Chapter 26: XXX

5.8K 136 3
                                    

Jayce's POV

Nakarating na kami sa bahay ng papa ko at hinanap ko agad siya. "Mama si papa?" Mukhang nagulat si Mama sa tanong ko dahil tinawag kong papa ang pinakamamahal niyang asawa.

"N-n-nasa library niya. K-kasama si ate mo."

Agad naman akong pumunta sa library at nakita ko duon ang ate at papa kong masinsinang nag-uusap.

"Papa." Lumapit ako sa kanya.

"Nakapagdesisyon na po ako."

~|~|~
Camille's POV

Nitong nakaraang linggo ay naging malapot kami ni Kyle. Nakwento niya na nga sa akin yung family niya eh. Yung papa niya isang manager ng bank at yung mama ay manager naman ng isang telecom company. Ang yaman man pakinggan pero isa siyang kuripot na tao at ayaw niyang dumedepende sa pamilya niya kaya nagpapart-time siya sa isang fast food malapit dito.

Isa rin si Kyle sa mga taong nagpapatawa sa akin ngayon. Siguro kung hindi niya ako nilapitan noon sa rooftop ay baka malungkot pa ri  ako ngayon.

Naka move-on na ba ako? Masakit pa rin sa parte ko yung ginawa ni Jayce sa akin. Pinipilit kong hindi na siya pansinin dahil baka makipagbalikan siya sa akin at gawin niya nga ang mga sinabi niyo noon.

Nandito na ako ngayon sa loob ng room namin. May mga kaklase na rin akong pumasok at halata pa rin sa mga mata nila ang antok nila.

Pagkayuko ko ng ulo ko ay ang padabog na pagpasok ni Kyle at halata ang galit sa kanyang mukha. Pagkalapit niya sa kanyang upuan ay nilagay niya rin ng padabog ang bag niya at niyuko ang kanyang ulo sa mesa niya.

Gusto ko sana siyang lapitan ngunit mukhang gusto niya munang mapag-isa. Sakto rin naman ang pagpasok ni
Bespren at agad itong dumeretso sa upuan niya at niyuko ang kanya ring ulo.

ANONG PROBLEMA NG MGA TAONG ITO?!

Dahil mukhang wala naman akong gagawin at may kaunti pang oras bago magsimula ng klase ay lumabas muna ako ng classroom.

Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa kabilang classroom, kung saan napapabilang si Jayce at iba pang Crows.

Wala pa sila kasama na rito si Jayce. Marahil ay nasa training pa rin ang mga ito.

"You are Ms. Chrade,right?" Napalingon ako sa kung sino man ang nagtanong. Nakita ko ang isang Grade 8 student, batay na rin sa kanyang ID lace na kulay red ay malamang sa malamang Grade 8 student ito.

"Camille na lang po. Anong kailangan mo sa akin?" Kahit mas bata ito ay ginagalang ko pa rin sila.

"Pinapapunta po kayo ni Coach Ramil sa headquarters ng basketball team."

"Sige salamat."

Agad naman akong tumakbo papuntang headquarters para naman maabutan ko pa yung unang klase ko dahil feeling ko sandali lang rin naman ako doon.

Pagdating ko doon ay isang hindi inaasahang tao ang makikita ko.

-End of Chapter 26-

Hindi ko alam kung ano yung title ng chapter kaya XXX na lang. And sorry kung napaka ikli nung chapter. Babawi po ako! Promise! Next update, hindi ko pa alam.

-Haruka Nanase

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon