Chapter 16: Phone Call

595 14 3
                                    

Chrisshane POV

Hassle na naman dahil Monday na naman. Napatungo ako sa mesa namin dito sa canteen total wala pa namang pagkain eh nag-order palang yung dalawang boys. Hindi talaga ako sanay. Dati kasama pa namin si kyle, ngayon nasa ibang table na siya kasama yung fiancée niya. Medyo malapit lang naman yung table nila samin kaya nakikita namin sila.

"Arggh! Nakakasakit ng ulo." Napatingin ako Kay Clare at naisip si tita. "By the way Clare, kamusta na si tita?"

"Ayun okay na siya, dahil lang daw sa pagod at stress."

"Ahhh ok, buti naman." Nakangiting sabi ko. Biglang nagring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at tinignan ang tumawag. Napakunot ang noo ko ng makitang unregistered number ito.

Sinenyasan ko sina yasmine at Clare na sasagutin ko lang yung tawag at lumabas na ng Canteen.

"Hello?" Sabi ko ng masagot ang tawag pero wala mang nagsasalita sa kabilang linya tanging ihip lang ng hangin ang naririnig ko na para bang nasa malamig itong lugar.

"Hello? Sino to? Magsalita ka naman." Bigla itong tumawa. At yung tawa niyang yun nakakatakot parang tawa ng isang demonyo kaya biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko.

"Alam mo ba ang ginagawa ng boyfriend mo?" Napakunot ang noo. Hindi ko siya mabosesan dahil yung boses niya malaki at buo. Para siyang gumamit ng voice changer. "Sigurado ka bang mahal ka niya at totoo lahat ng pinapakita niya?"

"Anong ibig mong sabihin?! Sino ba to ha?! Bakit ka tumawag?! Hello! He--- wag mo kong babaan!" Inis kong tinanggal ang cellphone ko sa tapat ng tenga ko at tinignan ang screen. Ano bang sinasabi ng taong yun?! Nakakainis! Sinubukan ko ulit tawagan yung number pero cannot be reached na ito.

Inayos ko ang sarili ko at pumasok na ulit sa loob ng Canteen. Nakangiti akong umupo ulit sa pwesto ko kahit na kinabahan ako dun sa sinabi nung Caller. Nandito narin pala sina Justine at gab.

"Oh, sino yung tumawag?" Tanong ni Yasmine. Bigla akong kinabahan at naalala ko na naman yung sinabi nun.
Bakit ganun yung sinabi niya? Alam ko nga ba ang ginagawa ng boyfriend ko? Mahal niya nga ba talaga ako? Napatingin tuloy ako kay Justine at napatitig sakanya habang naglalagay siya ng pagkain sa Plato ko.

Last 2 weeks nang pumunta kami ng mall nung nag-away si yasmine at gab, at nung nakabungguan namin sina kyle at yung fiancée niya. At nung sinugod din sa hospital yung mommy ni Clare wala nun si Justine dito nasa Baguio sila kasama niya si ate fhey. May inattendant silang kasal. Sila ang umattend dahil may out of town sina Tito at Tita.

Dun din yung araw na wala siyang text o tawag ni isa sakin mula umaga hanggang gabi yun. Kaya nag-alala talaga ako pero kinabukasan tumawag rin naman siya nung pauwi na sila.

Napakurap ako at nabalik sa huwisyo ng may kamay na kumakaway sa harapan ng mukha ko. Napatingin tuloy ako Kay Justine na nakakunot ang noo at nag-aalala.

"Okay ka lang shane? Kanina ka pa namin tinatanong at tinatawag pero nakatulala ka lang kay justine. Ano bang nangyari ha? At sino yung tumawag? Magmula ng bumalik ka dito katapos mong sagutin yung tawag wala ka na sa sarili mo." Kunot noong sabi ni yasmine. Napapikit at bumuntong hininga. Pagkatapos ay ngumiti ako sakanila.

"Wala yun, wag niyo na kong isipin. May iniisip lang ako. Kumain na tayo bago pa lumamig yung pagkain." Kita ko namang nag-aalala pa rin sila pero kumain narin naman sila.

Hindi ako kinibo ni Justine hanggang matapos kaming kumain at nang makalabas kaming canteen ay nakayuko akong naglakad habang iniisip parin yung sinabi nung tumawag. Tama siya eh. Ang weird lang rin kasi ni Justine nitong nakaraan eh kaya hindi kami masyadong nagkikibuan ngayon.

Hinahayaan ko lang siya at hindi pinapansin yung mga kilos niya kahit na medyo nasasaktan na ko. Ngayon ko lang naisip ang lahat ng yun. May minsan pa kasing pinagtabuyan niya ko pero hinayaan ko nalang. May minsan rin na niyaya ko siyang lumabas pero lagi niyang sinasabing busy siya. Kahapon lang pinagtaasan niya ko ng boses pero lahat ng iyon hinayaan ko lang. Madalas ko pa siyang makitang may kausap sa phone.

Ngayon ko lang napagisip-isip. Nasasaktan na ko pero bakit hinahayaan ko lang? Mahal niya pa ba nga ako? Kasi magmula ng umuwi siya galing Baguio nag-iba yung ikinikilos niya eh.

Biglang tumulo yung mga luha ko habang inaalala yung mga nangyari nitong nakaraan. Yung itchura niya na parang naiirita sakin. Yung pinagtabuyan niya ko. Yung tinatanggihan niya ko. Yung pinagtaasan niya ko ng boses. Hindi ganun si Justine eh. Kita mo ngayon hindi niya ko sinasabayan sa paglalakad nasa likod ko lang siya. Nauuna kasi samin yung tatlo eh.

"Shane--teka umiiyak ka?" Hindi ko napansin huminto pala sina yasmine,Clare at gab. At ngayon nakita ni Clare na umiiyak ako. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko at ngumiti sakanila.

"H-hindi, hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako h-hahaha tama napuwing lang ako." Sabay tawa ko nang peke pero traydor ang mga luha ko dahil bigla na naman silang nag-unahan sa pagtulo.

"Shane? Ano bang talagang nangyari?" Lumapit sina Clare at yasmine sakin at niyakap ako. "Si Justine ba?"

Napatingin agad ako kay justine pagkakalas ng yakap nila Clare at yasmine. Kagat-kagat niya yung labi niya at bigla siyang lumapit sakin tsaka ako hinawakan sa braso. Kinaladkad niya ko pero hindi na ko nagpumiglas. Dinala niya ko sa likod ng school at sinandal sa pader. Nakatayo lang siya sa harapan ko.

"Ano bang problema mo?! Bakit ka umiiyak?!" Lalo lang akong humagulgol ng pagtaasan niya na naman ako ng boses. Umiling-iling ako.

"Mahal mo pa ba ko?" Wala sa sariling sabi ko at nag-angat ng tingin sakanya. Tinitignan ko siya sa mata at kita ko yung galit niya. Ano bang ikinagagalit niya?

"Ano bang klaseng tanong yan?!"

"Oo at hindi lang naman ang sagot justine! Kasi nasasaktan na ko. Nitong mga nakaraan hindi ko na maramdaman ang pagmamahal mo eh. Kaya please lang kung hindi mo na talaga ako mahal makipag-break ka nalang sakin. Sobrang sakit na kasi eh. At ayaw ko namang magpakatanga pa. Hinayaan kita pero ngayon ko lang narealized lahat. Tatatanong ulit kita. Mahal mo pa ba ko?" Tuluyan ng pumiyok ang boses ko. At kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy parin ang pag-agos sa pisngi ko nakita kong lumambot ang ekspresyon ni Justine at niyakap ako.

"Syempre mahal kita. Mahal na mahal. Sorry, sorry sa lahat dahil ikaw ang napagbuntungan ko nang galit ko. Patawarin mo sana ako Shane. Sorry sa mga nagawa ko. Sorry baby ko, hindi na mauulit. Sorry rin sa kagaguhan ko." Malambing niyang sabi, ramdam kong sincere siya.
Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil sobrang hina nito pero ganun pa man okay na sakin yung nagsorry siya. Ganyan ako eh madaling magpatawad lalo na sa mga mahal ko pero it's depends parin sa mga kasalanang nagawa nila.

Pero may gusto pa kong marinig mula sakanya. Gusto Kong marinig yung 3 words eh. Lalong humigpit yung pagkakayakap niya sakin.

"May gusto pa kong marinig." Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang mga luha ko. Inayos niya rin ang buhok ko na tumatakip na sa mukha ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako. Mula sa mata ko unti-unting bumaba ang tingin niya at huminto iyon sa labi ko.

"Sorry baby ko, I Love you so much more than the stars."  Napapikit ako ng lumapat ang labi niya sa labi ko. It was a passionate kiss. Masyado siyang maingat sa paghalik sakin na para bang isang mamahaling bagay ang labi ko at ramdam ko ang pagmamahal niya sa halik niya.

He pulled his self nang malapit na kaming mawalan ng hininga. Ipinatong niya ang noo niya sa noo ko. He smile at me, so I do the same.

"I Love you too." I said, and he kissed me again.

MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon