Start:
Her~
Kaagad kong binuhat ang bag ko bago itaas ang dalawang kamay habang nilalanghap ang maruming usok dito sa maynila.
"HELLO PHILIPPINES!" masaya kong sigaw bago humarurot ang isang jeep sa gilid ko kaya't agad na bumuga saakin ang maitim na usok nito.
Agad akong napa-ubo. Yung OA na ubo na nakakaagaw ng atensyon sa mga nagdaraan tao.
"Huy, CK! Anong 'hello philippines' pinagsasabi mo? Eh sa Pangasinan ka lang naman nanggaling?" pambabara ni Esay na siyang friendship ko.
"He-he," nahihiya kong tugon.
"Oh siya! Tara na!" aya nito saakin bago tumawid sa pedestrial lane kaya sumunod na lamang ako.
"Hintay tayo ng taxi," ani nito.
Tumango na lamang ako. Galing kami ni Esay ng probinsya. Lumuwas kami ng maynila dahil nakapasa ako dun sa ti-nake kong exam dun sa dati kong school sa Pangasinan nung Highschool palang ako.
Kaklase ko doon si Esay at katulad kung nagtatrabaho sa isang mayamang pamilya doon bilang isa sa mga katulong.
Mabait yung amo namin dahil siya ang nagbibigay ng baon naming dalawa noon. Hindi pa dun kabilang ang pinapasweldo nila saamin.
Ilang minuto pa kaming naghintay dahil puro bwesit yung tao dito at agad na nakikipag-unahan! Milo marathon? Energy energy gap?
Nang may tumigil ng taxi sa tapat namin mismo ay agad na akong tumakbo palapit ng pinto kaya't masakit akong tinignan nung ibang nakikipag-unahan din.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa backseat habang si Esay eh nasa front seat na. Slow motion akong pumapasok dahil nakikipag labanan pa ako ng tingin doon sa babae.
Tinataas ang kilay at sulok ng labi na parang nag-aasar kaya napakunot ang noo nito.
Tatawa na sana ako ng bigla akong nauntog kasabay ng pagtawa ng mga nakakita.
Sumakay nalang ako at pabagsak na isinara ang pinto dahil sa inis at pagkahiya
"Ayan kasi!" epal pa ni Esay kaya napairap ako.
"Ang tanga ng sasakyan niyo manong ha? Di man lang umusog!" reklamo ko bago pinagkrus ang braso.
Pak na pak na eh! Nakarma pa!
"PAGASA, kuya. Road 8," sambit ni Esay. Saaming dalawa siya lang ang may bahay dito sa maynila ako pinilit niya lang na doon daw muna hangga't di pa ako nag-uumpisang mag-apply ng pansamantalang trabaho para kuhanan ng extrang pera. Nakakahiya narin kasi sa amo namin kung magpadala pa ako. Lalo naman kina Itay at Inay na pagsasaka lang ang trabaho.
Nang huminto ang taxi sa isang eskwater area ay agad na kaming bumaba.
Agad kong napabaling sa paligid. Hindi ko inasahan na hindi lahat ng parte dito sa maynila ay may matatayog na gusali.
Ang inasahan ko lang ay walang mga puno at sakahan dito.
Iba't-ibang amoy ang nalalanghap ko habang naglalakad kami ni Esay sa isang makipot na daan.
Napapa-usog pa ako sa twing may mga batang nagsisitakbuhan. May nagsusugal at nakikipagtismisan.
"Bwesit ka! Lumayas ka rito! Ang landi landi mo! Mukha ka na ngang tingting sa payat tapos kinakalantari mo pa kumare ko! P*tangina ka Pendong!" agad akong napakapit kay Esay ng may magsigawang mag-asawa sa gilid nimin mismo.
Ni wala man lang nagpipigil sakanila. Iilan lang din nakatingin at parang sanay na sanay na sila!
Jusme! Bakit ganito dito? Saamin kahit probinsya hindi ganito kagulo!
"Hayaan mo na sila," bilin ni Esay sa kalmadong boses na parang sanay narin sa mga ganoong eksena!
"Esay?" may biglang sumulpot na matabang babae sa isang tabi habang nakatingin kay Esay.
"Nora?!" biglang sigaw ni Esay bago magtatalon na lumapit dun sa Nora at sinakal bago yugyugin ang mataba nitong katawan kaya nag w-wave ang bilbil nito na nakalabas na sa bitin nitong damit!
"Bruha ka! Diko pa nakakalimutan ang ginawa mong pang-aakit sa ex manliligaw kong si Lito!" sigaw ni Esay kaya naman agad napaawang ang labi ko.
Akmang pipigilan ko na sila ng yakapin naman ito ni Esay!
"Namiss ko kasiksikan mo!" gigil niya sabi bago bumaling saakin
"Nga pala, si Kylene, friendship ko sa probinsya!" pakilala nito saakin.
Agad naman akong nginitian ni Nora, "Ke-ganda naman nitong kaibigan mo! Parang modelo!" puri saakin ni Nora kaya naman agad akong napatungo.
Sanay na kasi akong makarinig ng ganun. Kaya't hindi na ako kinikilig.
Pabiro ko itong hinampas, "Enebe! Ehehe!" pabebeng sambit ko.
Biro lang kanina!
Akmang magsasalita na ito ng tumunog ang cellphone ko.
Agad ko itong sinagot ng mabasa ko ang caller.
"Tita Andeng!" bungad ko sa amo namin ni Esay
"Susme, Ky! Kanina pa ako tumatawag! Halos matapon ko na----myloves..-Jack! Wag ka nga!----Hmm----Hello, Ky? Ay tangna ka Jack! Wag jan!"
Agad akong napangiwi ng marinig ang ungol ni Tita Andeng.
"Hello? Mamaya nalang po. Nasa maynila na kami." akmang papatayin ko na ang tawag ng masalita ulit ito.
"Isa, Jack! Kausap ko si Ky!-----alright. Later baby..----Oo! Hello, Ky? Safe ba kayo? Susme baka ni-rape niyo driver ha? Pogi ba yung driver?-----What the hell, Andrea?!" halos matawa ako dahil sa pagsingit ni Tito Jack na halatang iniinis ni Tita Andrea.
"Ayos lang po. Nandito na kami ni Esay sa kanila." sagot ko.
"Ano?! Diba sabi kong dun ka nalang sa------"
"Wag na tita! Ayos lang rito! Tsaka alam niyo namang...basta!" sabi ko nalang.
"Naku, Ky! Basta punta kalang doon kapag wala kang matuluyan jan!"
"Opo," nangingiting sambit ko.
Hindi ko na kailangang pumunta doon at makitira. Atskaa hindi pa ako handang makita ulit siya....natatakot ako.
-------------------------x
BINABASA MO ANG
His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)
Ficción General"Lagi siyang nasa panaginip ko. Sa t'wing sasapit ang gabi siya ay naiimahe. Nakakaakit ang mala-anghel na mukha nito kasabay nun ay ang bawat kurba ng walang saplot nitong katawan"- Clifan Smith Story cover was made by: CK Written by: Nicolemacamwa...