Kabanata 11

3.7K 68 1
                                    


Kabanata 11

Cousin

"Ang hirap mo naman hagilapin these past few days, Hazel."

Ibinaba ni Lexi ang pang huling roller sa aking buhok. Hinayaan ko siyang ayusan ako para sa event mamaya. Nang hihinayang pa rin ako dahil hindi ako nakadalo sa unang show. Ngayong araw ang pangalawang event at muntikan pa akong hindi matuloy dahil sa sunod sunod na meeting sa kompanya.

Kinulot niya ang hanggang balikat ko na buhok at siya na rin ang nag ayos ng aking makeup.

"I'm sorry." I sincerely said, "Don't worry, babawi ako." I smiled.

"Ayan, you look stunning." Wika niya nang matapos ang kanyang pag aayos sa akin. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at medyo nanibago. Lumaki ng bahagya ang medyo singkit kong mata, ang labi ko na kulay nude ay sinadya ni Lexi dahil masyadong matapang na ang kulay ng mga mata ko.

"You too." Sabi ko at pinag masdan din siya. Suot niya ang gawa ni Dorothy Sarabia na gold fitted dress. Ang maiksing buhok niya na straight ay nalagyan ng volume na talagang bumagay sa hugis ng kanyang mukha.

"Where did you buy that dress, Hazel? It's gorgeous. I love the design and color, it's fierce. Ang ganda nang pagka off shoulder niya at bagay sayo, It matches your deep collar bone too." Puna niya sa aking suot na itim na dress. Hinapit ng dress na ito ang katawan ko dahilan para lumabas ang bawat korte nito.

Lumipat ang kanyang tingin sa aking leeg, "Also, your necklace... Ngayon ko lang napansin, saan mo binili yan?" tanong niya.

Simula nung binigay 'to ni Kent sa akin ay hindi ko na inalis. I don't know, feeling ko kasi ay bumagay naman siya sa akin at baka pag tinanggal ko iyon ay maramdaman kong may kulang. Hindi ako mahilig sa mga accessories dahil nakaka sagabal iyon minsan sa pag kilos ko, pero nung isuot sa akin 'yon ni Kent ay parang naging normal lang sa pakiramdam at hindi nakaka irita. Dahil na rin siguro maganda ang design kaya ko mas piniling isuot na lang.

Ayaw kong sabihin kay Lexi na may nag bigay sa akin ng kwintas na 'to at baka iba pa ang isipin niya. Masyadong malisosya rin kasi 'tong kaibigan ko. Parehas sila ni Lucas.

"Tiffany & Co." I answered, pertaining to my necklace. "My dress is from Calvin Klein." I added.

Tumango siya pero ang mga tingin niya sa akin ngayon ay may halong pagtataka.

"Why?" Tanong ko nang mapansin ko ang reaksyon niya.

"Akala ko ba hindi ka mahilig sa accessories? Bakit napa bili ka ata ngayon?" Tumaas ang kilay niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, "Wala lang. Change of heart siguro." sagot ko at nagkibit balikat na lang.

Nangibabaw ang suot ni Lexi sa karamihan. Hindi ko alam kung maganda lang talaga ang suot niyang dress o talagang magaling lang siyang mag dala nito. I don't know, all I know is she's stunning tonight.

Ang malaking catwalk sa gitna ay napalibutan ng maraming upuan sa gilid. Sampung minuto pa raw bago mag simula ang programa pero na e-excite na agad ako.

Luminga linga ako ako paligid and hoping to spot Dorothy Sarabia in the crowd. Nang kinalabit ako ni Lexi ay napatingin agad ako sa kanya.

"Yes?"

May tinuro siya kung saan kaya napa tingin ako doon, "Ayun si Dorothy." Sabi niya sa tainga ko.

Nanlaki ang mata ko nang mahagip ko siya. Ang morena niyang balat ay kapansin pansin, the dramatic look in her eyes is exceptionally appealing, talagang kaakit akit iyon. Bukod sa magaling ang fashion sense niya at magaganda ang mga designs na kanyang ginagawa ay talagang kapansin pansin din ang kanyang itsura. Alam ko na yun din ang bumenta sa mga tao plus her talent.

 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon