Kabanata 6

4.8K 82 9
                                    


Kabanata 6

Lie

Alas otso na nang makarating kami sa hotel na aming tutuluyan sa isang buong linggo. Masyadong natagalan ang biyahe dahil ang daming nadaanan na traffic.

Hindi kalakihan ang hotel ngunit maganda ang interior nito. Ang kabuuang lupa sa labas ng hotel ay pinalubutan ng Bermuda grass. Gawa sa kahoy ang mga kagamitan at nagka kulay lang ito nang patungan nila iyon ng kung ano anong palamuti na may iba't ibang pattern. Naka bungad agad ang front desk pagka pasok namin, at ang mga empleyado ay naka suot ng kulay balat na khaki shorts at kulay puting t-shirt naman ang pang taas na naka tucked-in. Sinalubong kami ng babaeng empleyado na may maiksing buhok na hanggang leeg. Ang kanyang balat ay kayumanggi. Kapansin pansin din ang pamumula ng kanyang mukha na animo'y nasunog ng araw.

"Magandang gabi, Ma'am at Sir! May reservations na po ba?" Malaki ang kanyang ngiti. Maliit siya sa akin ng ilang pulgada. Ang matangkad na si Kent ay tinitingala niya na ngayon. Naka bukas na lahat ng lamp post sa paligid ng hotel na siyang nagbibigay ng tamang liwanag upang makita namin ang isa't isa.

Tumango si Kent, "Yes. Dalawang rooms." Sagot niya.

Mapungay na ang kanyang mata at namumula na iyon. Sa haba ng minaneho niya ay natural lang na mapagod at antukin na siya sa ganitong oras.

"Kanino po nakapangalan?" Tanong nung empleyado sa front desk.

"Kent Balmaceda."

Nang makumpirma ng babaeng empleyado ang pina reserve ni Kent ay may inabot na siyang dalawang susi. May katamtamang laki itong keychain na kahoy na hugis surfing board.

"Salamat." ani Kent at tipid na ngumiti.

Hila hila ko ang aking maliit na maleta habang naka sunod ako kay Kent. Sabi niya kasi'y magkatabi lang ang kwarto namin. Nadaanan namin ang parihabang swimming pool na nasa harap lang ng mga kwarto. Tamang tama lang ang hotel na ito para sa mga bakasyunista. Maaliwalas din ang hangin at ang simoy nito ay mariin na nanunuot sa aking balat, ang buhok ko ay naka pusod kaya naman ramdam ko ang lamig na dumadaplos sa aking leeg.

"Kent..." I uttered.

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako, "Why?" His bloodshot eyes made its way to my soul. Parang may kung ano sa tingin niyang nakaka ilang.

"Mag di-dinner pa ba tayo? You're tired, you need to rest." ang boses ko ay may halong pag aalala.

"Hindi pa tayo nanananghalian kaya dapat lang na mag hapunan tayo. Why? Hindi ka pa gutom?" Wala akong makitang emosyon sa kanya noong sinabi niya 'yon.

To be honest ay kanina pa talaga ako nagugutom. Mahaba ang tulog ko kanina kaya hindi ko masyadong naramdaman, pero ngayon ay kumakalam na ang aking sikmura.

Ang mga mata ko ay dumako sa bermuda grass na aming inaapakan, "Gutom na." gusto ko sanang ipilit na mag pahinga na siya dahil ang mata niya ay mapupungay na.

Tumango siya at naglakad nang muli. Inilagay muna namin ang aming gamit sa loob ng kwarto tsaka nag punta ng restaurant para sa dinner. Sabay kaming dumiretso sa lamesang pang dalawahan. Hinila niya ng kaunti ang isang upuan at tipid na inimuwestra sa akin, umupo ako doon at nilabi ang salitang 'salamat'.

Lumapit sa amin ang waiter at tinanong kung ano ang gusto namin. Si Kent na ang hinayaan kong pumili ng aming kakainin pero ako ang namili ng aking inumin.

Habang naghihintay kami ng pagkain ay nag tanong na ako,

"Saan tayo bukas?" Naka sandal ako sa aking upuan upang maging magkalayo kami kahit kaunti. Masyadong maliit ang lamesa para sa pang dalawahang tao. Maliit ito para sa amin ni Kent.

 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon