Pahina III

739 19 8
                                    

  Start:



Nakapikit lang ang mata ko habang nakatakip ang braso rito. Pinipilit matulog ngunit hindi ko magawa dahil bukod sa nakakarinding hilik ni Esay na katabi ko ay ang pag-alala sa mga nangyari kanina.



"Hayy." napabuntong hininga ako bago imulat ang mata.


Gusto kong lumabas at lumanghap ng sariwang hangin ngunit naalala kong wala ako sa probinsya at dito palang sa loob umaalingasaw na ang amoy sa labas.


Susme. Hindi ako makahinga.


Mimulat ko ang mga mata bago pinalitan ang pwesto. Agad akong napaubo ng pagtagilid ay kili-kili ni Esay ang nabungaran ko.


Juskong mahabagin!


Bumalik nalang ako sa dating pwesto kaya't yero na ang nabungaran ko. Walang kisame. Choosy pa ako sa view kung hahanap pa ako.



Ipipikit ko na sana ang mata ng mamataan ko ang isang butiki na isang kamay nalang ang nakakapit sa kahoy na sumusuporta sa yero.


Gusto kong maiyak habang nakatingin sakanya.

'Hayaan mo butiki. Narerelate ako sa nangyari sayo. Kung paano maiwan sa ere at mahulog ng yung sasalo? Ang pinagkaiba nga lang. Ang tanga-tanga ko. Ikaw medyo lang dahil bakit ka nakabitay jan? Di yan plaza tanga,'

Ipinilig ko ang ulo sa pinag-iisip.


Nagising nalang ako ng tumama sa mata ko ang sinag ng araw na nanggaling sa siwang ng bintana.


"Kylene! Tangina ka! Gising na jan! Mali-late na tayo!" biglang sigaw ng hayop na si Esay kaya agad akong napabangon habang tinatanggal ang muta sa gilid ng mata!


Shit! Late na kami!


Hindi na ako naligo--joke. Agad na akong naligo bago magbihis ulit ng pantalon at sando na pinatungan ng long sleeve na dinem tsaka ankle boots na ginagamit pansaka--joke ulit. Bigay sakin ni Tita Andeng nung graduation ko last year.



After nun ay agad na akong lumabas ng kwarto. Nakita ko si Esay na nakabihis na rin kaya't agad na kaming pumuntang jeep stop.



Nang makasakay na ay agad akong natulala habang nakatitig sa maitim na batok ng driver dahil malapit ako sakanya.


Nakita ko siya kahapon..


Naalala ko pa kung paano ako tumakbo palayo sakanya at hindi sinagot ang tanong niya dahil sa sakit na naramdaman at sa sobrang kaba.


Ipinikit ko ang mata dahil hindi ko mainda ang dark view.


Nasa iisang lugar na tayo...nakahinga ako ng maluwag sa kaisipang wala kang maalala dahil alam kong mas masasaktan ako pati na ikaw kung sakali.....pero miss na kita, Clifan...


--------------------------x  

His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon