Chrisshane POV
It's been 4 weeks since we did 'it'. At ngayon Monday na naman, simula na naman ng klase pero iba ang araw na ito. Hindi ko alam kung bakit pero......
Nabitawan ko yung suklay ko ng maramdaman kong parang bumaligtad yung sikmura ko kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa CR.
Agad akong humawak sa may sink at nagsuka. Napapikit ako sa sakit ng magbadya na naman ang pagtaas ng tubig sa lalamunan ko pero wala naman lumabas kaya nagtoothbrush nalang ako at lumabas na ng banyo tsaka kinuha ang bag ko.
What is happening to me? May nakain ba kong masama kaya ako nagsusuka?
Ang sama pa ng pakiramdam ko. Tapos alam niyo yung feeling na may gusto kayong kainin pero hindi mo alam kung ano yun?Pagdating ko sa may dining room ay nakaupo na silang lahat doon at ako nalang ang hinihintay kaya binati ko lang sila at umupo na sa tabi ni ate Colleen.
Napatingin ako sa mga pagkaing nasa mesa. Toasted bread, eggs, hotdogs and bacon. Napasimangot ako ng wala akong nagustuhan sa mga pagkaing nasa harapan ko.
"What's wrong Shane? Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ni mommy ng makita niyang nakatingin lang ako sa mga pagkain.
"Ayaw ko yung mga foods mommy." Nakapout na sabi ko. Kumunot naman ang noo ni mommy.
"Why sweetie? Diba favorites mo yang mga yan? Bakit ngayon ayaw mong kumain?" Nagtatakang tanong ni mommy.
"Hindi ko rin po alam mommy." Sagot ko at agad akong napatakip sa ilong ko ng ilagay ng isang maid yung fried rice sa tabi ko. "Yuck! What's that mommy? Bakit ganun yung amoy? ang baho!"
Lalong napakunot ang noo ni mommy dahil sa ginawa ko. Napatayo kasi ako at nilayo yung fried rice sakin.
"Ayaw mo sa bawang Shane?" Tanong naman ni Ate kaya napatingin ako sakanya. I slightly nodded pero agad din akong napatakbo papunta sa sink ng kusina ng magbadya na naman ang pagsusuka ko.
Habang nakatungo ako sa may sink ay naramdaman ko ang presensya nila mommy sa likod ko.
"Are you okay Shane?" Nag-aalalang tanong ni mommy at hinagod ang likod ko.
Inayos ko ang sarili ko at nakangiting humarap sakanila.
"Yes mom. I'm fine. May nakain lang po yata akong masama." Sabi ko naman pero hindi parin mawala ang pagdududa ni mommy.
"Okay sige. Pero sa susunod mag-iingat ka na sa mga kinakain mo, okay?" Tumango nalang ako kay mommy at nginitian siya.
PAGDATING namin sa school ni Justine ay tumunog ang tiyan ko kaya napatingin si Justine sakin at bahagyang tumawa. Napatitig ako sakanya habang tumatawa siya at hindi ko siya naiwasang panggigilan.
"Ang cute cute mo baby." Matapos kong pisilin ang pisngi niya ay hinalikan ko siya.
"Hindi ako cute, gwapo ako." Nakangising sabi niya tsaka niya ko inakbayan at inakay papunta sa canteen. "Hindi ka kumain baby?"
"Hindi eh." Nakasimangot na sabi ko ng maalala na naman yung kanina. Wala talaga akong nagustuhan sa mga pagkain.
"Bakit naman? Dapat lagi kang kumakain baby. Wag kang magpapagutom." Anito tsaka ako inalalayan maupo sa isang bakanteng mesa dito sa canteen. Ang bilis naming makarating noh? Eh paano ba naman kaharapan lang namin yung canteen kung saan kami naglalakad kanina. "What do you want?"
Napaisip naman ako. Ano nga bang gusto ko?
May dumaan na babae sa harapan namin na may dala-dalang pizza kaya bigla akong natakam.
BINABASA MO ANG
MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]
RomansaChrisshane, Justine and their friends are already in college. They will now face a new set of challenges that will change their lives. MY ESCORT IS A CAMPUS PRINCE BOOK 2: PLAYFUL FEELINGS Genre: Romance Note: The original image of the book cover...