Kabanata 15
Seventeen
"Kumusta yung seminar, Val? Hala, naiinggit ako. Nakita mo siguro ng malapitan si Killian Silva." ngumawa si Lexi.
Nandito kami ngayon sa isang cottage na kubo sa tapat lang din ng hotel na tinutuluyan namin. Mula rito ay tanaw ang mga naglalakihang alon sa dagat. Pinagmasdan ko isa isa yung mga nag su-surfing at inisip kung paano nila nagagawa ang pag sama sa alon ng walang kahirap hirap.
"Of course nakita ko siya ng malapitan, duh! Ang gwapo niya talaga." ani Val.
Napa iling nalang ako sa aking naririnig sa kanilang dalawa. Si Killian Silva na naman ang topic nila. Nadaplisan lang ng mata ko ang mukha ni Killian noong nakita ko siyang pinagkakaguluhan ng mga babaeng nagkikiskisan ang balat dahil sa suot na bikini.
Naalala ko rin bigla yung lalaking bumunggo sa akin na akala mo kung sino.
"By the way, Hazel." sambit ni Val kaya napatingin ako sa kanya.
"Yes?"
"Hindi ko naman alam na hanggang Baler pala aabot ang beauty mo." kumindat siya, ang labi niya ang namumula pa dahil sa lipstick.
"Huh?" kumunot ang noo ko.
"Bakit? May naakit ba, Val?" tanong ni Lexi.
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Anong naakit?
"Ay girl, itong si Hazel may secret admirer dito." pumalakpak si Val at medyo umuga pa yung kubo dahil sa kanyang pag galaw.
"Secret admirer?" ngumuso ako at ang noo ko ay nanatiling naka kunot.
Tumango siya, "Actually, tinanong niya kasi ako kung anong pangalan mo. Ang gwapo, Hazel. Promise." itinaas niya ang kamay niya sa ere na parang namamanata.
Nanlaki ang aking mata, "What?! Binigay mo yung pangalan ko? Sa stranger? Oh my gosh! Bakit mo ginawa yun, Valerie?" Ngawa ko.
"Chill, Haze. Hindi ko naman binigay yung surname mo. Okay na yun." Kumindat siyang muli.
"Anong okay dun, Val? Ang creepy kaya." Sabi ko.
Narinig ko naman ang pag tawa ni Lexi sa tabi ko. Tiningnan ko siya at pinanlisikan ng mata.
"Alam mo naman 'tong si Valerie. Basta gwapo, bumibigay." humalakhak muli si Lexi.
"Bakit pangalan ko yung binigay?"
"Dahil yung sayo yung tinanong niya. Kung pangalan ko ang tinanong ay malamang sasabihin ko talaga." ngumisi siya.
"E, bakit nga yung sa akin?" tanong ko.
"Kasi nga, nabihag mo."
Frustrated ko siyang tiningnan. Wala naman akong panahon sa mga bagay na 'yon kaya walang dahilan para ibigay ang pangalan ko sa isang estranghero. Paano kung balak na pala akong ipapatay nun? What if tinanong niya lang ang pangalan ko for some kind of black magic, like kulam? Nakaka kilabot naman.
"Hindi ako natutuwa, Val. Paano kung masamang tao pala yun?" tanong ko.
Umiling siya, "Pinsan ni Killian Silva yun, Haze. I doubt na masamang tao siya."
Napa awang ang aking bibig sa narinig. "Porket pinsan ni Killian ay hindi na pwedeng maging masamang tao? Gaano ba ka-influential yung lalaking 'yon?" inis kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Hatred. Love. Lies. Acceptance. STARTED: 03/13/17 FIN: 04/10/18