This is not an update. Sharing po ito. meaning I want to share my testimonies in life.
I want you to be open minded , I don't need any judgement from you guys because we both know that each of us is a sinner.
And through grace we are all saved.
Ang nais kong ibahagi sa pahinang ito ay tungkol sa akin at sa aking pamilya ..
Ikaw ? parte ka ba ng isang buong pamilya?
Napakaswerte mo ..
Ako .. ay nabibilang sa mga taong parte ng broken family
Mahirap ..
Sobrang hirap na sa tuwing may makikita kang pamilya sa park , may ina , Ama at masayang anak di mo maiiwasang malungkot
Dati isa sa lagi kong iniiyak ay ang dahilan na bakit ganito ang pamilya na meron ako?
Sa murang edad wala akong kalinga ng isang Ama .. nalulong siya sa masamang bisyo dahilan para iwan siya ng aking ina.
Ang ina ko naman? ayun nag OFW para lang matustusan kami ng aming kapatid
Gusto kong manisi .. pero sino ang sisisihin ko?
Madalas akong umiiyak nun .. sabi ko sa Diyos bakit gnun? bakit ako pa? bakit kami pa?
sa tuwing may family day sa school .. laging ang tanong ko sa sarili ko .. ppunta pa ba ko? para saan pa? wala naman akong magulang na madadala?
sa tuwing kuhaan ng card .. laging tita or lola ko ang kumukuha..
Grumaduate ako ng elementary .. may honor pa nga eh ..
tanging hiling ko nun maka uwi ang mama ko para siya ang magsabit ng mga medalya ko ..Pero wala .
Birthdays .. Holidays .. Family days ..
Wala siya ..
tumuntong ako ng high school nagkaroon ng JS prom..
sariling sikap yun maka attend lang ..
at graduation .. wala pa din siya. napaka palad ko naman tlaga nuh?
Ang dami kong hinanakit sa magulang ko at sa Diyos ..
pero nung kalaunan nag College ako at nakakilala sa kanya
dun ko napagtanto lahat pala may dahilan ..
hindi ginawang perpekto ang buhay para matuto tayong kausapin siya sa panalangin ..
naunawaan ko din na hindi sadya yun ng mga magulang ko
natuto akong umunawa , umintindi at magpatawad .
ikaw ? anong pangyayari sa buhay mo na willing mong ibahagi? share naman dyan! :)