Chapter 27: Destiny is playing with us

356 7 0
                                    

Chrisshane POV


"Where have you been, baby?" Tanong ko kay Cali.

"I saw a robot right there, mom." Aniya sabay turo sa may bandang dulo ng store. "That's why i run towards there but i bumped into a little girl."


"Then, what did you do?" Nakangiting tanong ko. Ngayon lang nangyari kay Cali 'to kaya nacu-curious ako kung anong ginawa niya.


"I said sorry to her and kiss her forehead. Did i do the right thing, mom?" He looked at me and pouted.
Na-amuse naman ako sa ginawa niya kaya binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi.


"Ohhh.....my little prince is such a good and sweet little guy. And yes baby, you did the right thing. Pakiss nga si mommy." Ngumuso ako sakanya kaya agad niya naman akong hinalikan sa lips. "Ganyan dapat yung ginagawa mo ha? If you did something wrong say sorry to them and kiss their forehead ganun din kapag nagthank you ka. Kiss their forehead too."


"Okay mommy!" Masiglang tugon niya.

"Dahil diyan bibilhin natin yung robot na gusto mo." His eyes twinkled.


"Yey! Thank you, mommy." Aniya sabay halik sa noo ko. Napangiti naman ako at napatingin kay Wayne.

He smiled.


                                ***

"Did you already found her?"

Wayne looked at me. Napakunot ang noo niya.


"Found who?" Kunot-noong tanong niya at binalik ulit ang atensyon sa daan.


"The girl in the Baguio. Yung kinwento mo dati sakin." I said as i brush Cali's bangs away from his forehead using my fingers. Nasa kotse na kasi kami ngayon nagpapahatid ako kina Yasmine. And Cali is sleeping. Nakaupo siya sa lap ko at nakasandal naman yung ulo niya sa chest ko.



He sighed. "Actually, yes but she has a family now. She has a daughter too. Infact the little girl who Cali bumped into is the daughter of the girl i'm talking about."



"Is that so?" Sabi ko at napatingin nalang sa dinadaan namin. Pero biglang may nagpop-up na tanong sa isip ko kaya napalingon ulit ako kay Wayne. "What if anak mo yun?"


Nagulat siya sa tanong ko kaya bigla siyang napalingon sakin. Sakto din Red yung stoplight. "Malabo, Mia. May asawa siya."


"Malay mo lang naman diba? Kasi nga diba sabi mo may nangyari sainyo tapos malay mo nagbunga tapos tinanggap lang siya nung asawa niya pati yung anak niya. Pero ano bang naramdaman mo nung nakita mo yung bata? Kasi may sinasabi silang lukso ng dugo diba? Hmm...did you feel that?" Tanong ko pa. He shrugged then pinaandar na ulit yung kotse dahil nag green light na.



"I don't know. Basta nung napatingin  ako sakanya feeling ko nawala lahat ng pagod ko. At ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya." Aniya at tsaka inihinto ang sasakyan. Nandito na pala kami kina Yasmine. "Let's go?"


"Wait teka kilala mo si Yasmine?" Takang tanong ko. Dahil naalala ko ang sinabi ko lang sakanya kanina pupunta kami kina Yasmine. Tinanong niya naman kung anong apelyido ng sabihin kong Gopez hindi na siya nagtanong kaya naman hindi na rin ako umimik.


"Of course. Yasmine is my cousin." Aniya kaya nagulat ako at napatingin sakanya. Ngumiti lang siya at bumababa na ng kotse. Umikot siya sa kabila at pinagbuksan ako ng pintuan.
Kinuha niya muna sakin si Cali na hanggang ngayon ay tulog parin.


MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon