Kabanata 5Drive
Nanlulumo akong naka titig sa gold envelope na binigay ni Lexi. Para bang isa akong bata na naagawan ng laruan. Napaka unfair. Pinag dadasal ko na sana ay isa sa kanila ang mag reschedule pero mukhang malabo na ma reschedule ang fashion show at mukhang pinal na rin ang desisyon ng business trip. Life is just so unfair to me.
Tinipa ko sa aking phone ang mensahe na gustong iparating kay Lexi.
Nang napag tanto kong hindi iyon pormal ay tinawagan ko nalang siya. Ilang ring bago niya ito sagutin.
"Hello..." bungad ko.
Sabado na ngayon at sa Martes na ang fashion show ngunit sa Lunes na ang alis namin ni Kent. Gusto ko sanang sabihin iyon ng mas mas maaga kay Lexi ngunit mas naging abala ako sa trabaho. Na guilty naman ako bigla.
"Hey, Haze. What's up?"
Tumikhim muna ako bago muling nag salita, "Lexi, about the fashion show. Hindi ako makakasama. May biglaang business trip ang kompanya at kailangan na naroon ako. Sorry..."
I heard her chuckle, "You did not read the invitation properly, 'no?"
Kumunot ang aking noo, "I did."
"Hazel, valid for three events yang invitation. Read it again. May tatlong show na gaganapin sa mag kakaibang dates. If you cannot make it on Tuesday, bumawi ka nalang next month. Besides, dadalo si Dorothy sa tatlong show na iyon." medyo umaliwalas ang aking pakiramdam nang marinig ko iyon.
"Talaga? Oh gosh, Baka nga nakaligtaan ko ang part na iyon. Thanks Lexi. Sorry." pag tapos nun ay ibinaba ko na ang tawag dahil mukhang may pinag kakaabalahan din siya.
Tiningnan kong muli ang invitation at nakita ang tatlong dates sa magkakaibang buwan. Buti naman kung ganun. Akala ko ay hindi na ako mabibigyan ng pagkakataon na makita si Dorothy.
Ipinaalam ko kay Dad ang business trip at hindi na ako magtaka kung mas nauna niya itong nalaman kaysa sa akin. Well, siya pa rin ang head ng HZ ngayon at nasa kanya pa rin ang desisyon.
"That's great. Mas magkakakilala kayo ni Kent." aniya.
Kung sabihin niya iyon ay para akong tuluyang binibugaw.
Umirap ako, "Are you still considering the marriage? Dad, hindi naman kailangan nun."
Alam kong mapapalago ko mag isa ang kompanya nang hindi ko kinakailangan mag pakasal sa hindi ko naman kilala ng lubusan. Ano ngayon kung number one sila sa industriyang ito? I can make that happen too.
"Mabait si Kent, ija. Mataas ang pinag aralan niya at magaling siyang humawak ng kompanya. Marami kang matutunan sa kanya."
Humigop siya ng kape sa kanyang tasa, kasalukuyan kaming nasa dining area at nag aalmusal. Hindi ako usually sumasabay sa kanilang kumain kung hindi lang talaga dahil sa mga tanong kong ito.
"Kaya kong matuto nang hindi nagpapakasal sa kanya, Dad. As if that marriage will do me good. Sakit lang naman sa ulo 'yon." hiniwa ko ang pancake at sinubo ang maliit na piraso nito.
Pinag masdan ko ang pagbaba ng tasa niya sa lamesa at nakangiti akong hinarap.
"Ija, sumunod ka nalang." That evil smile.
Napa yuko ako at tiningnan ang natitirang piraso ng pancake sa aking plato. Bakit ang hirap niyang kumbinsihin? Pinakasalan niya ba si Mom for business? 'Di ba hindi naman? Bakit pinipilit niyang gawin ko yun? Besides, hindi pa kailanman sumagi sa isip ko ang mag pakasal ng maaga at sa hindi ko pa kilala. Hindi yun maaari.
BINABASA MO ANG
The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]
Romansa[COMPLETED] Hatred. Love. Lies. Acceptance. STARTED: 03/13/17 FIN: 04/10/18