Kabanata 21

3K 49 0
                                    


Kabanata 21

Fine

May nakaraan sila ni Dorothy. Ang tanga tanga ko't naniwala ako sa mga pakulo ni Kent.

Kung bakit kasi hindi ko pinairal ang utak ko at basta basta nalang ako nag desisyon dahil lang sa pesteng nararamdaman ko sa kanya.


Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko ngayon, sumabay pa ang buhos ng ulan, bumibigat na ang  bawat hakbang ko dahil basang basa na ang suot kong dress.

Alam kong nakalayo na ako hotel na 'yon dahil kanina pa ako naglalakad. Pinagtitinginan na rin ako ng mga taong nakakasalubong ko, iniisip siguro nila na nababaliw na ako.

Akala ko'y wala nang makakatapat sa sakit nung nawala si Kuya sa akin. Akala ko ay hanggang doon nalang ang mararamdaman kong pait, akala ko lang pala. Dumting si Kent, pinaramdam niyang sobrang importante ako, sinabi niyang gusto niya ako, inamin niyang mahal niya ako, pero lahat 'yon ay kasinungalingan lang.


Hindi water proof ang cellphone ko kaya malamang ay hindi na 'yon gagana ngayon. Mas ayos na siguro 'yon para hindi ako ma-contact ng kahit na sino. Wala akong gana makipag usap.


"Lintek na buhay naman, Hazel! Napaka tanga mo!" Sigaw ko sa aking sarili habang hawak ang basa kong buhok.

Napalingon sa akin ang mga taong dumadaan, lahat sila ay iniiwasan lang ako. Siguro kasi'y nakaka takot ang itsura ko dahil nalusaw na ang make up ko at paniguradong tumutulo na ang itim sa mata ko gawa ng eyeliner. Tangina talaga. 



Patawid na sana ako sa kabilang kalsada ngunit may humarang na motor sa harapan ko.


Iniwasan ko iyon pero nakita kong bumaba na ang driver at hinila ang kamay ko.


"Hey!" sigaw ko.


Binitawan niya ang basang kamay ko at nag tanggal siya ng helmet. Tumambad sa akin ang mukha ng kaibigan ko.

"L-Lucas..."


Hinubad niya ang suot niyang leather jacket at agad na ipinatong iyon sa akin.


"Anong nangyari, Hazel?" tanong niya. Mariin niya akong tiningnan.



"H-huwag mo 'kong p-pansinin." nanghihina kong sabi. Nanginginig na ang bibig ko at ang mga kamay ko ay naninigas na rin sa ginaw. Kung iisipim ay parang patay na ako dahil sa temperatura ng katawan ko.



"Anong 'wag?! Magkakasakit ka Hazel!" sinigawan niya ako kaya nama'y napa pikit ako ng mariin.



"W-wala akong pakealam." I bit my lip. Gusto kong dumugo iyon. Sobrang bigat na ng mga mata ko at hindi ko alam kung paano ko pa nagagawa makakita sa lagay na 'to.



"Tara na, Hazel. You're a mess!" Hinila niya ang  kamay ko, nakakainis lang dahil wala na akong lakas para pumiglas pa.



Sinuot niya sa akin ang kanyang extra helmet, inalalayan niya pa akong makasakay sa motor, hindi niya alintana ang basa kong katawan.



"Shit! Hindi kita pwedeng iuwi sa inyo na ganyan ang itsura mo."

Pinakinggan ko lang siyang mag salita dahil pagod na akong ibuka ang bibig ko.



Mabilis ang pagpapatakbo niya ng motor, nakayakap ako sa kanya ng mahigpit habang bumubuhos pa rin ang aking luha.


Gusto ko sanang sabihin sa kanya na magdahan-dahan dahil basa ang kalsada ngunit parang nagiingat rin naman siya at alam kong eksperto siya sa pagmo-motor.



 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon