Chapter 4: One day the problem will come

798 29 2
                                    

Clare POV

Hayyy ano ba to?

Konti lang ininom ko pero ang sakit ng ulo ko

Bumangon ako sa kama at napatingin kina yasmine at shane na natutulog pa

Pumunta ako sa banyo at naghilamos ng mukha ng mahimasmasan naman ako

Napatingin ako sa lalagyan ng mga toothbrush at buti nalang may dalawang extra bago palang

Kinuha ko yung isa at binuksan yun tsaka nagtoothbrush

Sasabihin ko nalang mamaya kay yasmine na ginamit ko yung isa

Pagkatapos nun ay lumabas na ko ng banyo at nakitang natutulog parin yung dalawa kaya naman lumabas nalang ako ng kwarto

At pagkalabas ko may lumabas rin sa isang kwarto katabi lang ng kwarto ni yasmine at pagtingin ko kuya niya pala


"Good morning po kuya."-bati ko at nagbow pa


"Good morning rin."-sagot niya at nginitian ako kaya nginitian ko rin siya

"Ahhh sige po una na ko."-sabi ko at tumango naman siya kaya bumaba na ko ng hagdan at nagtungo sa kusina

Naabutan ko sa kusina ang mommy ni yasmine kaya nag good morning rin ako


"Good morning po tita."-bati ko


"Magandang umaga rin sayo iha, oh maupo ka muna pagtitimpla lang kita ng kape."-sagot ni tita


"Ahhh sige po tita salamat."-nakangiting sagot ko at nginitian niya rin ako at umalis saglit para ipagtimpla ako ng kape

Napatingin naman ako sa wallclock na nandito


"10:32 na pala."-mahinang sabi ko

Mamaya-maya pa ay bumalik na si tita na may dalang kape at inilapag sa harapan ko at naupo sa tabi ko



"Natutulog pa ba yung iba?"-tanong ni tita


"Siguro po, ako palang po ba ang pumunta dito? Mag-eeleven na rin po kasi eh kaya baka may nauna nang pumunta sakin dito."-sagot ko at humigop ng kape


"Ikaw palang ang pumunta dito iha, bukod sa tito mo na kakaalis lang."


"ahhh ganun po ba? Saan naman po pupunta si tito?"-ako


"May trabaho siya ngayon eh."-sagot ni tita


"Ahhh okay po."-ako


"May tatanong ako iha kung maari."-tita



"Sige po, ano po yun?"-tanong ko naman


"Maayos naman ba ang relasyon nila yasmine at gabriel?"-nakangiting tanong ni tita


"Opo, ang sweet nga po nila sa isa't-isa eh. Tita ayaw niyo po ba si gab para kay yasmine?"-sabi ko



"Hindi ah, gustong-gusto ko ang batang yun para sa anak ko. Napakabait na bata,magalang,matalino,masipagat higit sa lahat maunawain."-sabi ni tita


"Ahhh, okay na okay po pala sainyo si gab noh. Sabagay tama naman po ang mga sinabi niyo."-sabi ko


"Pero isang araw di na ko magtataka kung mag-aaway ang dalawang yan o kayo."


"Tita naman eh, never pa po kaming nag-away noh."-sabi ko


"Oo nga kaya isang araw siguradong may darating na mabigat na problema sainyo."-makahulugan na sabi ni tita


"Tita mabigat na problema po talaga?"-tanong ko


"Oo mabigat na problema, mabigat na mabigat."-seryosong sabi ni tita



"Ano pong mabigat na mabigat?"



Sabay kaming napalingon ni tita sa may pinto ng kusina at doon nakita namin si shane na papalapit samin



"ahh si tita kasi sabi niya isang araw daw may darating na mabigat na problema satin, nakakaba naman."-sabi ko tinignan naman muna ako ni shane at umupo sa tabi ko



"Mabigat? Mabigat na mabigat po ba talaga?"-tanong rin ni shane na parang inulit lang ang tanong ko kanina




"Oo mga iha pero malalagpasan niyo yan dahil wala namang ibibigay na pagsubok ang diyos na hindi niyo malalampasan kaso lang siguro maraming magbabago."-sabi pa ni tita



"Tita paano niyo po nalaman?"-ako



"Secreto nalang iyon mga iha, sige maiwan ko muna kayo diyan."-sabi ni tita at tumango naman kami kaya lumabas na siya ng kusina




"Ano naman kayang klaaeng problema yun? Kinakabahan tuloy ako."-sabi ni shane




"Ewan ko ba pero kinakabahan rin ako."-sabi ko



Nagkibit-balikat nalang sakin si Shane at ininom ang kape ko


Grabe naman toh


"Good morning!"


"Ayyy pusa!"-sabay na sabi namin ni shane dahil nakakagulat yung pagsigaw ni yasmine



"Ano ba yan yas? Nangugulat ka naman eh."-Sabi ko




"hehehe peace, ano palang pinagkwekwentuhan niyo?"-tanong niya at naupo kung saan nakaupo si tita kanina


"Yung sabi ng mama mo."-shane



"Huh? Anong sabi ni mama sainyo?"-takang tanong niya



"Na isang araw daw may darating na mabigat na problema satin, paano niya nalaman yun? Nakakaba kasi eh."-Sabi ni shane



"Hayyysss si mama talaga kung ano-ano nalang ang nahuhula."-Sabi ni yasmine




"huh? Nahuhula? Manghuhula si tita?"-tanong ko



"Oo, pero kung ano man ang sinabi niya siguro malalampasan naman natin yun."-sabi niya



"Yun nga ang sabi niya pero marami daw magbabago."-shane




"Ano ba yan, kinakabahin rin ako sa mga sinasabi ni mama."-Sabi niya


"Nakakaba talaga."-sabi ko

**************

"Bye yas! Bye tita! Thank you po sa lahat."-paalam naming lima dahil aalis na kami

"Sige mag-iingat kayo."-sabi ni tita kaya naman tinanguan na namin siya pero bago kami makapasok sa kotse ay may isinigaw pa si tita



"One day the problem will come!"


Nagkatinginan nalang kami ni shane at sabay tumingin kay yasmine at nakita naming nakatingin rin samin si yasmine tsaka nagkibit-balikat

Kaya naman nagkibit-balikat nalang din ako at sumakay sa kotse ni kyle

--------------------

MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon