Pahina II

813 18 5
                                    

Start:





Cassandra Kylene~





"Asan ang nanay mo, Esay?" tanong ko ng mapansing wala rito ang nanay ni Esay. Sa pagkaka-alam ko kasi ay silang dalawa na lang ang nakatira dito at yung step father ni Esay.




Sa probinsya kasi ay nakikitira siya sa lola niyang si lola Elena.





"Wala, mabuti nga yun eh! Baka sa oras na umuwi rito yun at inatake ng kabaliwan eh paalisin a rito!" prankahang sabi nito na siyag nagpakaba naman sa harthart ko!





"Bwesit ka, Esay! Saan naman ako pupulutin kung sakali?!" kabadong sambit ko.





"Gaga! Edi dun sa sinasabi ni Tita Andeng sayo bago tayo umalis!" irap pa nito





Ay, tignan mo 'to!





"Doon kana sa kwarto ko. Ipasok mo na yang bag mo ng maka-punta na tayo ng university!" nagmamadaling ani nito kaya binilisan ko na rin ang pagkilos.





Inilibot ko ang paningin sa kwarto ni Esay. Maayos naman ang bahay nila. Gawa sa semento ngunit dipa napipinturahan.





Nagbihis muna ako saglit ng panibagong T-shirt bago nagsuklay ng buhok at lagay lang ng pulbos.





Wag na yang lipstick! Makita pa ng nanay ko!





Nang makalabas na ay nakabihis na rin si Esay.





Agad kaming lumabas ng bahay. Nakita pa namin si Nora na bumibili ng pampers sa tindahan.




"Hoy, Nora! Meron ka ngayon?!" puna ni Esay.




"Oo eh! Bumili akong pantapal!" sagot ni Nora bago iangat ang pampers na binili kaya napakunot noo ako bago sumunod kay Esay na tuluyan ng naglakad




"Huy, Esay! May regla pero pampers?!" bulong ko.




Agad naman akong binatukan nito.




"Gaga! Alangan naman magnanapkin yun edi parang band aid lang na itinapal sa pempem niya kung sakali!" aniya kaya napailing nalang ako.





Sumakay na kaming jeep papunta sa university. Bukas pa maguumpisa ang pasukan pupunta lang kaming university para kunin ang schedules namin para hindi na hassle bukas






Nang makarating na sa university ay napakapit ako sa braso ni Esay bago bumulong.




"Tangina! Esay. Bakit ang lawak nito? Hindi kaya maligaw tayo rito?" bulong ko kaya napatawa ito.






Hinigit lang ako nito kaya napatingin ako sa paligid. Kitang-kita ko kung paano kami pasadahan ng tingin ng mga tao.





May narinig pa akong nagsabing ang probinsyana raw ng porma namin!





Wow ha? Manghuhula mga, ate






Porket kana bakuna shirt tas dress kayo probinsyana na naka-pantalon at t-shirt? Edi kayo na fashionista!







Napansin ko rin ang pagbaling saakin ng ibang lalake kaya napatungo ako!






Aaminin kong may itsura ako! May ilong, tenga---chos! Pero seryoso nga. Laging ako ang pambato sa barangay namin tuwing may pageant. Inalok narin ako dati ng modeling pero hindi ako pumayag.






Nang makuha na namin ang schedules ay agad na kaming naglibot ni Esay sa buong university.






Ang lawak talaga.





"Esay, pareho ba tayo ng room sa-----" hindi ko naituloy ang sasabihin ng mabunggo ako sa isang bagay.






"Tss.." dinig kong sabi ng nabunggo ko. Agad akong napaatras ngunit nanatili parin nakatungo dahil sa hiya.





Bahagya pa akong napakagat labi ng nanuot sa ilong ko ang Armani nito.






"Ehem" tikhim nito kaya't napa-angat ako ng tingin.





At ng magtama ang mata namin dalawa ay kakaibang reaksyon ang ipinakita namin.






Namilog ang mga mata kong nakatingin sakanya bago dahan-dahang lumakad paatras dahil sa pagkagulat.






No....







Nakatingin ako sakanya ng puno ng pagkamiss at pagka-gulat habang siya ay oparang kinikilala ako.





Wait....namumukhaan na ba niya ako?





"Clif..." biglang nasambit ko na nagoakunot sa noo nito.





Gusto kong maiyak at lapitan siya para yakapin pero natatakot ako.





At halos manghina ako ng sinabi nito, "Who are you? Why did you know me?" kunot-noong tanong niya na nagpa-init ng sulok ng mata ko






Nakalimutan mo na ba talaga ang lahat, Clifan?




------------------------x

His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon