Jayce's POV
Andito pa rin kami ng tatay ko sa kotse at papunta kami ngayon sa bahay niya. Bahay pala nila ni mama, umalis lang kami dun dahil nag-iba si papa. Yung mapagmahal naming tatay noon sinubsob ang sarili sa trabaho at kinalimutan kami.
"Paano mo nalaman na nasa panganib ako kanina?" Pangalawang beses ko ng tanong yan sa magaling kong tatay pero wala pa rin sagot.
"Smart ako eh." tanginang yan! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay magtatanong ako ng maayos tapos hindi ako sasagutin ng maayos. Halimbawa nito, kahit binulong niya narinig ko pa rin.
Mukhang wala akong makakausap ng maayos dito kaya tumahimik na lang ako habang hinihintay na makarating sa kung saan man kami pupunta.
Nakarating kami ng bahay nila ni mama at diretso ako sa loob ng maalala kong hindi pala ako welcome dito.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Bakit ka tumigil?" mukhang nakalimutan niya na ang mga sinabi niya noong umalis kami dito. "Sabi mo noon na hindi kami welcome--"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil may lumabas mula sa bahay niya at nakita ko ang isa sa mga magagandang babae sa buhay ko.
"Ate? Anong ginagawa mo dito?" Hindi sa galit ako sa kanya. Nagulat lang talaga akong nandito siya. Hindi yan makauwi galing states dahil sa studies niya.
"Bawal na ba akong umuwi dito? Ganyan ka naman eh!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Hindi sa ganun ate. Bakit dito ka umuwi sa bahay ng magaling nating tatay?!"
"Hindi mo pa rin alam? What the hell?!"
Hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi ko alam ang alin? Na gwapo ako? Ang tagal ko ng alam yun. (Author: Minsan talaga gusto kong pumatay ng character dito sa story ko.)
Pumasok lang si papa sa loob at sumunod na kaming magkapatid. "Library." Matipid niyang sabi sa amin. Hindi na kami makatanggi dahil mukhang mahalaga ang sasabihin niya.
Nakarating kami ng library ng walang nagsasalita. May kinukuha pa si papa kung ano ba yun sa drawer niya. Umupo siya sa harap namin at iniabot ang folder na hinanap niya kanina.
"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya binuksan ko na.
"Sino 'tong babaeng 'to papa?" Tanong ni ate kay papa. Tinignan ko yung picture ng babaeng tinutukoy ni ate. Picture 'to ni Camille.
"Girlfriend siya ni Jayce." Nagulat si ate sa sinabi ni papa kaya humarap siya sa akin. "Hindi siya ito. Ang alam ko ay yung mama at papa niya ay mga ofw. Kaya dun siya nakatira sa condo. Kamukha niya lang siguro---"
"So hindi pa sinabi ng girlfriend mo sayo?"
Tinitignan pa rin ni ate yung profile nung kamukha ni Camille.
"Anak mayaman sila! Nasa panig sila ng batas. Hindi pwedeng maging kayo!"
"Anong bang problema mo? Ano naman kung nasa panig sila ng batas?!" Kwinelyuhan ko ang papa ko. Ano bang problema niya?! Matapos ang ilang taon ang sasabihin niya lang ay maghiwalay na kami ng taong mahal ko. Nababaliw na ba siya?!
"Isa kang anak ng mafia! Sa tingin mo kakayanin niyong lumaban kung ang isa sa inyo ay nasa panig ng batas?" Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko at lumabas ng bahay niya. Wala akong panahon para makinig sa mga kasinungalingan niya. Dinial ko ang number ni Camille.
Isang ring palang ay sinagot niya na agad ang cellphone niya. "Sweetheart bakit hindi ka nagtetext? Nasaan ka ngayon? Punta ka dito sa condo ko. Nag-aalala ako sayo." Sht! Umiiyak si Camille. Anong oras na ba? Pota! 11 na ng tanghali at hindi ko pa siya natetext simula kaninang umaga.
"Papunta na ako jan sweetheart."
Binaba naman niya agad ang cellphone niya. Bumalik ako sa loob ng bahay. "Ate may kotse ka bang dala? Pahiram muna ako."
Iniabot naman agad sa akin ni ate at dali-dali akong pumunta sa kotse niya at nagmaneho papunta sa condo ni Camille.
-End of Chapter 20-
BINABASA MO ANG
If I Win, You're Mine [COMPLETED!]
Teen FictionSi Camille Vayne Chrade~ Isang babaeng okay na sa buhay na meron siya. Pero ang ayaw niya ay itrato siya bilang prinsesa sa eskwelahan ng mga magulang niya. Gusto niyang maranasan yung buhay ng isang simpleng estudyante. Yung nahihirapan sa exam, na...