalita dahil madidiscover ka ng blind date mo." Tinakpan ko na lang ang bibig ko para matapos na ang kalokohang ito.

"May hawak akong piece of papers dito. Both of you ay kukuha ng isa tapos kung ano ang nakalagay duon ay sasabihin ko iyon at duon mo ilalagay ang iyong dalawang kamay."

"Para naman sa ginoong ito ay ganun rin pero mamimili ka ulit ng kakantahin mo."

Kinakabahan na ako. Malay ko ba kung sino itong katapat ko. Kasabay ng kaba ko ang pag-aalala sa kung ano na ang nangyayari sa booth namin.

"Okay. Ladies' first." Kinapa ko kung nasaan ang mga sheets of paper at kumuha agad ng isa.

"Okay. Ipapalupot mo ang iyong mga kamay sa kanyang leeg." Nagulat ako sa sinabi niya. Ayokong gawin ito dahil baka makita ako ni Jayce at kung ano pa ang isipin.

"Sweetheart. Ako 'to." Nagulat ako sa kung sino man ang nagsalita. Duon na nagwala ang puso ko. Paano niya nasabing ako ito, nakapiring kaming dalawa. Naririnig ko na rin ang mga ingay ng mga babaeng nagaasikaso sa amin dala ng kilig.

Pinalupot ko na ang kamay ko sa leeg niya.

"Mr. Carter ilagay mo na ang iyong dalawang kamay sa kanyang bewang." Bigla akong namula sa sinabi nila. Edi ibig sabihin totoong si Jayce ito.

Nilagay na niya ang kanyang mga kamay sa bewang ko. "Tanggalin niyo na po yung mga piring niyo dahil kilala niyo naman po kung sino kayong pinagtapat namin."

Tatanggalin ko na sana ang piring ko pero mukhang may pakulo pa sila.

"Hephep wait lang. Dahil hindi niyo sinunod ang isang mahalagang rule ay dapat ang mga partners niyo ang magtatanggal ng piring." Tumango na lang ako.

"By not using your hands."

"What?!" Bigla kong sabi. Nahihibang na ba siya.

"Okay lang yan sweetheart." Naramdaman kong kinagat niya ang handkerchief at mabilis niya itong tinanggal.

Totoo nga. Si Jayce nga itong katapat ko ngayon at nakahawak sa bewang ko.

"Gawin mo rin sa akin yung ginawa ko para makit na kita." Nakangiting sabi nito sa akin.

Ibinaba niya ang ulo niya para maabot ko ang handkerchief na nakapiring sa kanya. Tinanggal ko na iyon.

Itinaas niya ang kanyang ulo at huminto ang kanyang mga mata sa tapat ng mga mata ko. Literal na magkapantay ang mga mata namin.

Bigla nalang niya ako binigyan ng isang halik pero smack lang. "Yieeee!" Sabi ng mga tao dito sa loob ng room na ito.

Sa sobrang hiya ay ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Natawa na lamang ito sa mga taong kinikilig ngayon.

"Hay nako! Edi kayo ng may forever." Natawa ako sa babaeng nagsabi nito sa amin.

"Ano pong kakantahin ninyo Mr. Carter?" Napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang sagot niya.

"I'll pass. Narinig niyo naman na akong kumanta." Natatawang sabi nito. Teka bakit bigla itong dumaldal, hindi naman ito kadaldal noon.

"Hay nako! Umalis na kayo dito. Magpakasaya na kayo." Agad naman akong hinila ni Jayce palabas sa room na iyon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil lumabas kami sa school.

Tumigil kami sa Overdose. "Bakit nandito tayo Jayce?" Tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang loob at nakit kong marami ang tao roon.

"May laro si Lee. Susuportahan lang natin." Hinawakan niya ang kamay ko. Papasom na sana kami pero pinigilan ko siyang maglakad.

"About dun sa kanina. Paano mo nalamang ako yung blind date mo?"

Humarap muna ito sa akin.

"Simple lang. Sayo lang tumitibok ang bagay na ito." Sabay turo sa kanyang dibdib. Ibig sabihin ako ang nagpapatibok ng puso niya.

Bigla akong namula sa sinabi niya. Tinatago ko ang kilig ko ngayon sa mga sinabi ni Jayce.

"Sweetheart, you're blushing." Sabi nito sa akin kaya tinago ko agad ang aking mukha.

"Halika na nga pasok na tayo sa loob." Pagyaya ko sa kanya at agad naman kaming pumasok.

-End of Chapter 29-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon