Clare POV
"Clare?"
Napaangat ako ng tingin ng may tumawag sa pangalan ko
"Shane!"-Sabi ko sabay tayo at niyakap siya tsaka ako humagulgol sa balikat niya naramdaman ko namang gumanti siya ng yakap at hinaplos ang buhok ko
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"-Sabi niya at kumalas sa pagkakayap sakin, nag-aalalang tumingin siya sakin
"S-si...*sob* s-si k-kyle...."-nauutal at humihikbi kong sagot
"Anong si kyle?"-sabi niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko
"N-naki... *sob* nakipagbreak n-na s-siya *sob* sakin."-Sabi ko at napahagulgol ulit niyakap naman ako ni shane
"Sabihin mo sakin kung bakit pero sige iiyak mo muna yan."-sabi niya at inalalayan akong maupo sa bench tsaka siya tumingin kay justine na nakatayo sa harapan namin
"Baby pwedeng ibili mo muna kami ng drink?"-Tanong ni shane sa nobyo nakangiting tumango naman si justine
"Okay, but pwedeng pagdating ko dun ka magkwento clare? Gusto ko rin kasing malaman ang dahilan kung bakit nakipagbreak yung kaibigan ko sayo."-sabi ni justine tumango naman ako sakanya kaya umalis na muna siya para bumili ng inumin
At pagkaalis niya dun ulit ako umiyak ng umiyak umalalay naman si shane sakin
Pagdating ni justine ay kasama niya na sina yasmine at gabriel
Agad niyang inabot ang dalawang bottled drink kay shane"Ano clare handa ka na bang magkwento?"-Tanong niya tinanguan ko naman siya at nagpunas ng mga luha
"Uminom ka muna."-dagdag niya na inabot sakin ang isang bote kinuha ko naman iyon at ininom
"Kapag ready ka na magsalita kalang."-Sabi ni shane, umupo naman si yasmine sa kaliwa ko habang yung dalawa ay nakatayo sa harapan namin
Bumuntong hininga muna ako bago nagkwento sakanila pero habang nagkwekwento hindi ko maiwasang umiyak ulit. Masakit kasi eh mahal na mahal mo siya pero nakipagbreak siya at hindi man nagpaliwanag kung bakit
3 years, tatlong taon na kami at mahal na mahal ko siya pero nakipagbreak siya sakin ng ganun kadali na para bang isang araw lang ang naging relasyon namin, kaya pala ganun ang pakikitungo niya sakin kanina at tinatawag niya lang ako sa pangalan ko nakasanayan ko kasi ang pagtawag niya ng my loves sakin dahil iyon lagi ang tawag niya sakin never niyang binanggit ang pangalan ko kanina lang at ganun kasakit ang katotohanang nakipagbreak siya sakin
Lagi siyang sweet sakin, malambing, kapag galit o nagtatampo ako agad niya kong sinusuyo pero ako itong laging nagbubunganga sakanya, matampuhin,OA,binabatukan o pinipingot lagi siya.
Siguro nagsawa na siya sakin sa ganung ugali ko kaya siya naghanap ng iba at ikakasal na nga agad agadGanun na ba ko kasama? Siguro nasasakal na siya sakin pero hindi ko naman siya sinasakal o pinaghihigpitan, kung nagtatampo ako minsan gusto ko lang naman magpalambing eh,
Oo nga binabatukan o pinipingot ko siya pero pagkatapos nun maglalambing din naman ako eh"Huh? bakit wala man siyang nabanggit tungkol diyan? Sayo gab may nabanggit siya tungkol sa pagpapakasal niya daw?"-Takang tanong ni justine pagkatapos kong magkwento niyakap naman akong pareho nina yasmine at shane
"Wala, wala man siyang nabanggit tungkol diyan nagugulat nga rin ako sa mga kinukwento ni Clare eh."-sagot ni gab na kunot na kunot ang noo
"Anong kayang nangyari sa isang yun? Hayaan niyo kakausapin namin siya mamaya sa ngayon pumasok na tayo baka malate pa tayo."-Sabi ni justine
"Tara na Clare."-Sabi ni Shane at inalalayan akong tumayo
********
Pagkarating sa room ay agad rin akong umupo sa upuan ko na katabi ng kay kyle at maya-maya lang ay dumating na si kyle kasama yung erika kasunod yung prof namin
Umupo si kyle sa tabi ko at naiwan naman yung erika sa harap, sinulyapan ko siya pero nasa labas ng bintana ang tingin niya
"Class may bago kayong kaklase ngayon, Ms. Lacson introduce your self."-Sabi ng prof namin
"Hi everyone! I'm erika lacson
And i'm kyle's Fiancée, Sana maging kaibigan ko kayong lahat."-Nakangiting sabi niya at nagsimula naman ang bulungan sa buong roomHa! Sinabi niya pa talaga sa lahat na fiancée niya si klye ha
Hindi naman siya proud nun ano?
"Fiancée daw siya ni prince kyle? Eh diba girlfriend niya si Clare?"
"Oo nga noh tsk! Tsk! Kawawa naman si Clare"
Kung naawa sila sakin wala akong pake at nasasaktan ako
Gusto ko na ngang umiyak pero pinipigilan ko at nangingibabaw ang galit tsaka inis ko"Saan naman kaya kita ipwe-pwesto?"-Sabi ng prof namin habang nililibot ang tingin
"Sir may i sit beside kyle?"-Nakangiting tanong ni erika sa prof namin
"Pero katabi niya na si Ms.Clare eh."-Prof
"Pleasssseee?"-pagmamakaawa ni erika habang nagpapacute
"Okay sige, ms.galang simula ngayon sa tabi ka na ni mr.dizon."-Sabi naman ng uto-utong prof namin wala naman akong nagawa kundi sumunod
Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad papunta sa tabi ni justine"Tsssk, kakainis tong babaeng to
Silaban ko kaya to? lahat nalang inaagaw sakin."-bulong ko ng maupo sa tabi ni justine"Siya ba yung tinutukoy mo na fiancée ni kyle?"-Bulong na tanong ni justine sakin
"Oo, sinabi niya na kanina diba? Sinabi niya pa talaga sa lahat pero masakit yun ah."-Sabi ko pero hindi na umimik si justine dahil sa huli kong sinabi, di niya siguro alam ang sasabihin
----------------------
A/N: sorry ngayon lang ako nakapag UD dapat kahapon kaso ayaw niyang mapublish
BINABASA MO ANG
MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]
RomanceChrisshane, Justine and their friends are already in college. They will now face a new set of challenges that will change their lives. MY ESCORT IS A CAMPUS PRINCE BOOK 2: PLAYFUL FEELINGS Genre: Romance Note: The original image of the book cover...