Kabanata 29

346 11 1
                                    


Kabanata 29

Her eyes



"Hazel, this is Kent. Kent Balmaceda. Vice-chairman of Seven Suits company."




Nang malaman ko na kaibigan ni Dad ang tatay ni Hazel ay parang pumalakpak ang tainga ko.




Nakatayo si Hazel sa harapan ko, mas nag mature ang itsura niya kumpara sa unang pagkakita ko sa kanya 6 years ago. Of course ay hindi niya ako makikilala dahil hindi ko naman pormal na pinakilala ang sarili ko dati. Maraming research muna akong ginawa sa kanya bago ko siya muling kitain, and tonight is the right time.





"Kent, this is Hazel. My daughter." pakilala ni Tita Amanda.




Tumayo ako para makipag kamay. Wari ko'y sinusuri niya ang buo kong itsura dahil sa matatalas niyang tingin, pero nandoon pa rin ang lungkot sa mga mata niya.



"Bakit siya nandito?" tanong ni Hazel.




"They have decided to help our company."  Her Mom answered.



"Really?" Napa angat ang kanyang labi.




"We sealed our deal. We are now business partners." sabi ko sa kanya. Mukha siyang hindi makapaniwala.





"Ma'am, mauna na po ako." I lied. Gusto ko pang manatili. Gusto ko pang makita si Hazel ng mas matagal.




"Oh, no. Why don't you stay for dinner? Tamang tama, nandito na si Hazel." ani Tita Amanda.




"Hindi na po." sabi ko nang mapansin na hindi komportable si Hazel.





"I insist, Kent." pag pilit ni Tita Amanda sa akin.





Sa huli ay wala na rin akong nagawa. Nasa harapan ko si Hazel, hindi magawang maalis ng tingin ko sa kanya.



"So Kent," Her Dad broke the silence.


Napalingon ako kay Tito Henry.


"First of all, thank you for coming here personally. I would like to apologize for the inconvenience."


Matagal nang sealed ang partnership namin sa kompanya nila Hazel, kaya hindi 'yon ang dahilan kung bakit nandito ako ngayong gabi. Sinabi ko sa kanila na gusto ko si Hazel, na gusto kong hingiin ang kanyang kamay. Kilala nila ang pamilya ko kaya malakas ang loob kong sabihin iyon sa kanila. Maybe destiny brought us together. Balak ko talaga siyang kilalanin kahit hindi dahil sa magulang namin, pero parang ang tadhana na ang gumawa ng paraan.




Nasira ako, sobrang laking parte ang nawala sa akin pagkatapos kong malaman ang tungkol kay Dorothy at Killian. Hindi ako sigurado no'n kung makakabangon pa ako, hindi ako sigurado kung makakasubok pa akong muli. Nilibang ko ang sarili ko, nilibang ko sa trabaho at sa modeling pero nang makita ko si Hazel ay nagbago ang pananaw ko bigla.




Kung love at first sigt nga ito ay nakakamangha, dahil hindi ko naman 'to naramdaman kay Dorothy. I didn't mean to compare them, minahal ko si Dorothy pero sinira niya ako. Dumating si Hazel, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya pero alam ko na balang araw ay mabubuo niya ako, at baka mabuo ko rin siya, na baka matanggal ko ang lungkot sa mga mata niya.




"It's fine, Sir. Besides, my dad wants me to meet your..." I paused, "Your daughter, Hazel." mariin ko siyang tiningnan.




Kita ko ang pagtataka sa kanyang mata, "Me?" tanong niya.




 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon