Chapter Thirteen
Enrique’s POV
Nasa park ako ngayon. Gusto daw kasi akong makausap ni Ella. Kung ano man mangyayari ngayon, tatanggapin ko na lang.
These past few days kasi, may babae akong laging tinatakbuhan lalo na pag malungkot ako. Uhm.. at yun ay si Tammy. Hindi ko sure pero tingin ko, unti-unti ko na siyang nagugustuhan.
Kaya din siguro tanggap ko ng si Ella talaga ay para kay Patrick. Timing naman diba? Na bigla kong nagging close si Tammy. Siguro ito talaga ung tadhana naming apat.
Kung ano-ano ng iniisip ko. Ang tagal kasi ni Ella eh. Speaking of Ella, ayan na pala siya.
Kasama niya si Patrick. Oooooh. Mukhang sila na nga ulit. :(
“Hi E!” bati niya sakin.
“Hi Ella.”
“Babe, dun lang ako ah.” Sabi ni Patrick tas naglakad na palayo samin. Hindi niya naman ako tinignan. Bitter pa din siguro. HAHAHA.
Nung nakalayo na si Patrick, tumabi sakin si Ella.
“Ella, okay ka na ba? Nabalitaan ko ung aksidente. Sorry.. Hindi siguro mangyayari yun kung nasundo kita.”
“Okay lang naman yun eh. Atleast okay na kami diba? Uhm.. Sorry din.”
“Bakit ka nagsosorry?”
“Kasi.. uhm.. ung kay Patrick.”
“Simula pa lang, nahalata ko na naman eh. Naramdaman ko nang magugustuhan mo ulit siya. Hindi naman un nawala diba? Siya pa din talaga?”
“Sorry. Hindi ko sinasadya. Pero, nagustuhan talaga kita. Hindi ko lang ineexpect na makita ulit si Patrick pagkatapos ng nangyari samin dati. Sorry talaga.”
“Okay lang. Tapos naman na eh.”
“Hindi ka galit sakin?”
“Hindi ko kayang magalit sayo. Alam mo yan. Si Tammy pala?”
“Nasa bahay lang, bakit?”
“Hmm.. wala lang. Sige, una na ko. Baka naiinip na si Patrick eh. Salamat at sorry sa lahat.”