This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
***
Sa palagay ko ay sasabog na ang ulo ko sa inis. Hindi ko na mawari ang mga gamit na inilalagay ko sa malaki kong backpack. Basta kung anong damit nalang ang madampot ko ay yun na lang ang isinisiksik ko.
Bakit ko ba 'to ginagawa? Dahil malamang sa malamang ay hindi ko na kayang paki samahan pa ang mga magulang ko.
Mukha silang pera.
I know, I know. Hindi ko dapat iniisip iyon. Pero hindi ko masisisi ang sarili ko dahil yun ang nakikita at nararamdaman ko.
"D-don't do this Hazel! I'm begging you! Maawa ka!" Mom shouted.
"Why mom? Naawa ka ba kay kuya noong naghihingalo na siya sa ospital? PLEASE STOP THIS MOM! Don't act like you were a good mother kasi you know what? You're not." I continue packing my things. I cannot take this anymore.
"Hazel! Stop that! You're not going anywhere!" Oh, the whole family is here. Nakita kong pababa na ng hagdan si Dad at tiningnan ako ng nanlilisik niyang mga mata.
"I will not change my mind Dad. Goodbye." Matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na sila at mabilis na nag tungo palabas ng mansyon nila.
"Hazel come back!" That's the last words I heard from my parents. See? Magaling lang sila sa salita. Hindi man lang nila ako hinabol. Napangisi naman ako. Bakit nga ba nila ako hahabulin? Ayaw nila ng pasaway na anak. Baka nga'y masaya pa sila dahil sa wakas ay aalis na ako.
"Now, where should I go?" tanong ko sa sarili ko nang makalabas ako ng mansyon.
"Ate na naka red!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ko siya na tumatakbo palapit sa'kin.
Ngayon ko lang din napag tanto ang kulay ng blouse ko. Naka red pala ako? Nice. Napaka fierce naman Hazel.
"What now Lucas?" Inis kong tanong nang makalapit siya. Nangangalahati palang ang araw ko pero sagad na sagad na ang inis ko sa mga tao ngayon.
"Where are you going? Early vacation, huh?" tanong niya habang may ngisi ang mga labi. Mokong talaga. Akala niya siguro ay bibigay ako sa mga pag angat niya ng nguso niyang nakakairita. Yung tipong ang sarap bangasan.
"I hope so Lucas. I hope so." malamig kong tugon at saka siya inirapan.
He grab my chin and ask, "What's up with your face Hazelnut?" I glared at him.
"Hazelnut my face! Here!" Hinagis ko sa kanya ang dala kong bag.
"Anong gagawin ko dito?" tanong niya.
Nagtataka na rin ako sa sarili ko kung bakit hindi pa ako nahihilo sa kakarolyo ko ng mata ko. Sa araw na 'to ay hindi ko na mabilang pa ang beses na umirap ako.
"Eat it idiot! Duh!" Pilosopo kong sabi.
"Mainit na naman ulo mo Hazelnut." Binatukan ko lang siya. There, sa kanya ko tuloy nabuhos ang init ulo ko.

BINABASA MO ANG
The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Hatred. Love. Lies. Acceptance. STARTED: 03/13/17 FIN: 04/10/18