Chrisshane POV
Nagising ako na nakasimangot ang mukha tsaka ako pumasok sa banyo upang maligo
Pagkatapos kong magligo ay nagbihis na ko at pinatuyo ang buhok ko tsaka ko ito tinirintas at naglight make-up
'Ngayon lang naman ulit ako mag mamakae-up noh'
Matapos kong mag-ayos ay tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin
"Perfect! Ang ganda ganda mo Shane."-Sabi ko sa sarili ko sa salamin tsaka na ko nakangiting lumabas ng kwarto
Pero bago ko pa man masara ang pinto ng kwarto ko ay nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko muna ito sa bulsa ko at tinignan ang nagtext
From: Justine ko💖
Good morning baby 😊😊
Alam ko galit ka sakin sorry nah pero sorry rin kasi hindi kita masusundo ngayon may gagawin kasi ako ehSorry ha, Sige na i love you 😘
Basta pagdating mo nalang sa school punta ka sa fieldNapapikit ako ng mabasa ko ang text nya tsaka ko binalik ang phone ko sa bulsa ko tsaka inis na sinara ang pinto at nakasimangot na nagtungo sa dining room
Tsss....di na nga niya naalala na monthsary namin ngayon di pa niya ko susunduin!? Tssk! Kainis talaga! Kainis!
"Good morning Anak, oh? Bakit nakasimangot ka diyan? Ang ganda ganda mo pa naman."-sabi ni mommy pagdating ko dun pero nginusuan ko lang siya at umupo na sa tabi ni ate tsaka naglagay ng pagkain sa plate ko
"Uy, Shane kinakausap ka ni mommy."-sabi ni ate at siniko pa ko
"Wala po eto mom, wag niyo na po akong pansinin."-Malungkot na sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ko
"Ahhh Ate pwede palang ihatid mo ko ngayon sa School?"-Tanong ko sakanya nang pumasok sa isip ko na ayaw ko magdrive, Eh sa tinatamad ako at tsaka baka maaksidente pa ko dahil wala ako sa sarili
"Huh? Bakit naman hindi ka ba susunduin ni justine?"-Sabi niya at tumango naman ako
"Ahhh kaya pala ganyan ang mukha mo ha, tssk! tssk! Okay sige isasabay na kita."-Sabi niya at nginitian ko naman siya ng pilit
*********
Pagdating sa School agad akong pumasok sa gate at naglakad sa quadrangle na parang zombie dahil wala ako sa sarili
Mabagal......
Hinto-hinto.....
At nakasimangot ang mukha.....
Naangat ko ang tingin ko ng magsitakbuhan ang mga karamihan sa mga estudyante patungo sa field habang tumitili pa
Kaya naman kumunot ang noo ko at nacurious sa nangyayari
"Ahh miss....anong nangyayari?"-Tanong ko dun sa isa sa mga babaeng tatakbo rin sana kaso pinigilan ko sila
"Meron daw magpeperform sa May field! Isa sa mga Campus prince! Yieeee! Punta ka nalang dun para malaman mo!"-Sabi niya at tumakbo na sila
"Magpeperform? Sa field?"-Tanong ko sa sarili ko tsaka ko naalala na pinapapunta ako ni justine sa field
At nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad patungo sa field
Eh sa curious ako kung anong meron dun ehPero nung malapit na ako sa field may biglang lumapit na lalaki sakin at huminto sa harapan ko at nagulat pa ko ng may inaabot siyang bulaklak
Tinignan ko naman yung lalaki at napakunot pa ang noo ko
'Bakit naman ako bibigyan ng bulaklak ng isang gwapong lalaking tulad niya na hindi ko naman kilala?'
"Ahh para sakin ba yan?"-Tanong ko at nakangiting tumango naman siya
"S-salamat."-Naguguluhang sabi ko at kinuha ang bulaklak ngumiti pa muna siya sakin bago umalis tinignan ko naman yung bulaklak
naagaw ng atensyon ko ang maliit na piraso ng papael na nakatali dun, kinuha ko naman yun at tinignan
"Love is everything and you're my everything."
Yan ang nakasulat dun sa papel na nagpakunot ng noo ko
Pero hindi ko na yun pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ko patungo sa field pero mas nagtaka ako ng may nagbigay na naman ng rose na may maliit na papel na may nakasulat pero hindi ko na binasa yun hanggang sa nagsunod-sunod na at pagdating ko sa field di ko na alam kong ilan ang hawak kong bulaklak sa dami neto di ko na nga mahawak-hawakan eh
Pagdating ko dun maingay ang paligid at nagkukumpulan ang mga estudyante at nang maramdaman yata nila ang presensya ko ay lahat sila napalingon sakin at binigyan ako ng daan patungo sa gitna ng field
Nagulat ako ng makita yung nasa gitna ng field may mini-stage dun at may malaking banner na nakasulat ay......
"HAPPY MONTHSARY BABY KO!!! LOVE IS EVERYTHING AND YOU'RE MY EVERTHING MIA CHRISSHANE TORRES!!!
I LOVE YOU!!! TO INFINITY AND BEYOND!!!!"Yan lang naman ang nakasulat sa pagkalaki-laking banner na nasa stage na kinagulat ko
Nabalik lang ako sa katinuan ng may marinig akong kanta
At yung intro ng kantang yun ay familiar sakinMay lumabas na mga lalaki mula sa likod ng stage at tsaka sila sumayaw dahilan para magtilian ang mga babae pwera sakin na gulong-gulo
Napatulala nalang ako sa stage ng marinig ko ang familiar na boses na yun at lumitaw rin si justine dun sa stage at saglit na huminto yung music at yung mga sumasayaw
"Baby para sayo to, Sana wag kanang magalit sakin hindi ko naman talaga nakalimutan na monthsary natin ngayon eh sa katunayan ang sinasabi kong presentation ay eto para sayo lahat to, Sorry na baby. Mahal na mahal kita Mia chrisshane torres I LOVE YOU! HAPPY MONTHSARY!!"-Sabi niya sa Mic na nakapagpa-nganga sakin tsaka ulit tumugtog yung music at nakisabay siya sa mga sumasayaw habang ang paningin niya ay nasa akin lang at nakangiti pa
I didn't expect na gagawin niya to
Sakanya pala galing ang lahat ng roses nato i'm happy na hindi niya talaga nakalimutan ang monthsary namin at sa surprise and efforts niya
Nang magsink-in lahat sakin ang nangyayari ay napangiti agad ako at napayakap sa mga roses na hawak ko habang nakatitig sakanya
------------------
Part 1 palang yan 😉😉Yan po nag-UD na ko di ko na siya buburahin promise
May nagbabasa pa naman pala kasi eh hehehe
BINABASA MO ANG
MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]
RomantikChrisshane, Justine and their friends are already in college. They will now face a new set of challenges that will change their lives. MY ESCORT IS A CAMPUS PRINCE BOOK 2: PLAYFUL FEELINGS Genre: Romance Note: The original image of the book cover...