Chapter 9: Saviour

8.9K 274 1
                                    

This chapter is dedicated to..... MildeJourney! Thank you sa paggawa ng cover. Super ganda niya. Kamsahamnida!

¤~¤~¤

Camille's POV

Nandito ako ngayon sa klase pero walang pumapasok sa isip ko.

Buti na lang at hindi ko siya kaklase. Sa ibang section siya actually pero STE pa rin kami pareho.

"Huy Camille. Uwian na oh. May practice ka pa diba?"

Fck! Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko napansing uwian na.

"Oo nga pala. Mauna na ako Bridget! Sabihan mo na lang ako kung may kailangan ang crows."

Nag wave na lang ako kay Bridgetat tumakbo nanaman ako papuntang headquarters namin.

Pagdating ko doon, masama ang tingin sa akin ng Captain namin, si Mathilda Williams.

"Bakit ka late Chrade?"

Nagtaka ako sa sinabi niyang late na ako kaya tumingin ako sa orasan ko. 5:30 palang ah! Sakto nga lang ako eh!

"Sorry Captain."

Si Mathilda Williams ang Captain ng Lady Crows. Magaling siya pagdating sa receiving at pagbalim ng bola sa kabila. Pero parang ayaw niya sa akin. Nakakainis nga eh kasi parang napilitan lang siya na ipasok ako sa team.

Nang makumpleto na kami pumunta na kami sa gym. Habang nagja-jogging kami naririnig namin ang bolang nagdi-dribble at mga sapatos na tumutunog.

Tinignan ko ang mukha ni Captain, napapangiti siya na para bang naka-jackpot.

Ng makapasok kami sa loob nakita namin ang Crows na naglalaro.

Biglang tumakbo si Captain papunta sa.....

PAPUNTA KAY JAYCE!

Nang makarating siya ay bigla niya itong niyakap pero pumiglas agad si Jayce.

Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang dugo ko ngayon.

Bigla akong napansin ni Jayce kaya naglalakad siya papunta sa akin pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"How's your day baby?

Binulong niya lang sa akin ang baby pero nagulat pa rin ako sa ginawa niya.

"Lady Crows! Assemble" sigaw ni Captain sa amin.

"We will have our assigning of positions today. We will do all the basic fundamentals of volleyball."

Tiningnan kami isa-isa na parang ina-analyze ang buong katawan namin.

"First we will do receiving."

Kaming mga bagong salta sa team ang gagawa ng mga gagawin ngayon.

Isa isa na kaming nakapila at nauna na si Vici.

Maka limang receive ka lang ok na. Turn ko ng magrereceive at makikita mo sa mga mata ni Captain ang galit niya.

Bigla siyang nag spike ng wala man lang sinasabi kaya hindi agad ako naka respond agad. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at tinakip ang mga kamay ko sa mukha ko.

Hinihintay ko pa ring tumama sakin ang bola pero ng imulat ko ang mga mata ko nakita ko na lang ang isang lalaki na nasa harap ko at hawak hawak ang bolang inispike ni Captain.

~|~|~
Jayce's POV

My name is Jayce Drew Carter.

Habang nagpapractice kami sa gym ay biglang pumasok ang volleyball team kaya napatigil ang lahat. Pero ng malaman nila kung sino ang mga yun ay tumuloy lang sa mga ginagawa nila.

Tumakbo palapit sa akin ang Captain nila, hindi na ako nagsayang ng oras na isipin kung sino ba siya.

Nang makalapit siya sa akin bigla niya akong niyakap at nakita ko sa likod niya si Camille kaya natuwa ako.

Tinanggal ko ang pagyakap niya sa akin at dumeretso ako sa kinatatayuan ni Camille.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at sinabing......

"How's your day baby?"

Bulong lang talaga yung baby para walang makarinig at walang magtatanong kung anong nangyari kanina.

Bumalik na ako sa practice namin at ang mga ngiti ng mga gago hindi nila maitago kaya tinignan ko sila ng masama at tinuloy lang ang ginagawa nila.

Habang nagpapractice kami hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Camille kaya hindi ko rin mapigilan ang mapangiti.

Hanggang sa siya na ang gagawa nung mga ginawa nung mga nauna sa kanya.

Nakita kong pinalo nung babaeng niyakap ako kanina kaya tumakbo ako ng mas mabilis pa sa alas kwatro at kinuha ang bola.

Tinignan ko ng masama yung babae at bumalik na ulit sa pagpapractice.

-End of Chapter 9-

Hello Guys! Sorry dahil ngayon lang ulit ako nakapag ud. Ngayon lang bumilis ulit yung wifi eh.

Please spread my story and keep on voting. Thank you!

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon