Verse : Matthew 4:11
" Then the angels left him and angels came and attended him "Background:
Jesus was led by the Holy Spirit to be tempted by the devil , this was after his 40 days and nights of fasting , Satan tempt him to test the Lord and he even uses God's word to trap him , but Jesus was firm he knew what Satan is up to .
When Satan throws word or promises of the Lord , Jesus was able to defend the truth of God's word.Pointers :
- Tempation
- Tempter
- TargetSa buhay natin hindi maiiwasan na may mga taong gusto tayong makitang bumagsak o masaktan , meron at meron na mga taong gusto makita kung paano ka magkakamali para may maibato silang mali sayo .
Kadalasan , sila yung mga taong mahina , na kayang manipulahin ni Satan , kailangan nating isipin na ng kahinaan ay nagpapakita na kayang kaya tayong gamitin para gumawa tayo ng mali , para sa atin ito masisi at hindi ito masisi sa kanila.
Kung nagpakita ng kahinaan si Jesus nung mga oras na yun malamang galit tayo sa kanya ngayon , malamang sasabihin natin na napakahina niya at natalo siya ni Satan , pero hindi , kahit pa mahina siya nung mga oras na yun dahil wala pa siyang kaen hindi siya nagpamanipula sa kaaway.
Ganun din dapat tayo , dapat maging matatag tayo , dapat alam natin kung ano ang totoo at dapat alam natin kung kelan tayo magpapakita ng kahinaan at eto ay kapag harap lang natin si Lord o ang mga taong tunay na nagmamahal sa atin.
Temptation
- Eto yung pagkakataon na nakikita ni Satan kung gaano ka kahina , nakikita niya yung mga fears mo , yung doubts mo , yung struggle mo at kung ano ano pa , at gagamitin niya eto para tumalikod ka kay Lord , Itetempt ka niya pero ang tanong matatag ka ba?
Dapat kang maging matatag!Tempter
- Syempre kilala na natin ang tempter walang iba kung hindi si Satan , kilala mo naman siguro kung anong mga salita ang nabibilang sa hanay niya , Sin , Hatred , Fear , Doubts , Unbelief .
Ilan lamang yan pero dapat never kang magpapahatak sa kanya.Target
- Walang iba kung hindi ikaw, ang target ay kadalasan gusto ng kaaway makitang bumabagsak , kagaya na lamang ng mga napapanood natin sa mga palabas , ang mga target ng kaaway ay yung mga nakakaintimidate , yung tipong tapat sa isang bagay at gagawin ng kaaway ang lahat para mawala ang focus mo sa bagay na yun.Hindi mo maiiwasan ang Temptation , nasa saiyo na yan kung bibigay ka ba o hindi , at lalong hindi mo maiiwasan na manahimik ang Tempter mo , kaya siya andiyan para ma out of focus ka , lahat ng takbo ng buhay may panggulo at kabilang siya dun , ikaw lang ang Target kasi malakas kang manampalataya , at nakikita din ang kahinaan mo , Pero sa huliikaw at ikaw lang ang nakakakilala sa sarili mo .
Bibigay ka ba sa temptasyon?
Hahayaan mo bang manalo ang kaaway?
Hahayaan mo bang matarget niya ang buhay mo?
ang mga pangarap mo?
ang pamilya mo?
kaibigan?
pag aaral?
at pananampalatay mo?
Be firm in your Faith , stay steadfast.