Anniversary night.
Yeah, you heard it right. Anniversaries should be celebrated. Pero heto ako, mag-isa. Naghihintay. Nag-aabang. Umaasa. Nasasaktan.
Pero I like it this way. Masokista lang ang peg diba?
At 11 in the evening, no signs of Him. Nawawalan na ako ng pag-asa.
I remember our conversation the other day.
"Babe, make sure dadating ka ha. Anniversary natin."
"I will, babe. Promise ko sayo yan. I'll finish everything sa office agad para makapunta ako sayo."
"I'll expect ha. So huwag mong tangkain na indianin ako. Magagalit ako sayo. Di na kita kakausapin."
"Oo na. Hinding-hindi ako mawawala nun. Promise."
Going 2 years in this kind of relationship is tiring. Sa totoo lang. Pero wala akong reklamo. Mahal ko siya and I know he loves me. Hindi na lang kami magkatagpo sa oras. Busy siya sa business, and I, sa shop ko. You see, I'm a fashion designer for clothes. Puro celebrity ang clients ko. And it's eating my time. Well for him, he's into construction and most of the time, out-of-town ang mga projects niya. Ang hirap makihati sa oras niya.
But I still try. Mahal ko e. Mahal na mahal. Katulad ngayon, kailangan ko na naman umintindi. As always, iintindihin ko na naman ang mga reasons niya.
Lost in my bubble, my phone rings..
"Babe, I'm sorry hindi na ako makakarating. Late na. May emergency kanina. I'll make it up to you. Promise. Just please stay with me."
"May magagawa pa ba ako? Sige na, baka busy ka."
"Wait. Maine, babe, please don't get mad. "
"Hindi naman. Nagtatampo lang na konti. Pero I'll get by."
"Are you sure? Do you want me to drop by kahit late na? Tatakas ako dito. Sabihin mo lang."
"Okay lang,babe. Sige na, I'll take a shower and iligpit ko na itong mga kalat dito."
"You cooked for me? Babe, I'm sorry."
"Got to go now. Good night."
Hindi ko na hinintay na makapagpaalam siya alam ko naman na hindi naman niya ibababa nag phone hangga't di kami nagbabati. Always the same. Napapagod na ako. I don't know kung kaya ko pa. Can I still wait for him?
Inilagay ko sa mga containers ang food na niluto ko. Bukas, ibabaon ko na lang siya sa shop para mapakain sa mga staff ko. But for now, wala akong ganang kumain. Instead of changing into my pj's , nagpalit ako ng jeans and cropped top. Kinuha ko ang susi ng kotse ko and my LV bag. Gusto kong magliwaliw. Makalimot. Just tonight.
A/N This is new to me. Gusto ko ng kakaibang tema. Yun mas wild at mas mature. I hope babasahin pa rin ninyo ito and my other pabebe works. Kasabay po nito ang "Kapag Ako ay Nagmahal".

YOU ARE READING
Babae sa Sulok(Completed)
Fiksi PenggemarNot so ordinary kind of Love.. #MaiChard #Alden #Maine #AlDub #RFJr #NicoMaine