Pahina x

508 7 0
                                    

Pahina X


Cassandra Kylene~




"Hmmn.." daing ko ng maramdaman ang pananakit ng ulo ko. Para itong tinutusok ng maramaming karayom. Lalo kong idiniin ang pagpikit.



Nang may marining akong tumikhim ay agad akong napamulat.



Libo libong kabayo ang nagtatakbo sa puso ko nang makita ang nakapamulsang si Clifan habang nakasandal sa pader.



Pilinit kong umupo galing sa pagkakahiga ngunit umikot lamang ang paningin ko.



Mula sa medyo bukas kong mata ay nakita ko ang mabagal na paglapit saakin nito habang nakakunot noo.




Jusko naman, Clif. Don't you ever ever. Este wag na wag kang lalapit saakin at baka mangisay ako rito at maging bangkay.




Napurnado ang dasal ko noong tuluyan na itong makalapit saakin.




"Ah..eh.."



"Are you fine now?" kunot noong tanong nito.



Agad akong namula bago umiwas ng tingin. Nakita ko tuloy ang dalawa pang kama.



Nasa clinic pala ako. Maya maya lang ay agad kong naalala ang nangyari! Bwesit na tricycle yun! Di na nahiya sa kagandahan namin!



Wait. "Nasaan si Esay?" tinanong ko rin siya.




Kumunot nanaman ang noo nito na parang nagtatanong bago tinaas ang kilay at parang may naalala, "Ah yes. Your friend?" tanong nito. Tumango ako.



"Kalalabas lang niya. Bibili raw eh." sagot nito bago suklayin ang buhok gamit ang daliri at tumango.



"N-nang ano raw?" utal kong tanong.



"Para sa sugat mo raw?"




"Eh? Ano?"



"Napkin daw." tumaas ang kilay nito.




Tangina mo Esay! Kakatapos ko nga lang eh!



"Ah." pilit akong humagikhik.



"Are you okay now? Ano bang nangyari?" tanong nito. Nanginginig nanaman ang lamang loob ko.



Pakiramdam ko'y tumitibok nanaman ang atay ko.



Jusko, Esay! Bilis bilisan mo na dahil baka ospital na sunod ko!



"Oo ayos na. Mahabang istorya" umupo ako sa gilid ng kama. Hindi abot ang paa ko sa sahig dahil medyo mataas ang kama.




Akmang bababa na ako nang kumirot ulit ang ulo ko.



Napadaing ako ngunit agad iyong napalitan ng pagtili ng maramdaman ko ang malaking palad ni Clifan sa baywang ko.



"Let me help you." seryosong sambit nito kaya't napakapit ako sa balikat niya na nagpatigil sakanya.



Namimilog ang mata naming dalawa kaya't para kaming napasong binitawan ang isa't isa. Parang may kung anong kuryete ang dumaloy sa katawan ko noong maramdaman ko ang katawan niya saakin.



"Sorry!" sabay pa naming sambit.




Meant to be kami! Chos!



Nagiwasan kami ng tingin.



"Wag na." kinagat ko ang pang ibabang labi.



"Alright." sagot nito bago kamutin ang batok.




Akmang susubukan ko na ulit ang bumaba nang umikot ang paningin ko kaya't nawalan ako ng balanse!



Agad akong napapikit at umaasang mahuhulog sa sahig-ngunit dahil paasa pati ang sahig ay sinambot ako ni Clifan at dahil sa hindi niya inaasahan ang bigat ko ay pareho kaming nahulog sa sahig!



At higit sa lahat ay lalong namilog ang mga mata ko katulad niya. Gustong sumabog ng puso ko ngayon.



Ramdam na ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko sa tapat ng dibdib niya. Sa sobrang lakas mg tibok ng akin ay pakiramdam ko'y pareho kami at sabay ang beat ng puso namin.




Nakapalibot ang kamay nito sa waist ko. Habang ang palad ko'y nakakapit ng mahigpit sa balikat niya.



Dahil ngayon...ramdam na ramdam ko parin ang malambot nitong labi na kasalukuyang nakalapat sa labi ko!



Shutanginamez! Ayoko ng Damn it! Masyadong sosyal!


----------------x  

His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon