Pahina VII

514 9 0
                                    


 Kylene (POV)






"Para, Manong! Dito na!" badtrip parin ako hanggang ngayon.




Naunang tumayo si Esay bago ako. Hindi ako nakatingin sa harap dahil binigyan ko muna ng irap yung muntik ng naging sanhi ng kamatayan ko. Si Ate.



Inirapan rin ako nito. Akmang susuntikin ko ito sa balunbalunan ng tumama ang mukha ko sa pwet ni Esay!




Shete naman! Astig na irapan scene namin panira si Esay!



Dahil sa inis ay napalo ko ito sa pwet.




Nang makababa na ay agad kong tinanggal ang panyo para makahinga ng maluwag ng magsalita ng malakas si Manong Kundoktor.



"Ang gandah moh palah! Sana senabe moh para de ka nagepet duun!" tuluyan ng tumirik ang aking mga mata ng marealize na mas powerful itong kay Manong kumpara kay Ate.



Kung hindi pa ako ginuyod ni Esay ay baka bumagsak na ang katawan ko roon o kaya'y pinaglalamayan na ako ngayon.




Wala parin ako sa hwisyo ng pumasok kami sa masikip na eskinita.



As usual ay puro nanaman bata sa gilid-gilid at mga matatandang nag-iinoman at nagsusugal.



Halo-halo rin ang amoy na aking nalalanghap.



Nakita ko pa ang isang aso na dinidilaan ang tae sa may tabi. Susme.



Gusto ko ng sumuka dahil bukod doon ay nanunuot parin ang pinaghalong patay na daga at imburnal na ibinuga ng dalawa. Para itong nagrarap sa ilong ko dahil naghalo-halo.




Malayo palang kami sa natatanaw na bahay nila Esay ng makita ko ang bilbil ni Nora na malayang bumabalandara dahil sa bitin nitong damit.



Sa katunayan ay maganda itong si Nora. Mala Big Show nga lang ang katawan.




"Mga tropa!" sigaw ni Nora bago kumaway kaya't mas lalong lumabas ang bilbil nito. Kagaya kanina ay may dala nanaman itong pampers.




"Bakit pampers nanaman?" nagtatakang tanong ni Esay.



"Ah ito?" itinaas nito ang diaper, "natagusan ako! Wala pang five minutes!" paliwanag niya bago kami talikuran.



Totoo nga ang sinabi nito. Dahil parang ihi ang dugong nasa yellow short nito dahil sa dami. Ew.



Nang makapasok na kami ng bahay ay agad na akong naligo bago magbihis.




Naghahanda na rin kami ni Esay para sa hapunan. Nagluto kami ng pancit canton at itlog. Hotdog sana..



"Grabe! Jurassic hininga ni mang kundoktor! Dimo naamoy?" kwento nu Esay na nagpasakit sa ulo ko.



Parang naamoy ko nanaman ang hininga nila. Jusko kung alam mo lang pinagdaanan ko Esay.



Panay ang kwento ni Esay ng tumunog ang cellphone ko.




Agad kong nakita ang pangalan ni Tita Andeng.




"Hello po!" bati ko rito.




"Hello, Kay! Kumain na kayo?" malakas na tanong nito. Naririnig ko pa ang reklamo ni Tito Jack at Jameya na siyang bunsong anak nila Tita Andeng.



"Naku! Kakain pa lang po!" nakangiting sagot ko.




"Ganun ba? O sige, eat well! Nga pala asaan ka ngayon?" tanong ni Tita.




Bahagya akong nabalisa, "Kina Esay po.." sagot ko.




"Naku! Bakit? Pwede ka doon Kay! Mas malapit sa school niyo yun! Para na rin maalala----" naputol ang sasabihin nito. "Baby..hayaan mo na ang mga bata. Gumawa nalang tayo ng bata." biglang singit ni Tito Jack na nagpangisi saakin dahil sa kilig!




"Jusko, ikaw Jack! Wag ka nga! Enebe..memeye neleng!" timabingi ang dila ni Tita Andrea na nagpangiti saakin.




"Bye na Kay! Itong Tito mo tigang nanaman!" bulgarang sambit ni Tita na nagpatawa saakin bago patayin ang tawag.



Napapailing ako ng tumawag din ang nanay ko.




"Nay!" masayang sambit ko.




"Kaykay! Musta na u jan? Jejeje!" pagkamusta saakin ng jejemon kong nanay.




"Ayos lang nay! Kayo po?" tanong ko rin.




"Ayoz lang aman uz." kung ano ano pa ang pinag-usapan namin ni nanay hanggang sa patayin na nito ang tawag dahil mageexpired na raw ang load nila dahil itetext pa niya ang mga ka-clan niya.




Jusko.




"Kain na!" sigaw ni Esay kaya't umupo na ako bago kumain.





Habang kumakain ay bigla kong naalala ang sinabi ni Tita. Ayokong maalala niya ako...ayokong maalala niya ang mga nangyari. Pero miss ko na siya...sobra.



------------------x
Hello? Feedbacks! Mumurahin ko lalabag. Tangina niyo in advance! Lalo na sa lumalabag sa rbp! Jusko. Maawa kayo sa operators ko. Ako na rin naninita.




-Madam  

His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon