BOOKTWO: CHAPTER EIGHT

2.6K 38 5
                                    

Chapter Eight

Patrick’s POV

Ngayon ung education field trip ng educ department.

Lahat ng educ students pumili ng representative per section.

Hindi ko inaasahan na ako ung pipiliin ng prof ko since bago pa lang ako.

Natuwa naman ako kasi maganda pala ang records ko sakanya.

Mas lalo akong natuwa nang nalaman kong napili ding representative si Ella.

Bago kami sumakay sa bus, nag-orientation muna.

Pumili ng partners, one girl and one boy para fair.

Mga pre-school kasi tuturuan namin eh, kaya kailangan talaga magtulungan.

Hulaan niyo kung sino partner ko?

Syempre, si Ella.

Partners kami kasi pinilit ko ung prof ko.

Buti na lang pumayag.

Inintriga pa nga ako eh.

Ba’t daw gusto kong partner si Ella.

Sabi ko naman, kasi siya lang ung close ko sa campus. Kaya ayun.

Actually, wala pa nga si Ella eh.

Tinext ko na siya pero wala naming reply.

Bakit kaya siya na-late?

Habang nakikinig ako sa nagoorient samin, may biglang nagtext sa phone ko.

OPENING NEW MESSAGE

To: Patrick

Patrick!! Favor naman oh. Late kasi ako ngsng. Pwd bng pasundo? Sorry talaga. Baka kasi di ako umabot eh. Textbk please.  ASAP!! :(

From: Ella

END MESSAGE

Pagkabasa ko kaagad ng text ni Ella, tumakbo na ako palabas.

Nung palabas na ako, bigla naming may nabunggo ako.

“Oops, sorry..”

Tas ayun, tumakbo na ulit ako papunta sa parking lot.

Twist of Fate: Book Two (Dedicated to Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon