Chapter 23: Wayne

315 5 0
                                    

Chrisshane POV

Agad akong bumalik sa bahay pagkaalis ng kotse ni Justine. Pagdating ko naman dun wala si ate. Kaya chineck ko nalang ang mga dadalhin ko bukas baka kasi may makalimutan ako.

Ayaw ko na kasing magdrama pa at umiyak dahil makakasama lang sa anak ko iyon kaya ang ginawa ko ay bumaba nalang ako sa kusina para humanap ng pagkain. Nagugutom kasi ako. May gusto akong kainin pero hindi ko alam kung ano.

May ganun ba?

Binuksan ko iyong ref at naghanap ng makakain. Nakita kong may fresh strawberries kaya kinuha ko ito at sinarado ang ref.

Kinuha ko din iyong peanut butter sa may cabinet at tsaka naupo sa may dining table.

Sinawsaw ko sa peanut butter iyong strawberry at kinain.

Yummy! Ang sarap!

Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkain ng biglang may nagdoorbell. Unfortunately mag-isa lang ako ngayon kaya nakasimangot akong tumayo para pagbuksan kung sino man iyong istorbo.

"Hi, Good evening Mia!" Bati sakin ng familiar na lalaki pagbukas ko ng pintuan. Kumunot ang noo ko. "Hindi mo na ako naalala? Ako yung muntik ng makabangga sayo tsaka chil-----"

"Ahh Oo! Ikaw yung Wayne na kausap ni mommy diba?" Putol ko sa sasabihin niya pa. Tumango naman siya. "Halika dito pasok ka. Ang kaso lang wala pa sina mommy. May inaasikaso pa kasi sila eh."

"Okay lang. Ikaw naman yung ipinunta ko dito eh." Aniya. Pinasunod ko siya sakin sa dining room at pinaupo. Napatingin siya sa kinakain ko. "Ano 'to? Strawberry tsaka peanuts? Grabe talaga yung cravings ng mga buntis noh?"

"Ahh Oo nga eh." Sagot ko naman at napatingin dalawang box at mga plastic na inilapag niya sa dining table.

Pizza!

"Heto, Mia para sayo. Pizza yan tsaka mga fruits." Nakangiting sabi niya tsaka binuksan yung isang box ng pizza.

"Thanks. Pero pansin ko lang kanina mo pa ako tinatawag na Mia ah? Sinabi ba ni mommy sayo ang full name ko?" Takang tanong ko. Tumawa naman ito kaya napatitig ako sakanya. Actually. Sobrang gwapo niya eh. Maputi din siya. Makinis ang balat. Matangos ang ilong. Medyo mahaba ang pilikmata at may mapupulang labi.

"Hindi mo na talaga ako naalala noh? Sabagay it's been 7 years." Ginulo nito ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang ulit ito. "Magpapakilala nalang ako sayo. I'm Wayne Raiver Canlas. It's nice to meet you again Miss Mia Chrisshane Torres."

Napaisip naman ako bigla. Wayne Raiver Canlas? Sounds familiar. Napatitig ako sakanya. At maya-maya lang ay nanlaki ang mga mata ko. "Ahh! Ikaw si Ilog?!"

"Yep! Naalala mo din Hahaha!" Anito. Bakit ko nga ba nakalimutan si Ilog? Natawa nalang din ako sakanya. Ang laki kasi ng ipinagbago niya eh. Mas lalo siyang gumwapo. By the way. Siya si Wayne Raiver pero ang tawag ko sakanya ay ilog. Kababata ko siya at kinakapatid. Ninang niya kasi si mommy. Nagkahiwalay lang kami ng maghigh-school. Pumunta na kasi sila ng Canada at doon siya nag-aral. "So, Hindi na kita kakamustahin dahil alam ko naman ang situation mo. Sorry nga pala dahil muntik ko na kayong mabangga."

Umiling ako sakanya. "Ano ka ba? Okay lang yun noh. Hindi mo naman sinasadya tsaka ako na man etong basta nalang sumusulpot at hindi tumitingin sa dinadaanan."

"Pupunta na kayo ng France bukas diba?" Pag-iiba niya ng topic. Kumuha siya ng isang slice ng pizza at kumagat doon pagkatapos ay ngumiti siya sakin.

"Ah, yes. Doon ko na pagpapatuloy yung pagbubuntis ko." Sagot ko habang nakatingin sa pizza na ginagatan niya na. Para kasing natatakam ako doon eh. Binitawan ko yung sakin at nagpacute sakanya.

"Why?" Kunot noo niyang tanong.

"I want your pizza, please?"

"Huh? Pero nakagatan ko na 'to. Ayan yung sayo oh." Takang sabi niya.

Nagpout ako. "Pero gusto ko talaga yung sayo eh."

Napailing nalang siya habang binibigay sakin yung pizza na hawak niya. "Tsk. Tsk. Iba talaga kapag buntis. Oh eto na. Baka umiyak ka pa diyan lagot ako kay tita."

"Yey! Thank you." Nakangiting sabi ko at kumagat sa pizza niya.

Sabay kaming napatingin ng bumukas ang pintuan sa main door. Makikita mo kasi mula dito sa dining room eh.

"Oh! Wayne! May bisita pala tayo eh." Agad na lumapit si mommy kay Wayne at hinalikan ito sa pisngi.

"Good evening, Tita Ninang." Nakangiting bati ni Wayne kay mommy.

"Good evening too hijo. Napadaan ka yata?" Umupo si mommy sa tabi ni Wayne.

"Ah opo, Tita Ninang. Binisita ko po kasi si mommy sa bago niyang boutique eh. Bigla ko pong naisip si Shane nung pauwi na ko para kamustahin siya." Kwento niya kay mommy. Ako naman ay pinagpatuloy ang pagkain ng pizza.

Tumango si mommy sakanya. "You know what hijo, you should visit us sometimes in France kapag nakatira na kami dun para naman malibang si Shane."

"Sure, Tita Ninang." Sagot ni Wayne kay mommy pagkatapos ay napatingin sakin. He smiled at me. I smiled back.

***

Justine POV

Pagka-uwi ko sa bahay ay dumaretso agad ako sa kwarto ko at binalibag ang bag ko sa couch tsaka pabagsak na naupo sa gilid ng kama.

Inis akong napahilamos ng sariling mukha.

"Fck it! Ano bang ginawa ko?! Bakit ang gago gago ko?! Arrrgggghhhhh!" Galit na sigaw ko.

I miss Shane so much. Ilang araw na din siyang hindi pumapasok. Pati sina Yasmine ay galit din sakin dahil sa nagawa ko.

It's been a week since we talked. Nung hiniling niya sakin na pakawalan ko na siya. I did. Sabi niya kasi magiging siya eh. Kaya pinakawalan ko kahit sobrang sakit para sakin.

I didn't even know what actually happened in Baguio. Hindi ko talaga alam dahil lasing na lasing ako nun. Hindi ko nga matandaan kung paano ako nalasing ng ganun eh. Ang alam ko lang may binigay na isang baso ng alak sakin ang waiter tapos ininom ko iyon. And the rest hindi ko na talaga maalala.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan iyon. Bumungad agad sakin ang nakangiting mukha ni Shane.

May pumatak na luha galing sa mata ko at nagsunod-sunod na iyon.

Ano bang nagawa ko?! Bakit nangyayari 'to sakin?!

Napatingin ulit ako sa screen ng cellphone ko.

I really miss you so much baby ko. I hope you're happy right now. Tutuparin ko yung mga hiling mo. Para sayo pananagutan ko na si Sheena kahit labag sa kalooban ko.

As long as you're happy. Okay na ko.

*************
A/N: Lame👎😂 Hehehehe. Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Pero it supposed to be nung October 31 pa ako nag-update ang kaso lang nilooban po yung bahay namin. I didn't know how it happens but nagising nalang sa sigaw ni Lola ko. Nung puntahan ko siya umiiyak siya. I asked what happened. Then she said na nalooban nga daw kami. Bigla akong kinabahan at binalikan yung kwarto ko and checked my phone kung nandun pa sa study table ko pero napaiyak nalang din ako ng makitang wala yung phone ko. Wala din yung phone ng kapatid ko at ni Lola ko tapos nakabukas lahat ng cabinets and closet namin. Muntik na din makuha yung TV namin pero salamat nalang dahil hindi nakuha. Naalis na kasi yung pagkakabit ng cable dun sa TV eh. Nakuha din yung ibang pera ni Lola ko at yung necklace niya. Ngayon palang kami nakabili ng phone kaya ngayon palang ako nakapag-update. Hehehehe Share ko lang naman😂

Kaya po kayo mag-ingat po kayo double lock your doors. Yung samin po kasi umalis ng 3am yung daddy ko at naiwang nakabukas yung door at gate namin kaya po siguro nakapasok yung magnanakaw. Share ko lang ulit😅😂 Osya na po byebye👋Muah😘

MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon