BOOKTWO: CHAPTER ONE

4K 83 24
                                    

Chapter One

START FLASHBACK


Patrick’s POV

Ilang months na din akong nanliligaw kay Ella.

Ngayon ko na ba itatanong sakanya?

Kaso, nasa class pa kami eh. Discussion pa naman tas after daw nito may quiz.

Kaya bawal kami magingay. Strict din kasi si Mr. Cruz lalo na pag naglelesson na siya.

Huminga ako ng malalim. Inhale, exhale.

Kaya mo yan, Patrick!! Mataas naman confidence level mo diba? Naks. Yabang ko talaga. Pero sana talaga sagutin niya ako!!

Kaya ayun, kinalabit ko siya.

Tumingin siya sakin na para bang nagtataka kung bakit ko siya kinalabit.

Ang ginawa ko, tinaas ko ung kamay ko na naka-fist tas linagay ko sa table.

Isa isa kong binuksan na para bang nagbibilang ng one-two-three-four-five.

Sa isang daliri nakalagay – WILL

Sa pangalawa – YOU

Sa pangatlo – BE

Sa pang-apat – MY

At syempre sa panglima – GIRLFRIEND (na may kasamang heart at smile face)

WILL. YOU. BE. MY. GIRLFRIEND.

Yan yung tinanong ko sakanya.

Nagulat siya. As in yung gulat na gulat talaga ha. Tas tinignan niya ako at ngumiti.

Pagkangiti niya, tumingin lang ulit siya sa harap.

Ay, no reaction?!

Nalungkot ako. :( Kaya medyo yumuko ako sakanya.

Kaso, bigla naman niya ako kinalabit.

Linagay din niya yung kamay niya sa table tas pagkabukas niya, nakalagay sa palad niya yung matagal ko ng hinihintay na sagot:

YES! (with matching heart pa)

Yes! Yes daw! Tama ba yung nakikita ko? As in YES! Woooohhhhhooooo!!!!

Tinignan ko siya, tinignan niya ako. Nagkatinginan kami. Tas bigla kaming natawa ng sobrang hina. As in yung kami lang nakakaintindi kung bakit kami tumatawa.

Twist of Fate: Book Two (Dedicated to Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon