BOOKTWO: CHAPTER SEVEN

3.1K 39 11
                                    

Chapter Seven

 

Enrique’s POV

Habang naghihintay kay Ella, text pa din ako ng text sakanya.

Bigla namang dumating si Tammy at sinabing parating na daw siya.

Hinahanap din daw ako ni Ella.

Syempre, natuwa ako.

After 30 minutes, may motor na huminto sa tapat ng bahay nila.

Ang naisip ko kaagad, si Ella na yun. Baka nag-commute lang siya.

Paglabas ko, iba yung nakita ko.

Oo nga may motor, pero ung lalaking nagdrive ng motor.. si Patrick pala.

Bakit kaya sila magkasama?

“Ella, ikaw na ba yan?” tanong ko.

“Oo, Enrique. Ako na’to..” sagot ni Ella.

Dali-dali ko naman hinawakan ung kamay ni Ella.

Ewan ko ba. Bigla na lang eh! Bigla na lang gusto kong pagselosin si Patrick.

Mukhang umeffect naman kasi biglang umalis na siya.

Pag-alis ni Patrick, naging cold ako kay Ella.

Hindi ko maintindihan nararamdaman ko eh.

“Uhm, Ella.. Una na din ako ha.”

 

“Wait, bakit?”

“Eh kasi may naalala akong gagawin ko bigla.”

 

“Enrique naman eh. Anong problema?”

“Wala.”

Tas biglang lumapit si Ella.

Hinawakan niya ung pisngi ko ng dalawang kamay niya.

“Ano ngang problema, E?” malumanay na sabi ni Ella.

“……” hindi ako sumagot.

“Si Patrick ba?”

 

“……” hindi ulit ako nakasagot. Ayoko mang aminin pero lahat ito ay dahil kay Patrick.

Twist of Fate: Book Two (Dedicated to Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon