Pahina IV
Cassandra Kylene~
"Manong, para. Hanggang dito nalang po. Kagaya ng relasyon namin." ani ko.
Batid ko ang pagbaling saakin ng ibang tao kaya't lumabas na kami ni Esay ng jeep.
Nang nasa tapat na ng university ay agad kong pinasadahan ang buhok gamit ang daliri ngunit nahulog lang uli ito sa dati. Nakakairita.
"Tara na!" biglang guyod saakin ni Esay kaya't wala na akong nagawa kundi ang magpatianod.
Nang nasa loob na kami ay agad akong nanibago at nakaramdam ng awkwardness dahil hindi gaya nung unang punta namin dito ay sobrang dami ng tao ngayon.
Yung iba ay napapatingin pa saamin ni Esay.
Nakaka-OP din ang outfit namin dahil halos lahat ay naka dresses at blouses. Kami lang yata naiba.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad kahit naiilang na habang si Esay ay naglalakad lang ng parang tanga!
"San first subject?" tanong ko kay Esay na kasalukuyang naglilibot parin ng mata at parang hindi pa nakita dati.
"Saglit!" aniya bago kunin sa bag ang papel kung saan nakalagay ang kanya. Well, same course kami kaya't pareho rin pati schedules namin.
"CB 104 bes. Third floor." excited na aniya bago ulit ako guyudin!
Takte naman!
Pag ako nabwesit leeg niya guguyudin ko!
"M-matagal pa ba? Ilang steps nalang?" hinihingal kong tanong sa hinihingal rin na si Esay habang naka-patong ang palad sa hita dahil sa pagod.
Kanina pa kami humahagdan pero hanggang ngayon hindi parin namin nararating ang third floor.
"T-twenty steps nalang yata best." ani Esay. Nagpakawala ako ng hangin sa ilong dahil sa inis!
Ang sakit na ng paa ko. Pinagpapawisan na rin ako. Yung namaga kong buhok sa jeep ay nabasa na ulit ngayon dahil sa pawis. Pati sentido ko ay basa na rin!
"Takte, Esay. Wag mong sabihing ganito ang magiging routine natin sa araw-araw?" sigaw ko rito.
"S-siguro.." alanganing sagot ni Esay ng bigyan ko ito ng matalim na tingin.
"16.....17.....18.......19.......isa nalang! Hoh! 20!" sigaw ni Esay bago ngumiti ng malawak.
Gagantihan ko na rin sana ito ng ngiti ng, "Ting!" tunog ng isang ELEVATOR na siyang bumungad saamin at nagpakulo ng dugo ko.
Mabigat ang paghingang nakatitig sa mga fresh na fresh na estudyanteng lumabas ng putanginang elevator!
Bago ko pa masakal si Esay ay nagtatakbo na ito palayo saakin!
At dahil ayokong nagsisigaw publiko at gumawa ng eskandalo ay agad kong ipinikit ang mga mata.
"TANGINA KA ESAAAAAY~" sigaw ko na nag-ani ng irap at bulungan ng mga estudyanteng nakatingin saakin.
Dahil sa kahihiyan ay agad akong nagtatakbo habang itinatakip sa gilid ng mata ang braso dahil sa hiya!
Sorry na. Nasanay lang sa probinsya!
Tumigil ako sa pagtakbo ng makita si Esay na pumasok sa isang room bago ako belatan kaya't inirapan ko nalang ito.
Lakad-takbo ulit ako ng mamataang ilang minuto nalang at time na.
Pinunasa ko muna ang sentido gamit ang sleeve ng polo ko bago pihitin ang seradura ng pinto at kagat labing pumasok.
Agad na sumalubong saakin ang malamig na buga ng aircon kasabay ng malamig na titig saakin ng mga estudyante kaya't napatungo nalang ako.
Mabuti nalang at wala pa ang prof namin. Inilibot ko mga mata kaya't nakita ko si Esay sa dagat ng mga magiging kablock namin
Sinenyasan ako nito na umupo sa tabi niya kaya't agad nalang akong naglakad doon. Napatingin pa ako sa lalakeng nakasubsob ang mukha sa lamesa at walang katabi sa bakanteng upuan.
Hinayaan ko nalang ito at inalis ko ang bag ko bago ipwesto sa upuan bago umupo.
Napangiwi pa ako ng mapalakas ang impact ng pagtama ng pwet ko sa upuan na nag-ani nanaman ng bulong-bulungan at tawanan.
Takte! Ako yata sikat ngayon?
Umirap na lamang ako bago isubsob ang mukha sa lamesa ngunit napapalo nanaman ako dito dahil napalakas nanaman ang pagtama ng noo ko kaya't feeling ko magkakabukol ang noo ko!
Akmang sisinghalan ko na ang mga kakalse kong nagbubulungan ng mapako ako sa kina-uupuan at pakiramdam ko'y tumigil sa pagtibok ng puso ko ng umalingawngaw sa buong silid ang kalmadong boses niya na nagpatahimik sa lahat. Wala kang maririnig ni isa kundi ang pag tunog ng uuan dahil saga umayos ng upo.
"Ang iingay niyo.." parang inaantok na sambit nito na siyang nagpalaka ng tibok ng puso ko.
Shit! Shit!
Nang ipihit ko ang paingin sa mismong likuran ko ay agad na bumungad saakin ang napipikit na mga matang nakatingin din saakin.
Mahahalata ang eyebags nito. Agad naningkit ang mata nito ng makita ako at ganun nalang din ang panlalaki ng mata ko ng sabihin nitong....
"I-ikaw..." napaawang pa ang bibig nito.
Tatanungin ko na sana kung naalala niya ako hindi bilang kilala niya noon kundi ang nakabunggo niya kahapon ng dugtungan nito ang sinabi.
"Y-yung babae sa panaginip ko.." sambit ni Clifan na nagpakunot sa noo ko bago ko maramdaman ang pagkurot ni Esay sa tagiliran ko bago bumulong.
"His face sounds--este--looks familiar.."
-------------------------------x
Oh, ayan, Kylene! Hi guys. Ito na muna. Kinulit kasi ako nung apo ko na mag UD raw sa kwento niya! Btw, I'm not surw kung next week ako makakapag-UD. Baka next next week na dahil sobrang hectic talaga ng schedule ko. Ang dami naming gagawi. hindi lang sa school. Hays. Sorry.-Madam
BINABASA MO ANG
His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)
General Fiction"Lagi siyang nasa panaginip ko. Sa t'wing sasapit ang gabi siya ay naiimahe. Nakakaakit ang mala-anghel na mukha nito kasabay nun ay ang bawat kurba ng walang saplot nitong katawan"- Clifan Smith Story cover was made by: CK Written by: Nicolemacamwa...