Pahina V

714 17 0
                                    

Pahina V

Cassanddra Kylene~


 Tulala akong naka-upo rito sa cafeteria habang inaalala yung nangyari kanina.

"Alam mo CK! Feeling ko talaga familiar saakin yung lalake kanina! Parang nakita ko na siya somewhere right there!" matinis ang boses na aniya.

Kanina pa siya talak ng talak habang sumusubo ngunit hindi ko nalang siyang pinapansin.

Hanggang ngayon ay pala-isipan parin saakin ang sinabi ni Clifan.

Ako? Nasa panaginip niya?

Paano nangyari yun? Bumalik naba ang ala-ala niya?

Sa kaisipang iyon ay naramdaman ko ang pamimilis ng tibok ng aking puso.

Merong bahagi sa puso ko na masayang malaman iyon ngunit mas nangingibabaw ang takot dito..

Hindi niya maaaring maalala yung dati...hindi pa ako handa....pero mis ko na yung dati.....nung mga panahong kasama ko ko pa siya....

"Hoy!" nabalik ako sa reyalidad ng pitinik ni Esay ang noo ko kaya't napa-aray ako.

"Pakyu ka to the bone! Sakit ha!" asik ko bago himasin ang noo ko.

"He-he..tulala ka kasi!" turan nito.

Akmang kakainin ko na ang inorder ko ng mapansin ang nanlalaking mata ni Esay.

"First time makitang kakain ako? OA ha?" natatawang tanong ko ngunit hindi parin ako pinapansin nito.

Kumunot ang aking noo ng mapansing hindi saakin nakatingin ito! Dahil nakatitig pala ito sa kadarating na si Clifan na kasalukuyang naglalakad papasok habang may nakasabit na head set sa leeg.

Shit!

Napahinga ako ng malalim ng naramdaman ko ang pamimilis ng tibok ng puso pati ng maalala ko yung kanina.

Nung sinabi nitong ako yung babae sa panaginip niya ngunit binawi lang din agad at sinabing 'Imposible'

Habang nakatingin sa mala-Diyos niyang presensya ay napansin ko rin kung paano siya pagtingin ng mga taong nadadaanan.

Para siyang Diyos na naglalakad sa gitna ng cafeteriA. Titig na titig ako sa bawat pagkilos niya.

Kung paano gumalaw ang legs nito dahil sa paglakad at lapad ng dibdib nito na natatakoan ng itim na damit dahil sa nakabukas na polo!

Shitenez talaga!

Pinasadahan ko pa ito ng tingin ng aksidenteng napadpad ang mata ko sa gitnang bahagi nito.

Ay shit!

Napapikit ako ng mata bago umiling. 'Baliw kaba, Kylene? Dun pa talaga?' bulong ko sa sarili.

Binuksan ko na lamang ang mga mata na siyang pinagsisihan ko rin!

Nanlalaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang naghaharnumento kong puso ng magtama ang mga mata namin pagmulat ko!

Takte! Pakiramdam ko nga tumibok ang atay ko!

What the shit? Atay tumitibok?! Atay beat?

------------------------x
Late UD. Busy po ako. Sorry...

-Madam  

His Midnight Obsession: Cassandra Kylene (Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon