Kabanata 27

346 12 1
                                    


Kabanata 27

Wedding

"Ayan, Hazel. Kompleto na tayo, may hinihintay ka pa ba?" tanong ni Lexi na kompleto kompleto ang get up.

Mula sa beach hat at sa shades niyang sinakop ang kalahati ng kanyang mukha. Si Lucas ay naghihintay na sa van, siya ang driver. Katabi niya si Zelca, yung babae niya o ewan ko, basta alam kong laruan niya lang 'yon.


"Si Kent." mabilis kong sagot.

Nakita ko ang pagkalaglag ng panga niya, kung siguro'y kita ko rin ang kanyang mata ay siguradong nanlaki rin iyon.

"Sasama si Kent?!" gulat niyang tanong. Napahawak siya sa beach hat at nakatakip ang isa niyang kamay sa bibig.

Tumango ako, "Oo, parating na siya. Sandali nalang." nakahalukipkip kong sabi.

"Kung sumabay ka nalang kaya sa kanya, 'no? Para mauna na kami." aniya.

Umiling ako, "Ayoko, gusto ko si Lucas ang mag drive. May kasalanan siya sa'kin." sabi ko.

Hindi ko na tinuloy yung Siargao namin at sa halip ay binalik ko Baler. Umayaw lang naman ako noon dahil ayaw kong maalala si Kent, pero ayos na kami ngayon, wala na rin akong pakealam sa nakaraan.

"Ayan na pala! O, siya siya. Tara na." bulalas ni Lexi nang pumarada na sa harap namin ang sasakyan ni Kent.


Bumaba siya, ang suot niyang gray na t-shirt ay humulma sa kanyang katawan maigi, itim na checkered trousers naman ang kanyang pambaba, katulad ni Lexi na may shades, naka wayfarer si Kent.

Lumapit siya sa'min na animo'y rumarampa lang sa catwalk, nakapamulsa ang isa niyang kamay at ang isa kamay niya na may relo ay sumisilay dahil bitbit niya ang itim na duffle bag.

"Hey..." hinalikan niya ang pisngi ko.

Rinig ko ang pag singhap ni Lexi.

"Shet! Ang galing ko atang mag ayos ng relasyon! Okay na agad kayo! Oh my gosh!" natutuwa niyang bulalas.

Napa iling nalang ako at kumapit sa braso ni Kent.

Pag bukas ng van ay gulat na mukha ni Lucas ang nakita ko.

"Oo, gago. Kasama si Kent. Akala mo ikaw lang may kasama, ha." ngumisi ako na parang pinagmamayabang ko si Kent sa lahat.

At dahil naalala ko ang kasalanan niya sa'min ni Kent ay hindi ko alam kung ipagsasawalang bahala ko nalang 'yon. Pero dahil outing ito at bakasyon ang sadya namin ay kakalimutan ko na muna 'yon at magsasaya nalang.

"Ay palaka!" gulat ni Selisha nang makita niya si Kent, "Ikaw si Kent Balmaceda 'di ba? Kapit-bahay kita sa condo!" aniya.

Tiningnan siya ni Kent pero tipid na ngiti lang ang binigay niya kay Selisha. Nangangamoy adobo ang van dahil sa baon bi Selisha, palagay ko'y kumpletong pagkain ang dala niya at kahit hindi kami mag buffet sa pupuntahan namin ay siguradong mabubusog pa rin kami.

"Kung magutom kayo sa byahe, may dala ako d'yan na puto, pwede niyong tirahin. Homemade 'yan, hehe..." daldal ni Selisha.

Tumango kami at nagsimula nang mag maneho si Lucas. Magkatabi kami sa pinaka likod ni Kent at nasa harapan namin si Lexi na mag isa lang.


"Sana ayos ka lang, Lexi. Sabi ko kasi sa'yo mag boyfriend ka na rin, e." ani Selisha sa kaibigan kong nag iisa sa upuan.

"Oh no, I can manage. Besides, new trend ang pagiging single. Go lang, okay lang naman kung mag landian kayo sa harap at likod ko, ayos lang talaga." tumawa siyang malademonyo.

 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon