BOOKTWO: EPILOGUE

2.3K 33 5
                                    

Epilogue

 

Graduation Day

 

Ella’s POV

Ang daming nangyari ngayong fourth year! Thesis, elective, project, OJT. Ughhh. Pero napagdaanan naming lahat yun! Lahat worth it dahil ngayon, gagraduate na kami. :) Ang masaya pa dun, kasama kong grumaduate sila Patrick, Tammy, Enrique and Tikoy. :)

“Tammy! Omg! Graduation day na!”

 

“Kaya nga eh! HAHAH! Kailangan tumataas boses natin pag graduation?”

 

“HAHAHAH!” sabay kaming natawa.

“Hi babe..” may biglang yumakap sa likod ko. Si Patrick pala.

“Hi babe. Kamusta?”

 

“Okay naman. Ready na ba kayo?”

 

“Syempre!”

Halos 2 hours din ung graduation ceremony. Isa-isa kaming tinawag sa stage para ibigay yung diploma. Pagkatapos nun, sabay sabay kaming nag-celebrate! Kumain kami with our families pero magkakasama kami. Imagine niyo na lang!

Pagkatapos ng late lunch with family, umuwi kami sa mga bahay bahay namin para magpalit. Syempre, may after party din yun! Hindi pwedeng wala. Dibaaaaaaaaaa =))))

Sinundo kami ni Patrick tas kinita na lang namin sila Enrique at Tikoy sa Perfect Spot.

Pagdating namin dun, nagiinuman na sila. Kami din, naki-inom na!

HAPPY GRADUATION TO US!

Sa kalagitnaan ng pag-inom namin, biglang tumayo si Patrick.

“TEKA! TEKA!”

Lahat ng tao napatingin sakanya. Lasing na ba tong boyfriend ko? Parang di naman! HAHAHA  Baliw lang ata.

“MAY GUSTO AKONG SABIHIN. UNA SA LAHAT, HAPPY GRADUATION SA ATING LIMA! SA WAKAS! NATAPOS NATIN A NG APAT NA TAONG PAGHIHIRAP. PANGALAWA, GUSTO KONG SABIHIN NA MAHAL NA MAHAL KO ANG GIRLFRIEND KO. ELLA, MAHAL NA MAHAL KITA!”

Napatigil si Patrick. Binaba niya ung hawak niyang baso. Pumunta sa harapan ko at lumuhod.

“NAALALA MO NUNG NASA TAGAYTAY TAYO? SABI KO SAYO PAPAKASALAN KITA DIBA?”

Napangiti ako. Fuck! Magppropose ba tong si Patrick? <33333333333 Shit! Kinakabahan ako!

“ELLA, BABE, MAHAL KO, ANG TAGAL KONG HININTAY NA BUMALIK KA SAKIN. ANG DAMI NATING PINAGDAANAN PERO HINDI TAYO BUMIGAY. LUMABAN TAYONG DALAWA. HINDI AKO LASING AH. TOTOO TONG SINASABI KO.”

Ung mga nakikinig sakanya, nagtawanan. Pati ako natawa. Baliw! Shit. Kinakabahan pa din ako.

“ELLA, KAHIT HINDI PA BUKAS BASTA MALAMAN KO LANG NA AKIN KA NA TALAGA.. ELLA.. BABE.. WILL YOU MARRY ME?

May linabas  siya sa pocket niya na maliit na jewelry box. Fuck! Eto na! Shit! Ung puso ko.

Pagbukas niya, singsing nga! Simple lang pero…….. SHIT! <3 Patrickkkkkkk :””””””””>

Hindi ko na naiwasang umiyak. “OO!”

“Ano ulit? OO?”

 

“OO nga!”

Tumayo na siya tas yinakap ako ng bonggang bongga. Ung mga tao sa paligid, nag-congratulate samin!

“WAITER! BIGYAN MO LAHAT NG TABLE NG SAN MIG! TREAT KO KAHIT DI KO SILA KILALA!” sigaw ni Patrick.

“Ella, mahal na mahal kita. Maghihintay ako sa araw na papaksalan mo na ako sa harap ng simbahan. Aalagaan kita, Ella.”

“Patrick, mahal na mahal din kita. Hinding hindi kita iiwan.”

Yinakap niya ako tas hinalikan sa labi ko. 

Kasal agad? Yan siguro naiisip niyo. Pero kasi, mahal ko si Patrick eh. High school pa lang kami, mahal ko na siya. Siguro kung hindi ako ung hinila niya nun, hindi kami magkakakilala. Kung hindi niya ako iniwan, hindi ko malalaman na sobrang mahal ko siya. Kung hindi kami nagkabalikan, hindi ko malalaman na siya na ang lalaking gusto kong makasama habang buhay.

Wag kayong matakot magmahal at lalong lalo na wag kayong matakot masaktan. Lahat ng tao dumadaan dyan. Lahat ng tao may karapat-dapat na soulmate nila. Wag kayong mapapagod maghintay. Dadating din ang taong para sa inyo.

Ako nga pala si Ella.. at ito ang kwento namin ni Patrick.. ang lalaking nagpasaya, nagpaiyak at lalong lalo na.. nagmahal sa akin. :”>

THE END

Twist of Fate: Book Two (Dedicated to Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon