Chapter Twelve
Patrick’s POV
Siguro, masasabi kong blessing in disguise ung nangyaring aksidente samin.
Kasi kung hindi ung nangyari, siguro sa ngayon hindi ko malalaman na mahal pa din ako ni Ella.
Kakauwi lang namin from the hospital.
Namiss ko tong bahay namin.
3 days din kaming andun dahil kailangan smooth daw ung recovery namin.
Thank God okay lang kami ni Ella.
Un lang, wala na akong motor.
Di na din daw ako bibilhan ng bago.
Pero dahil mahal ako ng tatay ko, BAKA daw bilhan na lang niya ko ng kotse.
BAKA pa lang daw, di pa sure un.
Nag-aayos ako ng mga damit ko nang biglang nag-ring cellphone ko.
*ELLA CALLING
Patrick: Napatawag ka Ella?
Ella: Uhmm..
Patrick: Ano un?
Ella: May gusto lang sana akong ipagpaalam sayo.
Patrick: Ano un?
Ella: Promise mo muna di ka magagalit at maiintindihan mo ko.
Patrick: Ano nga muna un?
Ella: Promise muna.
Patrick: PROMISE.
Ella: Kakausapin ko si Enrique bukas.
Patrick: Bakit pa?
Ella: Patrick naman eh. Syempre..
Patrick: Ano?
Ella: Nag-promise ka. Mabilis lang naman un eh.