Chapter Nine
Enrique’s POV
Kanina ko lang nalaman na magkasama si Patrick at Ella.
BV naman!
Ang sarap magmura eh!
Bakit ba lagi na lang si Patrick!
Simula ng dumating siya dito!
Akala ba ni Ella hindi ko kayang gawin mga ginagawa niya sakin!
Pwes, humanda siya!
Gaganti ako!
Lagi na lang ako nasasaktan sa mga ginagawa niya!
Ngayon, ako naman.
Ako naman ang mananakit!
Sisiguraduhin kong hahabulin niya ako!
Bwiset ka Patrick!
Wag ka lang magpapakita sakin, kundi masasapak talaga kita!
Fvck!
Leche!
Ayoko na!
Ella’s POV
Kanina ko pa tintry tawagan si Enrique.
Sabi niya kasi tawagan ko daw siya pag nakarating na kami dito sa venue.
Kaso, ayun.
Di naman siya sumasagot.
“Ella!” sigaw ni Patrick.
Syempre, lumingon ako. Lumayo kasi ako sakanila eh para makausap si Enrique.
“Bakit?”
“Kain na daw. Tara!”
“Sige, sunod ako.”
Tas ayun, umalis na si Patrick.
For one last try, tinawagan ko ulit.
As usual, hindi na naman niya sinagot.
Kaya nagdecide ako na mamaya na lang ulit tumawag sakanya.